Mga boses na nag-uusap ang gumising kay Danica.
"Is she really gonna ba okay, Tita Pen?"
That was Cielo's voice. At ang kausap nito ay ang nanay ni Dana na isang doctor. Nakita niyang magkausap ang dalawa sa may pinto ng kwarto. Then she realized, she's confined in a private ward. On the visitor's couch were some of his friends. Marahil, ang mga ito ang unang tinawagan ni Cielo kanina.
"Yes, she just needs some couple of days of rest. She's over fatigue plus her sugar is not that good. You have to monitor her diet. The last time siyang na-admit dito, sinabi ko na sa kanya na mag-control sa mga pagkain mataas sa sugar. This may get worse if magpapasaway siya. But rest assured hijo. She's fine. She just have to stay for a day or two so that we can monitor her condition. Once mag-stabilized na ang sugar niya and her vital signs then, pwede mo na siyang iuwi."
"Okay, salamat Tita Pen." The doctor went out of the room.
Bumalik si Cielo sa kumpulan ng mga kaibigan nito.
"Oh Cielo, kumalma ka na. Okay na daw siya," sabi ni Hinaro.
"Oo nga, you can't face her na ganyan ang itsura mo. Takot na takot," Hamiel said. "Dadagdag iyan sa stress ng asawa mo."
"Korek. Wag ka ng mag-alala. She's out of danger, man!" Tinapik pa ni Geo ang balikat ni Cielo.
Pero tila walang nakapagpakalma dito. "Kasalanan ko ito e. Mas inuna ko pang deadmahin siya nitong nakaraang araw dahil ayaw niya akong tigilan sa issue ng pambabae. I should have just extended my patience. Hindi ako mapapakali hangga't di siya nagigising."
"We're seing the other side of Cielo, " komento ni Limien.
"Yeah, iyong Cielo na hopeless romanctic at matured na," Dana uttered.
"Well, I'm a changed man. And this guilt is killing me. Inalagaan ko na lang sana siya kesa dinedma."
"Mahal mo talaga siya ano?" Christella asked.
"Sobra, Christel bebe. Iyong takot ko kanina parang doble ata nung takot ko nang una siyang himatayin sa braso ko after ng airing ng show niya noon."
That melted Danica's heart. Naalala niya noong hinimatay siya sa lagnat at sa kagat ng aso ni Cielo noon. Akala niya ay wala itong pakialam sa kanya. Then later on, she found out na dumadalaw pala ito sa kanya tuwing tulog siya. Then his friends told her na pinagsisihan nitong nangyari ang araw na iyon. He held himself liable why she ended in hospital bed.
Tapos ngayon, ganon pa din ang narinig niya dito. Kasalanan naman niya kung bakit siya naospital. Pero inako din nito ang kasalanan niya. She had the feeling that she needed to end his worries kaya tinawag na niya ito.
"Cielo Baby..."
Agad itong lumapit sa kanya. "Baby..." Humalik ito sa noo niya bago nito ikinulong ang kanyang mukha sa mainit nitong palad. Mataman siya nitong tinitigan. A trace of worry was reflecting in his eyes as he caress her hair that covered her forehead. "How do you feel now? Nahihilo ka pa ba? Masama pa ba ang pakiramdam mo?"
"Medyo okay na ako, Cielo. Don't worry." She smiled. Nabawasan bahagya ang pag-aalala nito dahil sa sinabi niya.
"Ah, pare. Una na muna kami," Hinaro interrupted.
BINABASA MO ANG
Bukas Na Lang Kita Babastedin 2 (Completed)
RomanceFrom Kilig Republic's Bukas Na Lang Kita Babastedin, the kilig story continues after Cielo and Danica tied a knot. Tulad ng iba, dumaan din sila sa adjustment period bilang mag-asawa. Pero meron pa ring mga bagay na hindi nabago- ang kulitan, asara...