ANG DUMATING
may mga kwentong
pilit na
nangeengganyo
maniwala sa habang buhay
sa walang hanggannakakapagod maniwala at maghintay
sa nyebeng pinangakong dadatingngunit may dumating
sinabing walang nyebeng paparating
'tumigil nang maghintay; hindi ito dadating
hindi nais
umalis
sa trono
sa ibabaw ng mga ulap
nagtatago
sa kalangitan
ito ang katotohanan'ang kanina'y dumating
iniwan akong nakatingin
sa kawalan
nagtatanong
ano ba'ng gagawin
kapag lahat ng dati'y tunay
ay nabasag
at ang mga bubog
ay sinugatan
ang mga mata
at ang mga kamay
ayaw tumahan
ng dugo at luhakaya sinundan ang kanina'y dumating
naghahanap ng sagot
kung bakit
ang sakit sakit
nakita ang kamay' nagdurugo rin
ngunit hindi kasing sariwa ng akin
marahil di rin kasing sakit
nagagawa pang maglakad
ngumitikaya sinundan ang kanina'y dumating
tinapakan ang bawat yabag
nagbabakasakali
baka mga sugat ko'y magmanhid dinat sa bawat hakbang
naramdaman
ang sakit
ng mga taong
hindi naman kaibigang matalikang bawat hakbang
parang papuntang
kaibuturan ng mundo nating
nagmalas
ng masyado
nang maraming
disgraya't
pagkasawi
napakainit
nakakapaso
ngunit hindi alintana
tatanggapin
yayakapin
ang sakit
dahil sa huli
ito ang pinaka
higit
na hindi naramdaman
sa ibabaw ng lupa
BINABASA MO ANG
Beeyotch's Poem Writing Contest
PoetryBEEYOTCH'S POEM WRITING CONTEST Start of Submission: Saturday, Aug 20, 2016. 5:00 PM Deadline of Submission: Thursday, Aug 25, 2016. 11:00 PM Voting: August 26, 8:00 PM - August 27, 5:00 PM Book cover by Lynne Agapito