Mahal kong Beeyotch...
Teka paano ko ba ito sisimulan,
Siguro sasabihin ko nalang muna ang dahilan.
Kung bakit ko naisipang sumali,
At magbaka sakaling na sa akin ang swerte.Siguro iniisip ng iba na premyo ang dahilan,
Pero nako! Hindi po! Gusto ko lang na may masabihan.
Kase simula ng mabasa ko ang mga ginawa nyang storya,
Ang mga gawa nya ang daan para ako ang sumaya.Sumaya sa panahong malungkot ako,
Sa mga pananhong parang ang gulo-gulo.
Sa mga panahong "forever" ang bukambibig ng mga tao,
Tapos ako, eto palaging solo.Patawad at napahugot yata ako,
Hindi ko lang po talaga mapigilang maki-uso.
Siguro isa na rin po ito sa mga epekto,
Ng Kabanata 35 ng Just The Strings na nabasa ko nitong Linggo.Hindi ko makakalimutan ang mga ganap habang binabasa ko iyon,
Nahuli kase ako ng mama ko na umiiiyak habang nagtatatalon.
Kase naman nagkaayos na sila Parker at Imo,
Eh Team Banal ako kaya ayon, nagpaka-OA ng todo.Tapos nalaman ko pang araw ng pagkamatay ni Parker noong ika-19 ng Agosto,
Eto naman ako, nawindang ang mundo.
Kase naman naalala ko yung panahong Just The Benefits pa ang binabasa ko,
Apektadong-apektado ako nun tapos ramdam ko talaga si Imo.Sa mga gawa ni Beeyotch hiondi ako nagiging manhid,
Nararamdaman ko kase talaga, minsan nga ang sakit sa dibdib.
Pero ang pinakagusto ko ay yung kilig,
Kaya naman sa mga gawa niya ako'y nahilig.At nagpapasalamat nga pala ako,
Kase dahil kay Beeyotch nagkaroon ako ng mga kaibigang bago.
Nakatuklas din ako ng bagong mundo,
At salamat sa pagkakataong maisulat ko ito para sa aking iniidolo.Hindi ko na rin siguro pahahabain ito,
Salamat ulit Beeyotch sa mga kwento.
Naging malaking parte ito ng buhay ko,
Sana'y ipagpatuloy mo pa ang pagpapasaya sa mga mambabasang katulad ko.- PaisleyBlue
BINABASA MO ANG
Beeyotch's Poem Writing Contest
PoetryBEEYOTCH'S POEM WRITING CONTEST Start of Submission: Saturday, Aug 20, 2016. 5:00 PM Deadline of Submission: Thursday, Aug 25, 2016. 11:00 PM Voting: August 26, 8:00 PM - August 27, 5:00 PM Book cover by Lynne Agapito