|9| WRAH |9|

6.4K 108 0
                                    

IKASIYAM NA KAMALDITAHAN

You're mine, Fey. paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Fey ang huling sinabi ng asawa bago ito mawalan ng malay kagabi. Hindi kasi mawala sa isipan nito kungpaano sinabi ni Klevin ang mga katagang iyon.

Napanguso siya bago inubob ang mukha sa mga braso na nakapatong sa mga tuhod nito. Naiinis na kasi siya sa inaasta ng asawa. Taliwas ang mga sinasabi nito sa kinikilos at iyon ang dahiln kung bakit hindi niya alam kung ano ang dapat na iasta niya sa harap ng asawa. Nakakatanga!

Pabalang niyang hinablot ang unan ni Klevin at niyakap nang mahigpit. Amoy na amoy niya ang amoy lalaki nito. Nakakaadik. Inamoy niya nang inamoy na para bang uubusin sa paglanghap ang amoy ng asawa na nakakapit sa unan. Nanggigil siya!

Sa hindi malamang kadahilanan ay ganito ang inaasta niya. Basta alam niyang nakakaadik ang amoy nito. Tila naman siyang naupos na kandila sa kahihiyan nang biglang bumukas ang pinto a nahuli siya ng asawa na ginigigilan ang unan nito. Nakakunot ang noo nitong nakatitig sa kaniya pero hindi naman nagsalit. Tinitigan lang siya nito!

Ito pa ang isa niyang problema. Tinititigan lang siya nito! Hindi man lang magsalit. Kakaiba rin ang mga kilos nito at heto nga, tinignan lang siya ng asawa bago pumasok ng banyo habang siya naman ay sinundan lang ng tingin ang asawa. Napanguso ulit siya at iniubob sa unan ng asawa ang mukha. Nanggigil na naman siya.

Humina siyang malalim at laks-loob na tinungo ang pinto nang banyo pero napatigil ito sa mismong harap ng pinto. Napaisip siya. Paano kung maabutan niya itong walang saplot kung sakaling dire-diretso siyang pumasok? Eh ano naman? Nakita naman na niya ang katawan nito, ano pa ang pinapangamba niya? Eh kaso, ang awkward naman.

Paano niya kokomprontahin ang asawa?

Hindi. Hindi na niya itutuloy ang iniisip. Nawalan na siya ng lakas ng loob. Bumalik na lang sya sa kama. Umupo siya ulit at niyakap ng mahigipit ang unan. Para namang agos ng talon ang pag-agos ng mga luha niya. Hindi niyangm aintindihan kung bakit ngayon lang siya umiyak. Biglaan. Hindi naman sya inaaway ng asawa pero kung iisipin talaga ay parang inaaway nga siya. Ang sakit na kasi. para na siyang ginagawang tanga ng asawa. Hindi. Klevin is really making fool with her. Ipinapamukha sa kaniya na si Sheela talaga ang karapat-dapat sa kaniya at sana masayang pamilya nas ila ngayon kung hindi lang siya sumagabal. parati siya nitong pinapaasa at siya namang tanga ay nagpauto rin. Ipaparamdam sa kaniyang mahal siya o kung hindi man, at least, may namumuo na pero pagkalipas ng isa, dalawa, o tatlong oras ay babalik na sa dati. Ang sakit na dahil hulog na hulog na siya at hindi na niya kaya pang umahon pa. Masakit kasi walang Klevin na sumalo. Walang sumalo sa kaniya.

Agad niyang pinahid angmga luha nang marinig niya ang pagpihit ng siradura. Tumalikod siya para hindi talaga mapansin ng asawa ang pag-iyak niya.

"Are you not feeling well? You look pale?" bagaman malamig ang pagkakasabi ng asawa ay hindi nakatakas sa pandinig niya ang senseridad sa boses nito at her na naman ang kaniyang puso, umaasa na naman.

"Kind of." sagot niya. Narinig niyang may naghahalungkat na sa cabinet at hindi nagtagal ay nasa harap na niya ang asawa na nakatapis lang ng towel sa ibabang parte. Naramdaman na lamang niya ang malamig na kamay ntto na nakalapat na sa noo at ibinaba sa kaniyang leeg. Ang akala niya ay aalis na sa harap niya ang asawa pero hinawakan nito ang kaniyang baba at iniangat ang kaniyang mukha. Blangko ang mga mata nito nang magkaitigan silang dalawa.

"You cried." umiwas na lamang siya sa tugon ng asawa. Hindi dapat nakikita ni Klevin na mahina siya ngayon. Nangangamba siyang gamitin iyong pagkakataon ng asawa laban sa kaniya.. Hindi na siya nagsalita pa. Hindi rin naman niya alam ang ipapalusot. Magmumukhang tanga lang siya. Katangahan kasi para sa kaniya angmagpalusot eh halata naman na.

MALDITA series #3: Wifey RiveraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon