IKAWALONG KAMALDITAHAN
Nagising si Fey na masakit ang katawan lalo ang parteng ibaba. Hinila niya ang kumot na bahagyang nalilis hanggang sa matakpan ang kahubdan ng kaniyang dibdib at bumangon nang tuluyan. Nanatili muna siyang nakaupo sa kama. Tinatantya ang bawat galaw dahil nagdudulot ng sakit sa kaniyang gitna.
Napatulala siya. Napaisip kung tama bang hinayaan niya ang sarili na maging mahina at hinayaan si Klevin na magtake advantage sa kaniya. But the way he touched her last night, the he kissed her, how he did her, all those things gave her confusing thoughts.
Naiinis siiya na naiiyak. Hindi niya alam ang tumatakbo sa isipan ng asawa. Hindi niya alam kung ano ang magiging takbo ng larong ito na pinatulan niya. Biglaan ang bawat galaw ni Klevin. Palagi siyang sinusurpresa ng asawa tulad na lang ng nangyari kagabi. Naiinis siya sa kaniyang sarili dahil hinayaan niya ito pero may parte sa kaniyang kalooban na ginusto ang nangyari.
Napalingon siya nang gumalaw ang surface ng kama. Bumangon na pala si Klevin pero kalahati pa lang ng katawan nito. Hindi siya nakaiwas nang biglang tumingin ito sa kaniya. Blangko ang mga titig nito. Hindi na tinangka ni Fey naumiwas ng tingin dahil pilit niyang binabasa ang asawa. Kahit siya ay hindi alam ang dapat na maramdaman. Halo-halo. Ginamit lang ba siya ni Klevin para matustusan ang pangangailangan nito?
Gusto niyang paniwalaan ang pinaramdam sa kaniya ng asawa kagabi. She felt being loved, and the most beutiful woman in his eyes pero taliwas ito sa nangyayari ngayon.
Si Klevin na rin ang umiwas ng tingin. Tinalikuran siya nito at umalis ng kama para magtungo ng banyo. Di rin nagtagal ay narinig na niya ang lagaslas ng tubig. Dahan-dahan siyang tumayo. Ang bawat contraction kai ng muxcle ay naghahatid ng hapdi sa kaniyang pagkababae. Well, titiisin niya dahil ginusto rin niya ito.
Hindi naman kasi niya inaakala na--napailing siya. Ano ba tong iniisip ko? Hindi niya mapigilan ang mag-isip ng kaberdehan. Eh, ano naman? Mag-asawa sila. Pero lalo kasing---napakagat siya ng labi. Enough, Fey! Please.
Maliliit ang bawat hakbang niya. Gusto niya kasing kunin ang silk robe na nasa bandang pinto ng banyo para hindi na niya kailangang magbalot ng kumot sa katawan. Hindi pa siya nangangalahati sa pagitan ng pwesto niya at ng silk rove nang lumabas si Klevin kaya napatigil siya. Mukhang hindi naman nagtaka ang aawa kung bakit siya naroroon sa kinatatayuan at dire-diretsong pumunta sa cabinet habang siya naman ay hindi umalis sa kinatatayuan. Ayaw niyang makita ni Klevin na nahihirapan siyang maglakad.
Nakakainis naman kasi! Masakit pa rin! parang noong nawalan siya ng virginity. Paanong hindi sasakit? Binigla siya ng damuho niyang asawa. Might she say, nailan sila kagabi? That’s why she could say that she was loved last night. She felt his longing. Kung paano siya panggigilan ng asawa, and yet…
Napahawak siya nang mahigpit sa kumot na lumulukob sa kaniyang kahubdan. Nangangatog na siya. Ano? Tutunganga na lang siya sa kinatatayuan? Malamang ay nagmumukha na siyang tanga sa tingin ni Klevin. Sa banyo na siya didiretso since nakalabas na ng banyo ang asawa. Kaunti na lang naman ang pagitan. Siguro naman matitiis niya ang sakit hanggang sa makapasok siya.
Ihahakbang na sana ni Fey ang paa nang may humila sa kumot na nakabalot sa kaniya. "Klevin!" agad na namilog ang kaniyang mga mata. May balak ba siyang umisa pa? For Pete's sake, ang sakit-sakit! Sa isip nito. Kunot naman ang noo ng asawa na nakatitig sa kaniya at bigla iyang binuhat nito.
HIndi! Hindi pwede! "Klevin, masakit." Iyon lang ang tangin nasabi niya dahil nahihiya siyang kumpletuhin ang sentence na gusto niyang sabihin. HIndi na siya sinagot ng asawa at tuloy-tuloy na nagtungo sa banyo. Dahan-dahan siyang inilublob nito sa bathtub. Bahagya pa siyang napaungol nang madampian ng malamig na tubig ang kaniyang mahapding parte. Muling tumayo ang asawa para kunin ang bubble bath habang tinitignan niya.
BINABASA MO ANG
MALDITA series #3: Wifey Rivera
RomansaMALDITA series # 3: Wifey Rivera's Apathetic Husband Ang alam ng lahat ng tao ay isang mapaglarong babae ang isang Wifey Rivera. Well, it was totally true! She loves seeing a couple breaking up because of her--no, because of just saying her name. Na...