Chapter Two

513 23 7
                                    


"I'm Danica Urbano-Pontez and this has been, The Big News Tonight!" Ngumiti si Danica sa camera habang hinihintay ang cue ng director.

"Three, two, one... okay, Cut!" Ciella just gave the cue.

Automatic na napabuntong-hininga si Danica. She has been awake since four in the morning. Anong petsa na? Eleven na ng gabi at ngayon lang natapos ang live airing ng late night show niya. Mula pa kaninang umaga ay hindi pa siya nagkakaroon ng pahinga. From morning news to The Morning Talk with Danica show, to primetime news report to The Big News Tonight. These past few days ay sinimulan na rin nila ang episodes para sa morning show niya. Tatlong episodes pa lang ang natatapos. There's two more. Apat na araw na lang at aalis na sila ni Cielo kaya minamadali na ang lahat. Bukod doon, may mga live airing pa siyang shows. Medyo suko na ang katawan niya sa pagod at alam niyang maging si Ciella ay ganon din. Heto nga ang sister-in-law niya, nagpunta pa rin talaga sa shoot ng evening show niya kahit nilalagnat na ito.

Agad niyang nilapitan si Ciella na nasa isang sulok. "Okay ka lang ba?" Sinapo niya ang noo nito. "Ang init mo, girl." Ciella became her real sister after niyang pakasalan ang kakambal nito.

"Nakainom na ako ng gamot. Susunduin daw ako ni Papa. Ikaw ba? Nasaan na ba iyong kakambal kong kuripot? Susunduin ka ba niya?"

On cue. Pumasok ng studio si Cielo. Agad itong humalik sa pisngi niya. "Am I that late, baby?"

"Hindi naman, katatapos lang namin," sagot niya.

Binalingan nito ang kapatid. "Lagnat ka pa?" Malambing na ikinulong nito sa mga palad nito ang mukha ni Ciella. "Wawa naman, ang init mo pa din. Ihahatid na kita sa bahay. Sinabi ko na kay Mama na ako na ang susundo sa'yo para di na maabala si Papa."

That scene melted her heart. Kahit madalas na mag-asaran ang dalawa, nananatili pa rin si Cielo na sweet kuya sa kakambal nito. Kinuha niya ang phone at pasimpleng kumuha ng photo ng magkapatid. Then she posted it on Instagram:

Such a lovely scene. Twin goals! Ang sweet ng Cielo Baby ko oh.

That earned lots of comments, shares and likes again. Napangiti siya. Hinding-hindi siya magsasawang ipakita sa mundo kung gaano siya kaswerte sa mister niya. She took her time browsing her social media accounts and sending replies sa mga fans na nag-comment habang busy ang asawa niya at kapatid nito sa pag-uusap. Ititigil na sana niya ang pagba-browse nang isang photo ang nakakuha ng kanyang atensyon.

It was her husband in a crowd of women... lots of flirty sexy women. The photo was posted by a fan with a caption, "Hunkable Cielo with the Babe Dancers." Familiar siya sa grupo ng mga babaeng iyon. It was a sexy dancing group na unti-unting sumisikat ngayon. Parang may kung anong pumitik sa ulo niya. Kung titingnan ang picture, mukhang enjoy na enjoy ang asawa niya sa paligid ng mga sexy at pretty na mga babae. She noticed the date. It was posted a day after that night na tumanggi si Cielo na sumama siya sa gig nito. Hala siya! Kunwari pang ayaw akong mapagod. Iyon pala, magha-happy happy pala siya!!!

"Cielo!" Medyo napataas ang tono niya kaya nagulat ito nang balingan siya na tila nagtataka. She sighed. "Ano, let's go?" anyaya na lang niya sa magkapatid.

Itinago na niya ang cellphone at sinubukang pakalmahin ang sarili. Nagpaalam silang lahat sa cast and crew ng show. She just let Cielo spent time taking good care of his twin. Inaalalayan nito ang kapatid habang papunta sila sa sasakyan nito.

Bukas Na Lang Kita Babastedin 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon