|2| WRAH |2|

8.4K 136 1
                                    

IKALAWANG KAMALDITAHAN

“ERR! Hindi rin bagay?” hindi makapaniwalang saad ng dalaga nang umiling ang baklang best friend nito nang makita na suot na niya ang dress. Alam niya kasi sa sarili na kahit anong suotin niya, mapasimple man o bongga ay bagay na bagay sa kanya. “I can’t believe this!” anito at bumalik uli sa fitting room.

Ilang beses na nga ba siyang nagfifit ng dress? For Pete’s sake, that was the sixth time!

Muling lumabas ang dalaga na iba na ang suot na dress. “Don’t tell me, it still doesn’t suit me?” she asked and hoping that her best friend wouldn’t give her the same answer but she was wrong.

“Uh-huh.” Ria confirmed.

“The hell is wrong with these dresses! “ bulalas nito. Hindi naman siya tumaba. In fact, she became sexier!

“Correction, what the hell is wrong with your body.” Ani Ria.

“There’s nothing wrong with my body—wait, pinagtI-trip-an mo ba ako, Ria?” ani ng dalaga na nakataas pa ang isang kilay nito. Pinaningkitan niya ng mga mata ang kaibigan.

“Uh-huh—I mean, no!”

“Ria.” ngayon naman ay pinalakihan niya ito ng mga mata. Gaga talaga ang baklang ‘to. Nagmukha pa siyang timang sa kakapalit ng mga damit. As if naman, bibilhin niya iyon lahat.

“Okay, fine. Bagay naman sa’yo lahat no. I just want to see your face if you’ll know that all those dress do not suit you, anymore. Puno kasi ng confidence ang katawan mo.” Katwiran nito. So all these times, nagsayang lang sila ng oras!

“Well, I’m sorry to say, bagay pa rin sila sa’kin.” Sarkastikong saad ng dalaga. She rolled eyes heavenwards before she turned her back to face the sales’ lady. “I’ll buy this one.” Ani nito at muli na namang tinungo ang fitting room para hubarin iyon.

“Kailan ba ang birthday ni Emi?” tanong ng bakla nang makalabas na siya ng fitting room at ibinigay sa sales’ lady ang dress para ibigay sa counter.

“As far as I remember, she celebrates her birthday during 27th of September so that will be 3 days from now.”. Inayos nito ang bahagyang nagulong buhok. “You can come.” Dagdag pa niya. Ito ang dahilan kung bakit nasa isang boutique sila ngayon at nagfifit ng kung ano-anung dress.

“So on Tuesday. Well, sad to say that I can’t come. May importante akong lalakarin. Give her my birthday present and please don’t forget my greetings.” Anito at tumayo na nang binigay na sa dalaga ang paper bag na naglalaman ng biniling dress. “So, where’s the next stop? ” tanong nito.

“Of course, to a shoe store.” yaya ng dalaga.

Pumasok ang dalawa sa isang shoe store nang may nakitang maganda ang dalaga sa mga nakadisplay doon. Sigurado itong may iba pa siyang magugustuhan doon so she’s right!

Napatingin siya sa kamay ng nakasabay nitong kukunin din ang sandal. “Keiza.” Anas niya nang makilala ang kaibigan.

“Hey!” ganting bati rin nito nang makita siya. Napangiti siya. ABa, malaki nap ala ang pinakabata sa kanila. Noong umalis siya, parang ang bansot pa nito, eh. She giggled secretly. Ang bilis nga naman ng panahon.

Tinitigan niya ang kaibigan. Who would have thought that behind that angelic smile is a freaking MALDITA?—well, that’s Keiza. Updated naman siya sa mga kaibigan pero nitong nakaraang dalawang taon lang. hindi nga lang niya inaasahan na magiging ganito ang pinakabatang kaibigan.

“Kailan ka pa nakauwi?” tanong nito.

“Kanina lang. Well, you know me. hindi ako tatanggi pag inaya na akong mag-shopping.” Sagot naman niya.

MALDITA series #3: Wifey RiveraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon