IKATLONG KAMALDITAHAN
“BLOODY MARY, miss.” Anang isang babae pagkaupo sa bar counter.Pinakatitigan ng dalaga ang babaeng kaharap niya. Kahit madilim ay nakakatulong ang kaunting liwanang para pagmasdan ito. Mukhang unang beses nitong magpunta sa ganoong lugar. Ngumiti lamang ang dalaga. “Right away.” Saka nag-umpisang magmix. May sinenyasan itong waiter para gawin ang nakagawiang panchicheck kung mayroon man siyang hinala.
Sandaling exhibiton lamang ang ginawa nito at ibinigay din ang beverage. Tama nga ang hinala nito dahil hindi ito nagreklamo. Hindi bloody mary ang binigay nito kundi isang simpleng punch lang na tanging gin lang ang inihalong alcohol.
Agad nitong ininom ang punch na bigay niya.
“Hindi ka dapat nagpupunta sa lugar na tulad nito. Lalo pa’t minor de edad ka pa.”aniya na kinaangat ng mukha ng babae. Halata sa mga mata nito ang gulat but the girl composed herself instantly kaya hindi halata sa kilos nito. Inayos nito ang pagkakaupo at uminom. “I’m already in my legal age.” Saad na lamang nito.
“Nagpatupad na ba ng bagong batas ang bansa natin at legal age na ang 17 years old? Apat na taon lang akong nawala ah.” Aniya at kinuha sa tabi ng mga glassware ang isang Identification Card na kinuha ng sinenyasan nitong waiter mula sa bulsa niya. Kaya naman mas lalong nanlaki ang mga mata ng babae. “Ayon dito sa I.D card mo, you were born on 27th of June, year 1998. so…”
“Akin na ‘yan!” agad niyang inilayo ang I.D nang tangkain ng babae na agawin ito.
Nagsilingunan naman ang mga katabi nitong umiinom din. Mabuti na lamang ay malayo mula sa kinauupuan nito ang mga lalaking kanina pa napapansin ng dalaga na nakatingin sa babaeng minor de edad at mga babae ang mga umiinom na katabi nito.
Malay ba niya, kahit naman desente ang isang tao, kung rapist ito ay hindi na titignan ang suot. Paano pa kaya itong dalagita na nasa harap niya? Nakasuot pa man din ito ng maiksing damit at kung sakaling malasing ito ay mas lalong mapapahamak ito.
Mga kabataan talaga ngayon!
“You’re not supposed to be here.” Aniya. Pero hindi nagpapigil ang babae. Wala na siyang magagawa kundi senyasan ang mga bouncer. Agad naman nilang dinampot ang minor de edad na babae. “Magbabayad naman ako! Bakit ba!”
Hay! Napapailing na lamang ang dalaga. Hindi ba nito naisip na masyado na siyang nakakaagaw ng atensyon? Kung ang dalaga lang ang nasa kalagayan nito ay umalis na lamang ito nang mahinahon. Kahihiyan ito para sa kanya.
“Ayaw mong umalis nang mahinahon kaya wala na akong magagawa. Ayaw ko rin namang maisara itong pinakamamahal kong bar dahil sa nagpapasok ako ng minor de edad.”
“I’m already 17! Consider na iyon as legal age!” anas nito sa pagitan ng dalawang bouncer.
“18 is the legal age, dear. Bumalik ka na lang next year and I can assure you na hindi kita guguluhin kahit magdamag ka pa dito.” Aniya at ngumiti na tinitigan naman ng masama ng babae.
“Damn you!” ani nito habang dinadala ng mga bouncer palabas ng bar pero imbes na magalit sa ginawang pagmura sa kanya ay ngumiti lang ito.
“Have a good night!”
“She is the 50th. Sanay na ang mga tao dito na may ganung eksena. Pasalamat nga ang dalagitang yun kasi ikaw ang nakatyempo sa kanya.” Saad ng best friend niya sa kanyang tabi na nagmimix din.
“Tingin ko nga. Wala naman silang naging reaction nung nagkaeksena.” Aniya at ngumiti nang may umukupa nang upuan na naiwan ng babae.
“One shot, Miss Beautiful.” The guy has a playful smile so she flashed hers.
BINABASA MO ANG
MALDITA series #3: Wifey Rivera
RomanceMALDITA series # 3: Wifey Rivera's Apathetic Husband Ang alam ng lahat ng tao ay isang mapaglarong babae ang isang Wifey Rivera. Well, it was totally true! She loves seeing a couple breaking up because of her--no, because of just saying her name. Na...