|6| WRAH |6|

5.7K 113 1
                                    

IKA-ANIM NA KAMALDITAHAN

Tatlong linggo. Tatlong linggo na siyang binubulabog ni Klevin. Hindi dapat ito lumalapit sa kanya at alam niyang hindi ito papipigil ay pinilit niyang iwasan ito pero nakakgawa talaga ito ng paraan. Ginamit pa ang naka nila!

"Bakit ngyon mo lang sinabi ito, Fey?" Atty. Roven sighed. "Well, pwede natin itong ipagpatuloy ngunit  medyo magkakaproblema tayo dahil nakikipagkita ka kay Mr. Buenzalido." saad pa nito.

Batid ni Fey na wala nang magagawa pa. Klevin has his own ways at gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto nito by hook or by crook. She bit her lower lip. Suko na siya. Alam niya kung itutuloy niya ito ay maaaring mawala sa kaniya ang anak. She sighed. "Thank you, Roven. Pero buo na ang desisyon ko. Iuurong ko na ito." and smiled.

Pagsakay niya ng kotse ay saktong tumunog ang phone niya. Nakangiting sinagot niya ang tawag. "Ria." bati niya sa bestfriend. "Girl, excited na itong si Timothy na makita ka. Bilis." rinig pa nito ang mga ingay sa airport.

"I'm on my way now." saad niyang nakangiti. Hindi namakapaghintay ang dalaga na makitang muli ang anak. Mahigit isang buwan na kasi siya rito sa bansa. Tulad ng mga sinabi ni Klevin ay maninirahan silang mag-ina sa bahay ng lalaki. Hindi niya alam kung paano niya kakayanin at ihahandle ang sitwasyon na ito pero pipilitin na lamang niyang magpakatatag para sa anak niya.

"Mommy!" Abot tenga ang ngti ni Fey nang makita anag anak na tumatakbo palapit sa kaniya mula sa pagkakawak ni Ria. Sinalubong niya naman ito ng yakap. "I missed you, mommy!" anito at hinagkan sa pisngi. "I missed you too, baby." tugon naman ni Fey. Ngumiti naman ang bata.

"Daddy!" bigla na lamang nanigas ang likod ni FEy. Hindi na niya kailangan pang manghula kung sino ang nasa likod niya dahil kilala na niya ito.

Kung ganoon ay hindi lamang nakagawa ng paraang si Klevin para malaman ang tungkol sa anak nila kundi pati angpagkakalapit nito kay Timothy. Napatingin naman sa kaniya ang bestfriend nang kargahin na ni Klevin si Timothy. Halatang nagulat ito dahil ang pagkakaalam nito ay tinatago niya ang bata mula kay Klevin.

Umayos ng tayo si Fey at tinabihan si Ria. "Akala ko ba hindi kilala ni Timothy si Klevin?" pabulong na tanong nito sa dalaga. Fey sighed. "Akala ko nga rin." Parati na lang siyang sinusupresa ni Klevin sa lahat ng gagawin nito. Buenzalido ways.

Madaldal sa buong biyahe ang bata. Nakatulong iyon para mabawasan ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa. Malaki rin ang pasasalamat ni Fey sa bestfriend dahil nagpumilit itong sumama kahit hindi naman na kailangan.

Narating nila ang isang napakalaking bahay. Pinakatitigan ni Fey ang buong istruktura habang papasok sila ng gate. Hindi niya maiwasan na mag-isip. Ang daming nangyari na saksi ang bahay na iyan. Naunang bumaba ng sasakyan sina Timothy at Ria. Halata sa bata na excited itong pumasok.

Bababa na sana si Fey ng sasakyan nang magsalita si Klevin. "Act as my lovely wife, Fey. Let's show to Timothy that we're still a family." malamig na wika nito. Nanatili siyang walang ekspresyon. Alam niya kasing sa oras na magpakita siya kahit na katiting na emosyon ay baka hindi na niya mapigilan ang bugso ng damdamin. And with that, she climbed off the car.

Ilang sandali pa pagkatapos makababa ng sasakyan ay naramdaman na lamang niya ang kamay nito na pumulupot sa kaniyang beywang. Tila ba may kuryenteng dumaloy sa katawan niya sa ginawa ni lalaki. "Be natural, my wife." may pagkahalong tamis at lamig ang boses nito nang bumulong. Kinilabutan si Fey.

Naiinis na naman siya. Naiinis siya dahil wala siyang magawa laban kay Klevin. Naiinis siya dahil sumuko na naman siya. Naiinis siya sa sarili niya.

Tuwang-tuwa si Timothy sa paglilibot sa bahay habang todo naman ang acting ng dalawa. Tingin na lamang ang naitutugon niya sa tuwing titingin ang bestfriend nang makahulugan. Sabagay, sino ba naman ang hindi magtataka sa biglaang kinikilos nilang dalawa.

Inilibot ni Fey ang tingin sa bahay. Walang nagbago sa arrangements nito nang umalis iya. Ganoon pa rin ang ayos. Pero mas gugustuhin niyang makitang may pagbbago sa bahay. Mas lalo lang kasi niya maaalala ang nakaraan.

"Mommy, are we staying here?" bakas sa boses ng bata ang kasiyahan. FEy sighed at sasagot na sana nang magsalita si Klevin. "Yes. You and mommy wil lbe stying here from now on." Napasinghap naman si Ria at binalingan siya.

“Totoo?” Hindi agad nakasagot ang dalaga kaya nginitian na lamang niya ang bestfriend.

In-excuse ni Klevin ang sarili nang magring ang phone nito. Si Sheela, tumatawag. Hindi naktakas sa paningin ni Fey ang ngiting sumilay sa mga labi nito nang sagutin ang tawag. Alam nya kung sino ang tumatawag dahil iisang babae lamang ang nakakagawa niyon sa lalaki. Masakit pero hindi siya iyon.

Naunang umakyat si Timothy sa hagdan na agad naman sinundan ni Ria, Susunod asaya si Fey sa dalawa nang marinig niyang nagsalita si Klevin. “Sheela...” hindi  man nakikita ng dalaga ang mukha ng lalaki ay alam niyang asaya ito base na rin sa tono ng boses nito.

Alam niyang masasaktan lamang siya kapag pinakinggan niya ang kanilang pag-uusap pero hindi siya makagalaw. Gusto niyang kunin ang phone nito at ihagis sa kung saas o di kaya ay sirain pati ang sim. Well, much better.

Mas lalong sumasakit habang patuloy nyang naririnig ang pag-uusapg ng mga ito. Hindi naman kasi siya dapat narito.  Saan na iyong pinangako niya sa sarili? She sighed harshly. Sana nga noon pa niya binigay ang gusto nitong kalayaan, di hindi sana siya nasasaktan ngayon.

Pinilit niyang kumilos sa kinatatayuan at humakbang sa hagdan. Ayaw niyang mahuli ng lalaki na nakikinig sa usapan nla.

Hindi pa man siya nangangalahati sa hagdan, well, at least mangangalahait na siya, ay narinig niya ang boses ni Klevin na tinawag siya. Lumingon siya. Kung anong itsura ang pinapakita nito sa kaniya ay ganon rin ngayon. “I have to go. I have some business to do. Tell Timothy to enjoy and I’ll be back.” Bumalik ang boses nito. Malayong-malayo sa mga narinig niya kanina.

“Sige.” Tanging nasagot nya. Tumalikod na ang lalaki at hindi na muling lumingon pa. Pakiramdam niya ay malayong-malayo na ito sa kaniya at mahirap nang abutin. Tinitigan nya lamang ang asawa hanggang sa makalabas na nga ito.

Tumingala siya at napabuntong-hininga. Napaisip.

Ngayon pa lang, ang sakit na. Paano na lang sa mga magdadaang mga araw?

~^~
M A L D I T A

MALDITA series #3: Wifey RiveraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon