Patuloy
Sa bawat salitang nasusulat
Sa bawat pahinang binubuklat
Ninanamnam, akala mo'y walang kasing sarap
Kahit na ang hatid nito'y sakit at hirap.
Kumakalabog ang aking puso
Sabay sa tambol ng musika mo
Ang bawat pangyayaring natutunghayan ko
Animo'y sandatang nakatapat sa dibdib ko
Isang kalabit lang patay na ako.
Ako'y hingal na hingal
Nababaliw sa aking nalalaman
Ako'y unti-unting nawawala sa aking ulirat
Nang sinampal mo sa magkabilang pisngi ko ang katotohanan
Gamit ang mga matatamis mong salita
Sa iyong mga istoryang kakaiba.
Hindi ko alam kung ako'y dapat pang mabuhay pa
Dahil sa sakit sa pusong aking tinatamasa
Ang mga dugo'y umaakyat sa aking ulo
Sa bawat istoryang tagos sa puso't kaluluwa ko
Ako'y nananangis at nagmamakaawa
Na itigil na ang kalokohang ito
Ngunit hindi na bale kung ako ay masaktan
Wag lang si Parker Y. o si Gabe na aking minamahal
Sapagkat ako'y bihasa na sa ganyang larangan
Dahil iyong hinasa na sa simula pa man
Kada sugat na aking natatanggap
Mula sa istorya mong walang kasing pait sa sarap
Tila bagay isang palatandaan
Na ako'y umibig kahit na minsan
Sa mga karakter mo na pinapangarap ko
Saan ba ako makakahanap ng mga tulad nilang
Kung magmahal ay totoo
Walang labis, walang kulang
Ang mahal lang nila ay ako
Ngunit ako'y nag-aalinlangan
Na may mga tulad nilang kung magmahal
Baka naman ako'y ma-"Theo"
Sa pag-asang makakahanap
Ng mga tulad nilang minamahal ko.
BINABASA MO ANG
Beeyotch's Poem Writing Contest
PoetryBEEYOTCH'S POEM WRITING CONTEST Start of Submission: Saturday, Aug 20, 2016. 5:00 PM Deadline of Submission: Thursday, Aug 25, 2016. 11:00 PM Voting: August 26, 8:00 PM - August 27, 5:00 PM Book cover by Lynne Agapito