Chapter 20: Warning

85 6 1
                                    

Chapter 20: Warning

***

"Shit! Shit! Shit!" Ilang beses akong napamura ng makita ko na nagkalat na ang mga tauhan ng target sa buong bakuran. Hindi ako agad makakalabas dito ng hindi mapapalaban.

"Damn! I need to get out of here fast." I murmured. I've never been afraid before. Even if I'm in a verge of death, but this time, I'm so fucking afraid. So afraid that I might be too late. I do believe in September. But, what if he didn't notice the sniper? What if it was already late?

"Hang on Neme, please. I'm coming."

Tumalon ako mula sa terrace. Pagbagsak ay agad akong gumulong patungo sa malagong halamanan. Sa maingat na galaw ay tinungo ko ang dinaanan ko papasok. Umaasa ako na wala pang nakakadiskubre ng motorbike ko. At sana nakalayo at nakahingi na ng tulong ang tatlong babaeng pinatakas ko.

Malapit na ako sa pader na inakyat ko pagpasok ng biglang may isang tauhan ang lumitaw sa harapan ko. Mabilis ko siyang inundayan ng suntok. Sinalo niya ang kamay ko at binalibag. Inalalayan ko ang maging bagsak ko para hindi masyadong masaktan at mapinsala ang aking katawan. Dahan-dahan akong tumayo habang papalapit siya sa akin. Ng malapit na siya ay sinipa ko ang kanyang paa. Padapa siyang bumagsak sa lupa. Agad akong tumayo bago pa man siya tuluyang makabangon. Pinalo ko siya batok ng dala kung baril. Agad siyang nawalan ng malay.

Nagmamadali na inakyat ko ang pader. Nasa tuktok na ako ng marinig ko ang pagsigaw ng mga tauhan na nakakita sa akin. Kasunod niyon ay mga putok na ng baril ang maririnig. Kasalukuyan akong pinapaulanan ng bala ng limang tao. Mabuti na lang at agad akong nakatalon sa kabilang bahagi ng bakod.

I turn the key to start my motorbike when I hear a gun shot again. I know it was coming behind me. I automatically dodge the bullet by reflex. I shoot back without looking but I know I didn't miss. I may not shot him straight to the heart or the center of his eyes. Still I am able to injured him enough not to fire back.

Pinatakbo ko ng mabilis ang motorbike palayo sa lugar na iyon. When I was about to take the shortcut to my place, I saw a car blocking my way. Mabilis kung pinaikot ang motorbike pabalik. Halos lumapat na ako sa kalsada. Pina-ekis ko ang aking takbo ng magsimula ng magpaulan ng bala ang mga sakay nito. Nakipaghabulan sa akin ang kotse.  Sinipat ko ang layo nila sa akin. Hindi lalayo sa fifty meters ang pagitan namin. Magagawa kung asintahin ang gulong ng kotse.

Mas lalo ko pang binilisan ang aking pagpapatakbo. Ng sa tingin ko ay sapat na ang distansya upang makapaghanda, bigla akong nagpreno. Inikot ko ang motorbike paharap sa kotse. Itinaas ko ang hawak na baril at inasinta ang gulong. Isa, dalawang putok, tinamaan ang gulong kaya nagpagewang-gewang ang takbo ng kotse. Hanggang sa bumanga ito sa rampa, at marahil nagpanic ang may hawak ng manibela kaya bumaliktad ang kotse.

I saw a flicker of spark before it exploded. A thick fire eat up the car and no one was able to get out. Hindi ko na hinintay pa na humupa ang apoy. Nilagpasan ko ang nag-aapoy na kotse pabalik sa shortcut na dapat daanan ko kanina. Mas mabilis akong makakarating ng condo ko kapag doon ako dadaan.

Damn! Hindi ko mapigilan ang mapamura ng maalala ang dahilan ng pagmamadali ko. Nasa panganib si Neme, at sana nagkamali lang ako ng dinig kanina. Na sana hindi nagawang kalabitin ni Kelly ang gatilyo. O kung nagawa man niya ay sana nagmintis siya.

Sa pagmamadali ay hindi ko napansin ang sasakyan ng isang pulis na nakaparada sa gilid ng daan. Nalaman ko na lang ng may humahabol na sa aking sasakyan kasunod ang malakas na pagwang-wang. I then realize that I was being chase by the police because of over speeding. Halos lumilipad na ako sa bilis ng aking pagpapatakbo pero namataan pa din ako ng pulis.

Keys 1: The Villain HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon