Hindi Ko Inakala
Hindi ko inakala na ako'y makakabasa
Kwento ni Beeyotch na puno ng pag asa
Nakakatakot mang basahin ngunit oras mo'y sulit
May saya, kirot, pasakit, kilig at kulit.Kwento niya'y ibang iba
Kitang kita mo na bawat storya ay pinag iisipan talaga
Ramdam mong siya'y may malasakit sa mambabasa
Hindi tulad ng iba na puro paasa.Hindi ko inakala na ako'y makakabasa
Kwento ni Alys at Drake Palma
Si Drake na misteryoso at matalino
Habang si Alys na makulit at sa 'strawberry' na'y kuntento.Gustong gusto ko ang takbo ng kwento
May Aya, Kent at Sheen, idagdag mo pas si Tripp na bibo
Ang paibigin si Drake ay imposible
Ngunit, nang dahil kay Alys naging posible.Hindi ko inakala na ako'y makakabasa
Kwento ni Parker, Imo at Shiloah
Si Parker na may kapilyuhan at puro laro
Habang si Shiloah nama'y mabait at santo.Si Imo'y nawindang sa kanyang nalaman
Si Parker pala'y sa Dignitas nagtungo
Buhay niya'y balak wakasan, upang paghihirap niya'y maibsan
Isinama si Bianca upang buhay ni Imo'y 'wag ng gambalain.Hindi ko inakala na ako'y makakabasa
Kwento ng JTS ang bagong kabanata
Bagong henerasyo'y nagsilipana
May Mary, Parker P. at Saint Iverson.Ako'y kinikilig, natutuwa at kinakabahan
Sa kung ano ang patutunguhan sa kwento ng tatlong kabataan
Sana nama'y wala ng mamatay
Upang buhay ng tatlong bida'y makulay.- MysticAcne
BINABASA MO ANG
Beeyotch's Poem Writing Contest
PoetryBEEYOTCH'S POEM WRITING CONTEST Start of Submission: Saturday, Aug 20, 2016. 5:00 PM Deadline of Submission: Thursday, Aug 25, 2016. 11:00 PM Voting: August 26, 8:00 PM - August 27, 5:00 PM Book cover by Lynne Agapito