Isang Gabi ng Kalungkutan
Isang gabi ng kalungkutan dumating ka
Kinausap mo ako at sinabihang "maganda ka"
Ako ay umiyak at pinunasan mong mga luhang umagos sa mga mata ko
Nagpaalam ka at nagpasalamat akoNaging magkaibigan tayo
Ginawa kitang unan,
Iniyakan kita at iniwan sa gilid na lamangTinanong mo ako kung mahal kita
Sinabi kong oo, kahit hindi naman talaga
Ayaw kitang saktan
Ngunit handa akong magsinungaling, mapasaya ka lamangNaging tayo
Binigay mo ang lahat sakin
Minahal mo ako higit pa sa pagmamahal ninoman
Pero hindi ko nakayananDumating ang isang gabi ng kalungkutan
Sinabi ko ang katotohanang di ko pa sya nakalimutan
At nang ikaw ay aking tinalikuran
Ikaw ay lumuhod sa aking harapan
Humiling ng huling halik habang ako'y iyong hinahagkanInahon mo ako sa dagat ng aking mga luha
Minahal mo ako na kahit na libo libong sakit sakin ay sumasabog
Hindi ko pala kayang maging masaya ng wala ka
Pero handa akong magpaubaya
Kasi ayaw ko na ako ang nagiging dahilan ng iyong paglubogNang ikaw ay aking pinakawalan
Minulat ako ng katotohanan
Nang nawala ka sa puso ko'y nagkaroon ng butas
Pero masaya ako at may iba ka na sa wakasMinahal kita at mahal parin kita
Ayaw ko lang na ikaw ay umasa
Umasa na tayo ay magtatagal pa
Hindi mo alam pero ako ay magpaalam naNasa ospital ako at nakaratay
Malamig ang aking mga kamay
Ikaw sakin ay dumalaw
Umiyak hanggang madaling-arawUmiyak ka at sakin ay humingi ng paumanhin
Sinabi mong hanggang ngayon ako parin
Hinawakan ko ang iyong mukha sinabi kong mahal rin kita
Binantayan mo ako hanggang dumating naDumating na ang gabi ng kalungkutan
Binalikan natin lahat ng ala-ala
Marami kang ginawa para sakin
Pasensya na, ito nalang ang kaya kong gawin
Pangalan mo ang ibabaon sa aking pamamahinga
Paumanhin, mahal ko
Tandaan mo mahal na mahal kita.-nelipot
BINABASA MO ANG
Beeyotch's Poem Writing Contest
PoetryBEEYOTCH'S POEM WRITING CONTEST Start of Submission: Saturday, Aug 20, 2016. 5:00 PM Deadline of Submission: Thursday, Aug 25, 2016. 11:00 PM Voting: August 26, 8:00 PM - August 27, 5:00 PM Book cover by Lynne Agapito