Chapter Ten

294 16 5
                                    


"Honeymoon trip? Patawa kayo!" napapailing na sambit ni Danica nang mabasa niya ang press release article ng Pontez Media para pagtakpan ang issue nila ni Cielo. She carelessly threw her cellphone on the table.

"Anong gusto mo? Ilabas sa media ang totoo? Sorry, friend. Trabaho ko ang protektahan ang image n'yo pareho sa media," Richael said.

"Nakakaloka kayong dalawa ni Cielo," hirit ni Sophia.

"Hanggang kelan ba ang drama n'yo? Ang hirap mag-secret kay Hinaro ha," dagdag pa ni Zeth.

"Oo nga, muntik na nga akong madulas kay Phi Nat na alam ko kung nasaan ka," sabat ni Christel.

"Me, too! Kinukulit na din ako ni Golen," sabi ni Dana.

"Mas kawawa ako. I keep secret from my trusted beer buddies. Patay ako sa mga iyon pag nalaman nilang tinatago ka lang namin ni Mien dito sa Green Haven Farm," dagdag ni Hamiel.

"Wag kang mag-alala, Hamham ko. Bibigyan kita ng disenteng libing pag pina-ambush ka ng pinsan ko," biro ni Limien. "Kakantahan pa kita ng Boomtarat Tarat!"

Kagya't tuloy silang napatawa sa hirit ni Limien. Indeed, hindi naman talaga siya nagtago sa malayo. Nasa Green Haven Farm lang siya. Pero pinakiusapan niya ang mga kaibigan na 'wag ipapaalam kay Cielo kung nasaan siya. At maliban kay Hamiel, wala na sa boys ang pwedeng makaalam. Alam niyang na kay Cielo ang loyalty ng mga boys. It's just Hamiel got no choice.

"But seriously, what's your plan, Nica? You can stay here for as long as you want but you can't hide from him forever," sambit ni Hamiel. "Kailangan n'yong harapin ni Cielo ang problema n'yo bago pa mapalala ng media ang situation."

"Di ko alam... di ko na alam," hirit niya. "It feels like Cielo was just a dream. At bigla na lang akong nagising mula sa mahabang panaginip. Can you guys, enlighten me? Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Bakit ko ba siya pinakasalan?" She tried herself not to shed tears. Ilang araw na siyang umiiyak. Ngayong ikaapat na araw na, tila wala ng luhang maiiyak pa ang kanyang mata.

"Dahil mahal mo siya!" korong sagot ng lahat.

She sighed. "Bakit nga ba siya pa? Sana iba na lang. Iyong taong hindi ako sasaktan nang ganito."

"You mean, pinagsisisihan mo talagang minahal mo siya? As in?" tanong ni Limien.

She nodded. "This love is drowning me."

Pagak na tumawa si Limien. "Same line I said to Hamiel when I broke up with him before. But look at us. We ended up being together. Kung nagawa naming na lagpasan iyong naging problema naming noon, kayo n'yo rin iyon. And believe me, Nica. Iyang pagkalunod mo sa pagmamahal ng pinsan ko... it can do good on you kahit pa negative ang tingin mo roon. Alam ko, nasaktan ka...nasasaktan din naman siya."

"Not just nasasaktan si Cielo. More on, nagiging miserable," Richael corrected.

"What do you mean?" tanong ni Nica dito.

"Hindi mo siya makakausap ng matino. He's either drunk, or crying like there's no tomorrow or just passed out of too much alcohol," sabat ni Christella. "Iyon ang kwento ni Phi Nat."

"And by the way, nawawala si Tita Zhei," Richael said.

"Ano?!"

"Nagsuntukan sina Herzon at Cielo. Nagalit si Tita kaya umalis muna siya. But don't worry, sabi ni Mama nasa Hacienda Canilao daw si Tita," sagot ni Limien.

Bukas Na Lang Kita Babastedin 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon