Danica was still in the midst of reverie. Sino ba naman kasing mag-aakala na sa tinagal-tagal ng pamba-bad trip niya kay Cielo, sa wakas, Mrs. Pontez na siya. Kaya mula nang matulog siya katabi ang kanyang mister hanggang sa pagmulat niya ng mata sa umagang iyon ay nakangiti siya. Nawala lang ang ngiti sa kanyang labi nang mapansing wala sa tabi niya si Cielo. Inaasahan pa naman ng beautiful eyes niya na once na magmulat ang kanyang mga mata ay ang maamong fafable na mukha ng asawa ang una niyang masisilayan. Pero bigo siya.
"Cielo?"
Bumangon siya para hanapin ang mister niya. Pumunta siya sa CR, walang tao. Lumabas siya ng kwarto at hinanap ito sa lahat ng kwarto. Still no sign of Cielo. Nagsisimula na siyang kabahan. Bakit walang tao? Nasaan ang asawa niya? Nagbago na ba ang isip nito at iniwan na siya? Bumaba siya sa living room, sa kusina at sa garden. Wala roon ang asawa niya.
"Cielo! Nasaan ka ba?" She shouted to no one. Wala kasing tao sa bahay na iyon... at mukhang nag-iisa na nga siya. Tears fell from her eyes. Ito ba ang grand paghihiganti ni Cielo? Pinakasalan siya, pinasaya ng isang gabi tapos iiwanan na siya?
"Cielo! Hindi na ako natutuwa sa pagtatago mo! Lumabas ka na please? Natatakot na ako!" she shouted again. Still, no one responded.
Bumalik siya sa loob ng bahay at umupo sa dining table. Doon niya napansin ang isang note na nakadikit sa ref. May pangalan niya ang note. Kinuha niya iyon at binasa.
I'm sorry, Danica. But I can't do this. The wedding is just a fraud. End of the game.
Gumuho ang mundo niya. Nabitawan niya ang note na hawak. She can't believe it. "Hindi, hindi ako iiwan ni Cielo." Tumayo siya at tumakbo sa labas ng gate. "Baka di pa siya nakakalayo. Hindi niya akong pwedeng iwan."
Mababangga na siya ng isang kotse nang biglang...
"Cielo!" Napabalikwas ng bangon si Danica. Andon siya sa kama nila at wala sa kalsada. Masamang panaginip lang pala. Nasapo niya ang dibdib. Masama ata ang tama ng pagiging praning niya. Kakaisip niyang baka iwan siya ni Cielo, ayan tuloy... muntik na siya sa bangungot. Bumaling siya sa kama at saka niya nalamang wala roon ang asawa.
Bumalik ang kaba sa puso niya. Siyet! Ganitung-ganito ang panaginip ko! Bumangon siya at hinanap si Cielo sa buong bahay, sa CR, kusina at garden tulad ng panaginip niya.
"Cielo?"
Walang Cielo sa paligid niya. Mga tahol lang ng mga aso mula sa malaking dog house sa may garden ng bahay ang naririnig niya.
But she didn't give up. "Cielo!!! Lumabas ka na!" She shouted once more.
Halos mangiyak-ngiyak na siya. Takot na takot. She can't imagine a life without Cielo. Minsan na siya nitong iniwan, nilayuan. Ayaw na niyang maulit iyon. Totoo ba ang panaginip ko?
"Cielo!" Pahikbing sigaw niya hoping na nasa isang bahagi lang ng mansion na iyon ang asawa at tinaguan lang siya.
Umaasa siyang pinagtitripan lang siya nito para asarin. Pero wala pa ring sumasagot sa kanya. Tuluyan na siyang napaiyak at napaupo sa may bench malapit sa pinto ng dog house. Tinatakasan na siya ng confidence. Pangarap lang ba ang lahat nang nangyari kahapon? Di niya kayang paniwalaan na ang magandang kasal nila ay isa lamang malaking palabas. Parang sasabog ang puso niya.
"Cielo..." sambit niyang muli sa pagitan ng paghikbi.
Biglang bumukas ang pinto ng dog room. "Mrs. Danica Urbano-Pontez, ang ingay mo-hey! Bakit ka umiiyak?" She heard Cielo's voice.
BINABASA MO ANG
Bukas Na Lang Kita Babastedin 2 (Completed)
RomanceFrom Kilig Republic's Bukas Na Lang Kita Babastedin, the kilig story continues after Cielo and Danica tied a knot. Tulad ng iba, dumaan din sila sa adjustment period bilang mag-asawa. Pero meron pa ring mga bagay na hindi nabago- ang kulitan, asara...