Chapter Four

347 22 0
                                    



"Friend, hindi ba pwedeng i-move ito? Kaloka, mapapatay na ako ni Cielo nito!" hirit ni Danica. Kasalukuyan siyang nasa opisina niya sa Pontez at kausap ang kanyang bff slash road manager, si Richael. She was holding a letter of good news.

Sumaglit lang siya sa office para sa meeting na iyon with Richael. Ayaw pa rin kasi siyang papasukin sa trabaho ng asawa. Saka na lang daw siya magtrabaho pag nakabalik sila from honeymoon trip.

She was held one of the top most influential personalities in the country. Ipi-feature siya sa isang special edition magazine under Pontez Publications. It was a big achievement for her, something na hindi niya kayang palagpasin. Kaso, may problema. Masasagasaan ang honeymoon trip nila ng schedule ng shoot at interview.

"Friend, minamadali ng Pontez Publication ang magazine," paalala ni Richael.

"Eh paano iyong honeymoon trip namin? Imu-move ko na naman? Magwawala na si Cielo niyan." She sighed.

"Saan nga ba ang punta nyo?"

"Macau. 14 days iyon."

"Wait, let me see kung may magagawa ako." Nag-dial ito ng number sa cellphone at may kinausap sa kabilang linya. "Ma'am Lanlan, may konting problem sa schedule ni Danica. Naka-schedule po sila ng trip with Sir Cielo on that date. Yes, Ma'am. Ah, let's see if that will be possible. I'll get back to you, Ma'am." Binaba nito ang cellphone at binalingan siya. "Sabi ni Madam Lanlan, baka naman daw pwedeng i-move n'yo ng two days para magawa na agad iyong shoot at interview bago ka umalis or pwede nilang sundan kayo sa Macau for the shoot and interview. Iyon nga lang, two days ang mawawala sa trip n'yo."

She sighed. Di siya sure kung papayagan siya ni Cielo pero kailangan din niya ang commitment na iyon. "Okay. Doon ako sa second option. I-confirm mo na kay Madam Lanlan na willing akong gawin ang shoot at interview sa Macau. Ako na ang bahala kay Cielo."

Richael wrote something in her notebook. "Okay, friend. Noted."

On cue, Cielo entered her office. Agad itong lumapit sa kanila. Bumeso muna ito kay Richael bago ito humalik sa kanya... tatlong smack kiss.

"Ay grabe sila. Walang pakundangan. Tinatalo n'yo si Hamiel at Mien sa pagka-PDA," hirit ni Richael.

Tumawa lang sila. "How's Eldwick? Hindi na nagpapakita sa amin iyong boyfriend mo. Kayo pa ba?" tanong ni Cielo.

"Aba syempre. Masyado lang busy iyon. Na-promote kasi siya at napalipat ng CIDG. Yaan mo, sabihin ko sa kanya na mag-social life din naman. Ako na lang ang laging kasama noon e."

"Oo nga, friend. Paki-congrats kami sa kanya," sabi ni Danica. Yumakap pa sa baywang niya si Cielo. Wala naman itong pakialam kung may makakita unlike before na parang allergic ito sa kanya.

"I have to go bago pa ako mainggit." Tumayo na si Richael at bumeso uli sa kanila hanggang sa maiwan silang dalawa sa loob ng opisina.

Binalingan niya si Cielo. As usual, nakatitig na naman ito sa kanya. "Gandang-ganda ka na naman sa akin, Cielo Baby?"

"I've heard about the news. Most Influential Celebrity of the Year. I'm so proud of you baby." He moved down ang claimed her lips. Pagkatapos ay muli siya nitong tinitigan.

"Hindi ko iyong makukuha kung hindi mo ako binigyan ng break sa kabila ng pagkabwisit mo sa akin noon. I will never forget that day when the Pontez bosses and HBH bosses told me that I'm going to have my own show. At ikaw ang nasa likod ng tagumpay ko, Cielo Baby. Ang award na iyon, para sa'yo iyon."

Bukas Na Lang Kita Babastedin 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon