Nica was busy reviewing papers na kailangan niyang pirmahan. Kararating lang niya mula sa biglaang field reporting. Masayang hinarap niya ang paper works. Nakatanggap siya ng text mula sa asawa. Finally, ayos na rin sina Cielo at Herzon. And later on, ipapaalam na niya rito ang tungkol sa upcoming baby nila.
Matapos pirmahan ang mga papeles ay lumabas na siya ng office para pumunta sa news room. Busy ang lahat dahil sa kabi-kabilang national issues. May nagaganap na controversial Senate hearing, may protesta ng mga manggagawang Pilipino, may issue sa MRT station, may nagbabadyang pagsabog ng isang bulkan at kung anu-ano pa. Nasa kabi-kabilang field reporting projects ang mga reporters nila.
Umupo siya sa tabi ni Ciella. "Toxic day?"
"Oo, girl. Mukhang dito na naman ako matutulog sa news room." Ito kasi ang director ng breaking news reports. Binalingan siya nito. "By the way, salamat kaninang umaga. You did a great job there."
"Na-exercise ang adrenalin rush ko and that feels good. Na-miss ko ang field work. Si Cielo kasi, ikinulong na ako sa studio at opisina."
"Speaking of my cute brother... okay na ba kayo as in for real? Mukhang ang saya nga niya ngayon. May dinner invite pa siya, sagot daw niya. First time in forever, manlilibre siya. May sakit ba si Kuya Cielo?"
Napatawa si Nica. Lahat ata sila ay ganon ang tingin kay Cielo. May something wrong pag nanlilibre ito o nagiging galante. "Iyan din nga ang tanong ko sa kanya. Binigyan niya ako ng beach villa eh kakabigay niya lang ng kotse last month. May sanib ata ang kapatid mo."
"So ano na nga girl? Okay na kayo?"
"Sabihin natin, papunta na roon. Wag ka nang mag-alala. We're going to be okay—"
Naputol ang conversation nila nang lumapit ang field researcher nila. "Ma'am, may hostage-taking incident po sa Kofi Cups and Sweets, Binondo Branch."
Nagkatinginan sina Ciella at Nica hanggang sa tumayo na ang huli. "I guess, hahabol pa ako ng isang field reporting." Bumaling siya sa field researcher. "Be on standby for Breaking News." Pagkatapos ay binalingan niya si Ciella. "Ibigay mo sa akin ang pinakaalisto mong cameraman."
Few minutes more, on the way na sila papunta sa Binondo. She's driving her own car. Naka-convoy siya sa company vehicle ng HBH network. Not late enough, nasa hostage-taking site na sila. May mga pulis na roon.
Nakita niya ang boyfriend ni Richael. Agad niya itong nilapitan. "Pwedeng makakuha ng information sa'yo, Sr.Pol. Inspector Almendral?"
"Anong ginagawa mo rito? Delikado rito!" sita sa kanya ni Eldwick.
Iniangat niya ang suot na id. "I have to broadcast a coverage."
"Alam ba ni Cielo na andito ka?"
"It doesn't matter. This is work. So... can I get some info?" nakangiting hirit niya.
He signed and started feeding her some info. Napag-alaman niyang nasa loob pa rin ng Kofi Cups ang ilang nananahimik na customers ng coffee shop na minalas magambala ng hostage-taker. Nag-iisa lang ang suspect pero walang makalapit para hulihin ito dahil may suot itong bomba sa katawan. Naglagay ito ng bomba sa braso, balikat, at binti na safe target point sana kung sakaling babarilin ito ng mga pulis. Kaya isang maling kilos lang ng mga pulis, sigurado tostado lahat ng nasa loob ng Kofi Cups pati na silang ilang metro lang ang layo sa establishment.
BINABASA MO ANG
Bukas Na Lang Kita Babastedin 2 (Completed)
RomanceFrom Kilig Republic's Bukas Na Lang Kita Babastedin, the kilig story continues after Cielo and Danica tied a knot. Tulad ng iba, dumaan din sila sa adjustment period bilang mag-asawa. Pero meron pa ring mga bagay na hindi nabago- ang kulitan, asara...