A Poem by Black Rose [Filipino]

410 10 1
                                    

Ako'y nagbasa
Isang istoryang maganda
Isinulat ng magaling na manunulat
Beeyotch ang pangalan niya
Mga istorya'y hindi mapagkakailang maganda talaga

Pagkat ang sumulat ay may magandang mukha
Damang dama ang bawat salita
Sa kaniyang istoryang iiyak ka talaga
Siya'y maraming tagahanga
Isa ako sa kanila
Isa sa mga umiyak dahil sa libro niya
'Pagkat walang pambili't walang pera sa bulsa
Istoryang kaniyang ginawa'y minahal ko na

Naglaan ng oras sa pagbabasa
Minsan ay inuumaga na
Di pa nakuntento't hanggang sa paarala'y nagbabasa pa
Mga kaibigan ay naiinis na
Bukambibig ko raw ay laging siya
Kagandahan ng kaniyang istorya'y 'di maiwasang ikwento sa iba

Lagi ring sinasabing basahin nila
Ako'y tahimik lang na tagabasa niya
Ngunit ngayo'y gumawa ng tula

Nais lamang ipakita
Pagmamahal at suporta na para sa kaniya

Beeyotch's Poem Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon