UNANG KAMALDITAHAN
NAPATIGIL sa ginagawang pagtatype ang dalaga nang tumunog ang kanyang phone na tabi lamang ng ginagamit na laptop. Napabuntong-hininga siya nang tignan ang screen kung sino ang tumatawag. It was Victoria, her gay bestfriend.
Sigurado ang dalaga na ipipilit na naman nitong umuwi na siya ng Pilipinas. Kahit na alam na niya ang pakay sa kanya ng kaibigan ay sinagot pa rin niya ang tawag.
“Ria.” Bungad nito sa kaibigan.
“Napag-isipan mo na ba?” bungad sa kaniya ng kaibigan sa kabilang linya. Hindi naman atat itong umuwi na siya, ano?
Mariing napapikit ang dalaga. “Oo at nakapagdesisyon na ako.” Aniya na nagpatahimik sa kaibigan. Humina muna ang dalaga bago ipinagpatuloy ang sasabihin. “Tama ka. Kailangan ko nang harapin ang problema kaya uuwi na ako.” Tinignan niya ang taong natutulog sa kama. “I just booked a flight and I’m going home tomorrow morning there.”
“Good. I’m glad that you made the right decision. So, see you soon, besty!” anito.
“Hmm.” Sagot naman niya habang tumatango. Then, she hung up. Limang taon na rin pala siyang lumayo at tumakas. Well, she was young back then. Kailangan na niyang harapin ang problemang dinulot nya para matapos na ang lahat. Handa naman na siya sa magiging resulta.
Sinara niya ang laptop pagkatapos ilapag sa tabi niya ang cell phone at tinungo ang kama. Tinabihan niya ito at hinalikan sa noo. “Always remember that I love you.” Pabulong na saad niya.
Umalis ng kama ang dalaga at sinimulang mag-impake.
Tulad nga ng sabi, kailangan na talaga niyang harapin ang iniwan niya sa Pilipinas. 4 years is enough. Ibang-iba na siya sa dating Wifey—since pinaniniwalaan ng lahat na playgirl siya, bakit di na lamang panindigan? She is now a playful one.
Pagkatapos niyang mag-impake ay nagpunta siya ng bathroom para magshower. Nang matapos ay agad na nag-ayos para makaalis na. Bago pa man ito tuluyang lumabas ng kwarto ay nilingon niya ito sa huling pagkakataon.
Pag medyo maayos na ang lahat ay ipapasunod niya ito sa Pilipinas. Hindi niya kayang malayo dito ng matagal na panahon. Hindi niya maiwasang maisip ang iba pang magiging resulta ng problema niyang ito pero kung sakali mang maging hindi ito pabor sa kaniya ay hindi niya kakayaning mahiwalay ditto. Sana naman ay hindi mangyari iyon. Gagawin niiya ang lahat, kahit isakripisyo niya ang sariling damdamin.
“Sweet dreams, sweetie.” Aniya at tuluyan nang lumabas ng kwarto.
Napahingang malalim ang dalaga dahil sa kaba habang lulan na ng eroplano pauwi sa bansang kinalakhan. Paano niya ba kakaharapin ang taong pinag-alayan niya ng lahat pero wala man lang may naibalik ni katiting? Paano kung… kukunin nito sa kaniya ang pinakamahalaga sa kaniya ngayon?
Tatanggapin niiya ang mga sumbat nito. Sige. Basta pagbigyan lang siya nito sa isang bagay.
“Bestie!” salubong sa kanya ng bestfriend pagkakita sa kanya. Sinundo siya nito sa airport. Aba dapat lang!
Inalis ng dalaga ang suot na shades at nangiti nang makita ang bestfriend na nagtitiling lumapit sa kanya. “Ria!” aniya. Namiss niya talaga ang baklitang ito. At kahit na panay ang pilit nito sa kaniya ay naiintindihan niiya naman. Nagsilbi pa nga itong guardian niya, eh. At talagang mas matanda ito sa kaniiya kaya natural na pangangaralan siya nito. Huwag na lang nating sabihin ang edad nito.
Bahagyang tinaas ni Ria ang suot ding shades at pinasadahan ng tingin ang bestfriend. “Wow! Mas sumexy ka, Fey! Walanghiya. Share naman ng secret diyan para naman sumexy na rin ako.” Anito at tinrace ng dalawang kamay ang katawan.
![](https://img.wattpad.com/cover/10022966-288-k175390.jpg)
BINABASA MO ANG
MALDITA series #3: Wifey Rivera
RomanceMALDITA series # 3: Wifey Rivera's Apathetic Husband Ang alam ng lahat ng tao ay isang mapaglarong babae ang isang Wifey Rivera. Well, it was totally true! She loves seeing a couple breaking up because of her--no, because of just saying her name. Na...