PROLOGUE
“Jusko!” ani ng isang babaeng nasa edad singkwenta nang tumambad ang isang napakalaking basket na may lamang sanggol. Umiiyak ito. Lalabas sana ang babae para mamili pero ang sanggol ang nabungaran niya.
Dinala nito ang sanggol sa loob ng mansion nang makasalubong nito ang babaeng amo. “Aling Beth, ano ho iyan?” tanong nito kahit na may ideyang sanggol ang nasa loob ng basket.
“Naku hija, nakita ko ito pagbukas ko ng pinto. Malamang ay tuluyan na itong iniwan ng kanyang ina.” Sagot nito na ikinangiti ng babae. lumapit ito ng tuluyan kay Aling Beth at kinarga ang sanggol. Nalaman nitong babae ito na mas lalong ikinatuwa niya. “Aampunin naming siya, Aling Beth.” Ani nito.
Habang karga-karga ang sanggol ay napansin ng ginang ang isang maliit na papel. Nakasulat roon ang pangalan ng sanggol. Bahagyang napasinghap ang ginang nang malaman kung bakit napadpad sa kanilang pamamahay ang sanggol na ito.
Pangako ay pangako. Sa pagkakataong ito, malamang ay ang sanggol na lang na ito ang natitira sa kanilang pamilya. Napansin din ng ginang ang isa pang papel ngunit sa pagkakataong ito ay hindi lamang ito basta papel. Ito ang katunayan ng pangakong sinilyuhan ng dalawang pamilya.
Lumipas ang mga taon at lumaking masagana sa buhay ang lingo. Ang mag-asawang nag-ampon sa noo’y sanggol ay itinuring siyang tunay na anak.
Bakit hindi? Dadating ang tamang panahon na magiging anak nila ito nang tuluyan, dala-dala ang kanilang pangalan.
Pinagmasdan nila ang masayang naglalaro na dalawang bata sa hardin ng mansion, isang lalaki at isang babae habang ang mag-asawa ay tuwang-tuwa na pinapanood sila.
Masaya ang mga ito dahil nagkaroon ang mga ito ng babaeng anak kahit na hindi nila ito kadugo.
Napapangiti ang mga ito sa simpleng pagngiti ng batang babae. sadyang nakakabighani ang ngiti nito.
Lumapit ang dalawang bata sa mag-asawa at ibinigay ang mga gawa nitong mga guhit at mga bulaklak na pinitas mula sa garden at muling bumalik sa kinaroroonan nito kanina. Naghabulan na ang mga ito pagkatapos.
Napatawa naman ang mag-asawa. “Nakakatuwa siilang pagmasdan, honey.” Ani ng babae. “Oo, tama ka.” Pagsang-ayong naman ng asawa nito.
Bumaling ang babae sa katabi nitong anak, ang panganay. “Klevin.” Tawag nito at itinuon ang atensyon nito sa ina mula sa binabasang libro.
“Tandaan mo, iingatan mong mabuti si Fey,” Ani nito na kanya namang ikinatingin sa batang babae na masayang nakikipaglaro sa nakakabatang kapatid. Walang emosyon ang mga mata nitong nakatitig sa batang babae.
“Dapat mo siyang ingatan dahil siya ang iyong mapapangasawa.” Patuloy ng ina.
~^~
M A L D I T A
BINABASA MO ANG
MALDITA series #3: Wifey Rivera
RomanceMALDITA series # 3: Wifey Rivera's Apathetic Husband Ang alam ng lahat ng tao ay isang mapaglarong babae ang isang Wifey Rivera. Well, it was totally true! She loves seeing a couple breaking up because of her--no, because of just saying her name. Na...