Chapter Five

359 17 4
                                    


Malungkot na nag-aabang si Nica sa veranda ng bahay nila. Tapos na ang photoshoot at interview. Bumalik ang sigla at kulit ni Cielo after nitong mag-sorry. Akala ni Nica ay okay na ang lahat. Pero matapos ang shoot nitong nakaraang araw ay agad na umalis ng bahay si Cielo at sinabing sasama ito sa gig ng Karisma sa Cebu. Dala nito ang bagaheng inihanda niya sana para sa Macau trip nila. Mamayang hapon na ang flight nila pa-Macau and still no sign of Cielo. Hindi niya alam kung sasama ba ito o tototohanin nitong hindi ito sasama sa trip na iyon.

She tried to call him again, pero di nito sinasagot ang tawag. Kanina pang umaga niya ito tinatanong kung kelan ito uuwi dahil baka mahuli sila sa flight pero wala siyang na-receive na reply. She kept on texting him though.

Akala ko okay na tayo, Cielo? Bakit di mo sinasagot ang tawag ko? Hindi ka ba talaga sasama?

She sighed. Nagsisimula na siyang mainis. Bakit kailangang maging ganon ka-hard sa kanya ang asawa niya? Eh in the first place, hindi naman niya kasalanan entirely kung bakit na-delay nang na-delay ang trip nila.

Okay fine. Kung ayaw mo talagang sumama. Aalis na lang akong mag-isa! Hindi naman pwedeng palagi niyang ipapampam ang ugaling iyon ni Cielo.

Kung ayaw niya, eh di wow.

Sayang ang ticket at accommodation nila doon sa Macau. Ayaw niyang mag-aksaya ng pera. She prepared herself for the trip. Hanggang sa airport bago siya mag-check in ay umaasa pa rin siyang magpaparamdam ang asawa, pero wala.

Pumila siya sa check-in counter. Nabwisit pa siya na puro couples ang sinundan niya sa pila. Inabala na lang niya ang pagkuha ng random photos to document her solo trip. She took a picture of her with her luggage at nasa background ang mga couples. She posted it on Facebook:

Danica Urbano-Pontez feeling emotional with Cielo Pontez

Minsan may mga bagay na solo mo lang dadalhin kahit na dapat ay para sa inyo at hindi sa'yo lang. Mapapatanong ka na lang kung bakit ka nag-iisa sayaw na pang-dalawa.

Ang bigat kaya ng maleta ko, tapos ang dami pang pabebe couples dito. Kaloka! By the way, see you Macau in a few.

Maraming nag-comment at nagtatanong kung bakit babyahe siyang mag-isa. Pero ang sinagot lang niya sa mga ito ay isang mala-showbiz na statement : "Conflict lang sa schedule. Mauuna lang ako at susunod si Cielo Baby do'n."

Pero ang totoo, hindi na siya umasang susunod ang asawa niyang expert nang tiiisin siya. Buwisit! An hour later ay on board na siya. Wala pa rin siyang nakukuhang tawag mula sa asawa and that means...

Wag ka na umasa, Danica. Nakamamatay!

She turned her phone into airplane mode and kept it inside her bag. Makalipas ang two hours and thirty minutes ay nag-land na rin ang eroplano sa Macau International Airport. From there, ay may kotseng sumundo sa kanya na maghahatid sa kanya sa Neryz Ennael Macau. Habang nasa byahe ay inaliw niya ang sarili sa pagmamasid sa dinadaan ng sasakyan. Maliwanag ang syudad kahit gabi na. Mukhang masaya ang lugar na iyon, pwera sa puso niya.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng main entrance ng isang luxurious hotel.

"Madam, welcome to Neryz Ennael," sambit ng driver.

"Thank you."

Pagkababa niya ng sasakyan ay sinalubong siya ni Golen. Aside from the realty corporation, his family also owns famous chains of luxurious hotels and resorts around the globe including Neryz Ennael.

Bukas Na Lang Kita Babastedin 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon