Beastmode na nagmartsa si Danica papunta sa opisina ng asawa niya sa loob ng P-Mart Shopping Center. Ito ang supermarket sa tapat ng twin building ng Pontez. Bitbit niya ang isang copy ng fashion magazine na fresh na fresh from Pontez Publication. It was a magazine that featured the Karisma boys, including the team backstage boys, ang katuwaang grupo ng mga boyfriends nina Christel, Dana at Richael. Bilang celebrity icon, hindi na bago sa kanilang mag-asawa ang ma-feature sa mga lifestyle and showbiz magazine, magkasama man o magkahiwalay. Pero hindi niya ine-expect ang magazine na hawak. Her husband was indeed really sexy on those photos featuring summer beach body collection ng Keithan Apparels. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita niya ang laman ng magazine.
Yes, it wasn't the first time na nag-model si Cielo ng sexy summer collection for men. She's proud to say that her husband maintain a good body figure. But she's not comfortable with it knowing na lahat ng babaeng bubuklat ng magazine ay tititigan ang asawa niyang almost hubad na. Nginangatngat ng selos ang puso niya. Dumagdag pa sa init ng ulo niya nang makita ang full page photo ng asawa kasama ang myembro ng Babe Dancers na naka-sexy bikini swimsuit. Nasa gitna si Cielo ng mga sexy ladies at dalawa sa mga ito ay nakahawak pa sa katawan ng precious niyang asawa. Fine, hindi talaga ang pagpapa-sexy ng asawa ang issue niya kundi ang hindi nito pagpapaalam sa kanya ng tungkol sa magazine na iyon at ang mga kasama nito sa picture.
"Hi Mich, nasa loob ba si Cielo?" tanong niya sa secretary ng asawa niya.
"Wala po, Ma'am. Nasa selling area siya. Pumasok ka na lang sa office niya. Ira-radyo ko na lang sa kanya na andito ka."
"Okay, thanks."
Pumasok siya sa loob ng office ng asawa. It was her first time to see his office sa P-Mart. Madalas kasi ay sa kabila ito nago-opisina. Umupo siya sa swivel chair nito. Nakapatong sa mesa ang laptop ng asawa. An idea popped her head. Naka-sleep mode lang ang laptop nito. When she touched the sensor ay bumungad sa kanya ang icon na humihingi ng password. Napasimangot siya. They never shared passwords ever since. Ang alam lang nila ay pincodes sa cellphone ng isa't isa. Mahulaan na lang. Inilapag muna niya ang magazine sa mesa at pinagdiskitahan ang laptop nito. She tried keying different possible passwords but all failed.
"Ano kayang password mo, Cielo baby? Ang asawa kong maganda?" natatawang hirit ni Danica sa sarili. She keyed those too, 'angasawakongmaganda'. In her mere surprise ay nag-login ang account. Napatawa tuloy siya. Bumungad sa kanya ang wedding photo nila sa desktop nito. It was a photo of their first kiss as wedded couple. Kagya't siyang napangiti.
Bakit ganon? Pag bwisit na bwisit na ako sa'yo, bigla namang may mangyayaring magpapaalala sa akin kung gaano mo ako kamahal? Bigla tuloy humupa ang kaninang nasa level 999 niyang galit dito.
On cue Cielo entered the office. His phone was in his right ear at may kausap. Agad itong ngumiti nang makita siya. "Let me know, Reiko kung kelan n'yo matatapos ang software. I hope we can conduct the software update as soon as possible. Okay then. Bye." He ended the call and come over her. "What brings my beautiful wife here? Is there anything urgent?" Humalik ito sa pisngi niya.
Ngunit bago pa siya magoyo ng paglalambing nito ay agad niya inihampas sa dibdib nito ang magazine na dala.
"Aray! Ano na naman bang problema mo?" reklamo nito.
"You and that magazine. Iyon ang problema ko." Binuklat nito ang magazine. Lalo siyang nainis nang hindi man lang niya ito nakitaan ng pag-aalala o gulat factor. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dyan?"
"Danica baby, this is just another product endorsement. Kailangan bang ipaalam ko lahat ng commitments ko sa'yo?" tanong ni Cielo. "It's my secretary's job not yours."
BINABASA MO ANG
Bukas Na Lang Kita Babastedin 2 (Completed)
RomanceFrom Kilig Republic's Bukas Na Lang Kita Babastedin, the kilig story continues after Cielo and Danica tied a knot. Tulad ng iba, dumaan din sila sa adjustment period bilang mag-asawa. Pero meron pa ring mga bagay na hindi nabago- ang kulitan, asara...