A Poem by Onedel Lois D. Mauleon [Filipino]

360 16 7
                                    

Simulan natin sa simula
Kung saan ako'y nagbasa
Ng buhay ni Alys Perez at Drake Palma
Doon halo halong pakiramdam ang aking nadama
Nainis, Naiyak, Natuwa pero hindi ko ikakaila
Isang magandang storya

Isunod natin ito
Kung saan kaabang abang ang bawat kabanata
Sa haba ng buhok ni Monique Aldea
Na hinahabol ng dalawang papa
Kung saan itong dalwang papa ay magkapatid at kambal pa
Na siyang lalong nagpagulo sa buong storya
At siya nito ring ikinaganda

Idadag pa ang pagmamahal ni Kelly Acebeda
Na pati ikaw ay mapapanganga
Pati ikaw ay madadala
At ang katapusan
Na hindi mo inaasahan

Eto pa si Andy Guzman na isa pang pogi
Sa bawat banat niya ika'y mapapangiti
Si Uno na nakakapanggalaiti
Nadala sa tukso at isang taksil na lalaki

At ang pinakabago
Mary Imogen mula una hanggang huli
Sama sama sa kilig at pighati
Kahit na mapaihi

Ito ang pinagkaiba
Sa ibang manunulat gaya niya
Nakasulat sa taas iyong mababasa 👆🏼
Di nila kayang gawin o gayahin ang iyong likha
Sapagkat ika'y orihinal at nagiisa
Beeyotch kami ay iyong kasangga
Sama sama hanggang sa huling kabanata

Beeyotch's Poem Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon