Chapter Fifteen

692 32 8
                                    


Isang oras ang lumipas. Wala pa ring lead, wala pa ring makitang pag-asa si Nica. Kasalukuyan silang nasa loob ng police headquarters, naghihintay ng update na hindi nila alam kung darating pa ba. Dumating din doon ang pamilya ni Cielo— sina Mama Zhei, Ciella at Ashley. Si Papa Herald at Herzon ay nagdesisyong mag-stay mismo kung saan nawala si Cielo.

Tahimik ang paligid. Wala ni isa ang nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. Inihanda na ni Nica ang sarili kung sakaling isisi sa kanya ng pamilya ng asawa ang nangyari. Pero walang panunumbat na naganap. Nang makita siya ni Mama Zhei kani-kanina lang, isang yakap mula sa isang mapagmahal na ina ang iginawad nito sa kanya.

Nica found it wrong. Hindi niya deserve ang pang-unawa at pagmamahal na iyon mula sa pamilya ni Cielo. Wala siyang ginawa kundi ang saktan ang damdamin nito... at ngayon nga, inilagay niya ang buhay nito sa panganib. Oo, inako na niya sa sarili lahat ng sisi.

Kasalanan ko ang lahat ng ito. Ako dapat ang paglalamayan... at hindi siya. Napahagulhol siya ng iyak sa pumasok sa isip niya. If that worst scenario would happen, hindi niya alam kung saan siya kukuha ng lakas ng loob para magpaalam sa asawa niya. Hindi niya ma-imagine na muli silang haharap sa altar hindi para mag-renew ng vow kundi para ihatid ang asawa sa huling hantungan. No, please... Cielo!

Nilapitan siya ni Mama Zhei at niyakap siya. "Hindi tayo dapat nagdu-duet sa pag-iyak. Wag kang matakot, Nica. Ano man ang mangyari, andito ako. Hindi kita pababayaan,anak."

"I'm sorry, Mama! I'm sorry!" Lalo lang bumuhos ang luha niya.

"This isn't your fault. Walang may gustong mangyari ito."

"Hindi ko po deserve ang pagmamahal at pang-unawa n'yo. Ni hindi ako deserving sa pagmamahal niya."

"Love isn't about being deserving for it or not. It is for those who can feel and give that feeling without any reasons at all."

"Sinaktan ko lang po siya." Kumalas siya sa yakap ng kanyang mother in law at tumungo.

Hinawakan ni Mama Zhei ang kanyang kamay at iniaangat ang kanyang mukha dahilan para makita niyang nakangiti ito kahit luhaan. "Alam ko. Nung araw na inihatid namin ang mga magulang mo sa airport, ipinagtapat ni Cielo ang totoong estado ng relationship n'yo. He took all the responsibilities and promised your parents that no matter what happen, he will continue loving you the way he used to be. I'm so proud of my son that time. I never thought he could be that indomitable to earn your parents' trust after all the pain he caused you. Higit sa sakit na nadulot mo sa kanya, nasaktan ka rin niya. And that pain meant something. Bakit ba tayo nasasaktan, in the first place? Kasi nagmamahal tayo di ba? Alam kong mahal mo ang anak ko."

"I love him so much, Mama!"

"Then you have to be strong. Bagama't natatakot din ako, alam kong buhay si Cielo. My mother instinct is telling me just to wait and hang on. You have to do the same, okay."

Pinawi niya ang sariling luha at tumango. Muling natahimik ang buong headquarters. Ang Karisma Band members ay kanya-kanya lang din ng ginagawa para libangin ang sarili. Ang iba ay nakakarami na ng inom ng kape at iba naman ay nakatitig lang sa cellphones nila. All of them seemed to be worried about Cielo.

Pabalandrang bumukas ang pinto at bumungad sa kanila si Eldwick. "Si Cielo..."

Muling bumundol ang kaba sa puso ni Nica. "Nakita n'yo na ba siya?" Tumango lamang si Eldwick. Tumingin si Nica sa labas ng pinto hoping na matatagpuan ang asawa roon. But no one was there. Naiiyak na binalingan niyang muli si Eldwick. "Nasaan siya? Anong nangyari sa kanya?"

Bukas Na Lang Kita Babastedin 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon