"Ayusin mo naman, Cielo! Kung makaarte ka naman, akala mo di ka marunong umarte!" gigil na hirit ni Danica.
Kasalukuyan silang nasa garden area ng bahay. Walang oras na dapat masayang upang ma-pull out nila ng ayos ang fabricated story na ipapalabas nila sa media. Kaya kinagabihan ng araw na umuwi siya sa bahay ay sinimulan nila ni Cielo ang pag-aayos ng issue. They started with fake sweet photos.
Nabuo na nila ang kwento. Ipapalabas nilang umakyat sila ng bundok sa Batangas. To make the drama believable, pina-set up niya kay Cielo ang tent sa garden. They're now taking pictures sa loob ng tent.
"Hindi ako ang may problema, ikaw. Tingnan mo iyang hitsura mo sa picture." Itinuro ni Cielo ang picture na nakatambad sa screen ng phone niya. "Halatang napipilitan ka lang eh."
Napairap siya. "At ako pa talaga?" She rolled her eyes at tiningnan ang recently taken photo. Napangiwi siya. Oo nga, Nica. Ang chakaness! She deleted the photos and turned her phone to camera mode. "Let's do it again—" Natigilan siya nang hawakan ni Cielo ang kamay niyang may hawak ng phone.
He lovingly gazed at her. "Look at me the way you do. Wag kang magpanggap na wala ka nang nararamdaman para sa akin, Nica. Hindi nawawala ang pagmamahal sa loob lang ng apat na araw."
Kaya nga hirap na hirap na ako sa kalokohang ito eh! How she hated the fact that he knew her so well. Aminado siyang tama ito. Sino bang niloloko niya? Even this guy broke her heart; her love for him would never die that easy. It's just... she chose not to give in and forgive. Ayaw na niyang masaktan. And the only way not to get hurt more was not to love him more.
Umirap siya at umiwas ng tingin bago pa siya magbago ng desisyon. "Ang dami mong satsat. Bitawan mo ang kamay ko."
Kinuha lang nito ang cellphone mula sa kamay niya. "I'll take the photos." Iniangat nito ang kanang kamay na may hawak ng camera at iniyakap nito ang kaliwang braso sa balikat niya.
She unconsciously put her hands on his arms around her shoulder like the way she usually do and smiled at the camera. Cielo started taking photos in different angles. Pagkatapos ay inalis nito ang brasong nakayakap sa kanyang balikat at humiga ito sa lap niya. She felt her heart jumped out from her chest when she caught him staring at her again.
"What?" mataray na tanong niya, trying to hide her heart from him.
"Bakit? Bakit hindi pa sapat na nag-sorry ako para mapatawad mo ako, Danica baby?" he said in his serious sad face.
"Ha?" Nabigla siya sa tanong.
Umiling ito at ngumiti. "Nevermind. Picture uli tayo. Ikaw naman ang kumuha." Ibinigay nito sa kanya ang phone.
Agad siyang kumuha ng few shots. "Ahm, magpalit tayo ng damit." Baka kasi maisip ng matatalino nilang fans kung bakit isang set ng damit lang nila ang makikita sa pictures.
"Sige, mauna ka na," tugon nito.
Bago ito umiwas ng tingin sa kanya ay napansin niyang nangilid ang luha nito. Guilt covered her heart. "O-okay." Lumabas na siya ng tent at naglakad papasok ng bahay. Nilingon pa niya ang tent bago siya pumasok sa kwarto. Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo, Cielo. Sorry.
Iyon pa rin ang iniisip niya nang magulat siya sa pag-vibrate ng hawak niyang cellphone. She was surprised by the named registered in the screen.
"What do you want, Herzon?" mataray niyang tanong nang sagutin niya ang tawag.
"I want to apoligize, Ate Danica. Can we talk? I'm so sorry."
She sighed to hold her temper. "Sorry is good but it can never repair any damages done," sambit niya. "You're too lucky to have Lifli. She's doing her best to defend you. Pero anong ginawa mo? Idinamay mo siya sa gulo, pati ang anak mo, ginamit mo pa para sa selfish reasons mo. And now, the family is falling apart and the company is at stake."
BINABASA MO ANG
Bukas Na Lang Kita Babastedin 2 (Completed)
RomanceFrom Kilig Republic's Bukas Na Lang Kita Babastedin, the kilig story continues after Cielo and Danica tied a knot. Tulad ng iba, dumaan din sila sa adjustment period bilang mag-asawa. Pero meron pa ring mga bagay na hindi nabago- ang kulitan, asara...