Chapter Twelve

366 19 5
                                    



Nica woke up after a very sweet dream. Sa panaginip niya ay hinaharana siya ni Cielo. Masayang-masaya siya. Wala siyang fear at worries sa panaginip niya. It was a perfect kilig scene. Cielo was just staring at her the whole time while singing that special song. Iyon ang kantang pinagsaluhan nila sa dance floor noong Graduatuation Ball nila way back few years ago. Wala pa siyang idea noon na in love sa kanya si Cielo. It was the last sweet thing between them bago nila bastedin ang isa't isa. Pinaalala ng panaginip na iyon ang kwento nila.

She took a deep sigh at dahan-dahang napangiti habang nakatitig sa kisame ng silid. It's the third day na kasama nila sa iisang bubong ang kanilang parents. Tatlong araw na nga at hindi man lang niya namalayan. Noong mga nakaraang araw ay walang nabago kay Cielo. Sweet naman ito kahit wala ang magulang nila. Lalo pa itong naging maalaga sa kanya ngayong nakikita sila ng magulang nila araw-araw. At siya, mukhang nasanay na lang sa sweetness nito. Hindi na siya nagre-resist. Hindi niya desisyon ang hayaan itong magpa-sweet para pagtakpan ang problema nila. Unknowingly, nakita na lang niya ang sariling binibigyan ito ng pagkakataong makabawi sa kanya. As days passed by, she felt her heart melting slowly for him again.

He was still sending personalized cards to her sa kabila nang sinabi nitong ite-text na lang nito ang love cards para di na niya iyon pupunitin. Kung alam lang sana nito na drama lang ang lahat para sa kanya dahil gusto niyang ipakita dito na isa na siyang heartless na tao.

She grabbed her phone and browsed the photos. Araw-araw, kinukuhanan muna niya ng picture ang mga cards na binibigay nito sa kanya bago niya iyon punitin sa harap nito. In that way, she could still keep his love. At dahil naging everyday habit na nito ang bigyan siya ng love cards, nakasanayan na rin niya iyon. And somehow, nakakatulong iyon para maibalik ang kilig sa sistema niya.

Napawi ang ngiti niya nang maalalang muli ang takot niyang patawarin ito. Bakit kasi hindi mo pa siya mapatawad? Over na ang effort niya para lang mapatunayan niyang hindi niya isusuko ang pagmamahal niya sa'yo, Nica! Napalingon tuloy siya sa kanyang kaliwa. Wala na sa tabi niya ang asawa. Tatlong gabi na silang magkatabing natutulog. Sa kalagitnaan ng gabi, walang kaalam-alam si Cielo na gumigising siya para pagmasdan ito habang natutulog. Iyon lang ang tanging oras na kaya ni Nica na aminin sa sarili na hindi man lang nababawasan ang pagmamahal niya para sa lalaking ito. Mas nadadagdagan pa nga. Tinatalo lang talaga siya ng takot kaya pilit niyang inilalayo ang puso niya rito.

Noong una ay ayaw niya sanang magkatabi sila sa iisang kama ngunit naaawa naman siyang patulugin ito sa sofa. She was thankful to him na kahit magkatabi silang matulog ay di ito nag-initiate ng kahit na anong intimate matters. Noong nakaraang gabi pa nga ay nagpaalam pa ito kung pwede siya nitong yakapin habang natutulog sila. Kung iisipin, Cielo had all the rights to claim her. But he respected her so much. Dumagdag iyon sa lumalagong pagmamahal niya sa asawa.

Mula rin nang sabihin niya ritong huminto na sa effort ay hindi na ito nag-open ng topic tungkol sa forgiveness. Bagkus ay, pinaparamdam na lang nito sa love notes na natatanggap niya kung gaano siya kaimportante sa buhay nito. Kapag nakikita sila ng magulang ay dumidikit ito sa kanya. Pero kapag wala namang ibang nakakakita, dumidistansya na ito at nananahimik na lang sa isang tabi. He was giving him the space she wanted in the first place.

"Nagiging unfair na nga ba ako sa'yo, Cielo? Gusto na kitang patawarin, pero hindi ko alam kung paano ko aalisin ang takot na ito. Kapag ba minahal kita uli, hindi na ako masasaktan?" she uttered to no one in particular. Mag-isa lang kasi siya sa silid noong oras na iyon. Kinastigo din niya ang sarili. "Bakit ang hirap para sa'yo, Nica? Samantalang dati, binasted ka na nga niya pero hindi ka man lang nagalit sa kanya nang ganito? Sino ka na ba ngayon? Pati ako, hindi na kita kilala."

Bukas Na Lang Kita Babastedin 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon