"Kilala mo ba si Ariesa?" by Leevie Ann Opanis [Filipino]

465 11 3
                                    

"Kilala mo ba si Ariesa?"

Minsan ako'y namanhid, nasaktan.
Emosyon tila'y nawalan.
Hanggang sa nakilala si Ariesa
Doon na muling umiyak, tumawa.

Hinangaan, at sinuportahan.
Ang babaeng ako'y tinulungan.
Lingid sa kanyang kalaaman ay,
Naging parte na siya ng aking buhay.

Ang babaeng nagbibigay ligaya
Pero minsa'y dahilan ng mga luha.
Dahil sa mga kwento niya,
Insipirasyon sa pagsusulat, ay siya.

Pina-iyak, pina-kaba, pinatawa.
Epekto niya sa aki'y ibang-iba
Mga karakter sa kanyang storya
Tumatatak, nag-iiwan ng alaala.

Hindi man ako magaling sa salita,
Hindi niya man ako kilala,
Hindi paman kami nagkita,
At hindi man ako parte ng buhay niya,

Isang bagay lang ang sigurado.
Isang bagay lang ang masasabi ko.
Minahal ko siya, mahal ko siya, at mamahalin ko siya,
Ang babaeng nagngangalang Ariesa.

Beeyotch's Poem Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon