|5| WRAH |5|

5.7K 122 1
                                    

IKALIMANG KAMALDITAHAN

"When are you going home, mommy?" Fey really missed Timothy, her son. Kahit siya ay gusto nang umuwi ng Paris. Guto na niyang makita ang anak.

"Soon, baby. Mommy misses you." malambing na saad niya.

"Miss you, too." tugon naman ng anak. Gusto pa niyang makausap ang anak ngunit kailangan pa nitong mag-aral. They bid goodbyes over the phone. Sunod ay tinawagan ng dalaga ang abogado nito. si Atty. Roven Frial.

Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagfile ng dalaga ng annulment. Dapat noon pa niya ito ginawa. Sana nang malaman niya ang totoo ay hindi na sana niya ipinilit ang sarili sa lalaki. Hindi na sana aabot sa ganito at tahimik na sana. Nabulagan siya sa kaniyang pagmamahal. Hindi, pinili niyang magbulag-bulagan.

Hindi siya totoong ampon. Nagkasundo ang kinilalang mga magulang at totoo nitong magulang  para mapaglapit sila ni Klevin. Pero taliwas sa plano ang nangyari. Umibig ang lalaki sa ibang babae sa kabila ng mga paalala ng ina sa kaniya na si Fey ang naktakda nitong pakasalan.

Ginusto rin naman ng dalaga na matali sa kaniya ang lalaki pero hindi niya naisip ang nararamdaman ni Klevin. She was young back then at masyadong nagpadala sa emosyon.

Napatigil ito nang makita kung sino ang pumasok sa restaurant. Si Klevin kasama ang babaeng... mahal nito, si Sheela. Kailan nga ba nang huli niya itong nakita?

"Fey, are you still there?" nabalik naman siya sa sarili nang magtanong na ang abogado. Hindi na kasi nito napakinggan ang sinasabi nito kanina.

"Yes." sagot niya. Pinilit niyang maging pormal at tinuloy ang pagkain nang napansing nakatingin na pala sa direksyon niya ang asawa.

"I'm hunging  up, Atty. Let's just talk about this tomorrow. Personally." aniya at ibinaba ang  tawag kahit hindi pa man nakakatugon ang abogado. Hindi na rin naman siya makapagpakinig nang maayos. At dahil iyon sa bagong dating.

Kung  minamalas nga naman. Sa mismong table harap ng kaniya napiling kaumain ng mga ito. Kung gugustuhin ay pwede naman na siyang umalis ngayong ngyunit nasasyangan siya sa inorder na pagkain. Kahit na lumaki s yaman ay natuto itong um-appreciate na hindi itapon ang pagkain dahil maraming tao ang nagugutom. Lahat  nang iyon ay natutuhan at narealize niya nang makilala si Emila bata pa lang siya. Bakit nga ba niya dito napiling kumain kungpuwede naman sa hotel na tinutuluyan niya.

Ah, nagkataon lang siguro. Pero hindi naman reserved ang table na iyon. Malamang ay sinadya ng asawa niyang umupo roon.

Mas naging awkward sa pakiramdam nang maupo na ang mga ito. Magkaharap ang dalawang bagong dating pero nakaharap naman sa direksyon niya ang asawa. Batid at ramdam niya ang titig nito sa kaniya.

Magkahalong kaba at sakit sa puso ang nararamdaman niya. Tinotoo nga nito ang sinabing magsasama sila ng babaeng mahal niya kapang nawala na siya sa landas nito. Masakit pa rin ang isipin ang nakaraan pero kailangan niya tio tanggapin. Kailangan niyang tanggapin na hindi siya mahal ng lalaking mahal niya. Pero ang akala niyang sakit na natutuhan niyang sanayan ay wala nang sasakit pa. Hindi pala. Mas masakit pa nga ngayon eh.

Hindi naman niya ikakaila na mahal pa rin niya ang lalaki but she is now matured enough para pakawalan ito. Ibibigay na niya rito ang matagal na sana niya binigay.

Dali-dali niyang tinapos ang pagkain. Hindi siya komportable sa giagawa ni Klevin. Hindi siya handa na makita ito ngayon mismo at kasama pa nito ang babaeng mahal niya. Labis na sakit ang nararamdaman niya.

Napagdesisyuunan niyang pumunta muna ng comfort room dahil alam niyang hindi niya mapipigilan ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Pagdating doon ay naghilamos kuno habang umiiyak para lang hindi mapansin ng iba na umiiyak siya. Nagretouch siya nang kaya niya nang mamanage ang sarili. 

Nagulat siya nang mabungaran ang lalaki sa hamba ng pinto. Marahan iton nakatitig sa kaniya.

"Klevin." bumilis ang tibok ng puso ng dalaga nang tumugon ang lalaki. "Hi there, my wife." hindi niya alam kung nanunukso ba ito o galit. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito. Napaatras siya nang pumasok ang lalaki. Narinig na lamang niya ang 'click' sound ng pinto. "Klevin, ano 'tong ginagawa mo? Bawal kang---"

"Akala mo ba, basta-basta ko nalang hahayaan na maging masaya ka?" malamig na tugon nito. Parang tinusok ng ilang karayum ang kaniyang puso sa sinabi ng lalaki. Umabante papalapit ang lalaki pero hindi siya gumalaw. Wala rin naman siyang mapupuntahan eh. Bigla na lamang siyang hinila nito at kninorner sa hamba ng lababo. Kailan nga ba huling nagkalapit ang kanilang mga katawang nang ganito?

Umiwas ng tingin si Fey. Hindi niya kayang tumingin s amga mata nito. She took a deep breath. "Paano mo masisigurong magiging masaya ako, Klevin? Ngayon pa lang, miserable na." Prangkang saad niya. Klevin smirked. "That's good to hear then. Hindi ko hahayaang ma-annul tyo. Remember that." saad pa niya na ikina tingin ng dalaga sa kaniya.

"Hindi ba't  ito ang gusto mo? Ibinibigay ko na." Pilit na tinatatagan ni Fey ang sarili dahil ayaw niyang makita siyang mahina ng lalaki. Bakit ba napakamanhid ng lalaking ito? Naiitindihan niya naman na ibinabalik lang niya ang ginawa niya sa kaniya pero napakasama niya.

Mas lumapit ang lalaki sa kaniya. Hindi ko basta na lang hahayaan na makamit mo ang kalayaan nang ganun na lang tulad ng pagkuha mo sa kalayaan mo noon." bulong nito sa kaniyang tainga. Ang sakit. But still, she managed herself.

"That's so childish, Mr. Buenzalido." anas niya Naramdaman na lamang niya ang paglapat ng palad nito sa kaniyang likod at lalo pang pinaglapit ang kanilang katawan.

"Walang magagawa ang pagfile mo ng annulment dahil sisiguruhin kong babagsak ka pa rin sa akin."

"What are you trying to say, Klevin?" Hindi na niya maintindihan ang lalaki.

"Bawiin mo ang finile mo at tumira kayo ni Timothy sa bahay ko." Hindi na siya nagulat na alam nito ang tungkol sa anak nila pero hindi niya inaasahan ang sinabi nito. "That's the only thing you can do, Mrs. Buenzalido. I am telling you, you cannot win over me."

Naiinis si Fey. Naiinis siya sa mga tinuturan ni Klevin. Hindi niya alam ang gagawin. Kahit anong gawing attempt niya ay wala ring kwenta because Klevin Buenzalido is Wifey Rivera's Apathetic Husband.

~^~
M A L D I T A

MALDITA series #3: Wifey RiveraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon