Chapter 6

8 0 0
                                    


Kakatapos lang naming mag-practice ng basketball at nagkakakwentuhan kaming magbabarkada habang nagpapahinga ng lumapit sa amin si Chase.Nakalimutan kong sabihing basketball player din siya.

"Blue,alam mo ba kung nasaan ang ate mo?",tanong ni Chase na walang kagatol-gatol. Akala mo naman close sila ni Blue.

"Bakit mo hinahanap si Red?",kalmadong balik-tanong ni Blue. Oo nga, bakit niya hinahanap si Red na maghapong tumatakbo sa utak ko. Walang hiyang babaeng iyon, pagkatapos niyang ideklerang may gusto siya sa akin kaninang tanghali,hindi na muling nagpakita pa. Nag-absent pa ata si Red dahil nasaktan ko ang damdamin niya.

"Hindi mo alam?",takang takang sagot ni Chase at pinalibot ang tingin niya sa aming apat. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. May ginawa ba si Red sa kanya?

"Hindi ko alam ang alin?",sagot ni Blue at nagsisimulang mag-alala ito. Magsasalita sana si Chase pero napalingon kaming lahat sa sumigaw sa likod namin.

"Mr. President!"

Nakita namin si Red na naglalakad papunta sa pwesto namin na nakasuot ng black sports shorts at fitted grey sando. Wala namang PE subject si Red dahil senior student na siya pero bakit parang sasabak siya sa matinding ihersisyo?

Habang papalapit siya, hindi mawala ang tingin ko sa legs niyang nakaw-tingin. As usual, I was struck in awe at the magnificence of her creamy white legs. It sent a crazy pulsation through my veins that I couldn't explain. Sa totoo lang, nawala ang pagod ko ng makita siya. Nagbubunyi hindi lang ang aking mga mata kundi pati na rin mata ng mga ka-teammate ko. Red is so alluring in her sports attire.

I was like electrified when she met my eyes. I sucked a deep breath when I felt the air left my lungs in a rush. She never break our staring game as she walk languidly to our direction,and so am I.

"You're late Miss Forbes",sita ni Chase sa paparating na Red dahilan para bumalik ako sa dati kong diwa at tignan ng masama si Chase. Panira talaga ang pinsan kong ito.

"Sorry, Nawala ako sa pagpunta dito",walang buhay na sagot nito. Nagbubulung-bulungan ang ilang mga manlalaro sa paligid namin. Samantalang ang sama ng tingin sa kanya ng mga kasamahang babae ni Blue dahil di hamak na mas sexy pa si Red kaysa sa kanila na hindi nagpapakahirap. Pati si Chase hindi maalis ang tingin sa papalapit na bagong pantasya ng bayan.

"What the hell happened to your face Red?",kagulat-gulat na tanong ni Blue. Binalik ko ang aking tingin kay Red, hindi ko napansin agad ang mga pamumula,galos at pasa sa kanyang mukha. Halos manlumo ako sa aking nakikita, parang kinalmot ng pusa ang mukha at leeg ni Red. Napaka-walang puso naman ng gumawa nito sa kanya. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng galawin kay Red, napili nilang kalmutin ang maganda nitong mukha.

"Olivia happened",Red admitted and gave us a grimace face. How could that stupid bitch do this to Red. Makita ko lang ang demonyitang iyon, ipapakalmot ko ang mukha niya sa leon. Tignan ko lang, kung maibabalik pa ng isang plastic surgeon ang dati nitong mukha.

Kanina lang, malinis at maayos pa ang mukha ni Red. Pero lumipas lang ang maghapon, mga kalmot at malaking pasa sa panga ang makikita sa kawawa niyang mukha. At ang tanga-tanga ko dahil hindi ko man lang ito napansin agad nung nagtititigan kami. I am sure I was lost in her eyes that's why.

"What? And you let her mark your face like that? Are you insane?",Blue hissed bitterly. Bakit hinayaan ni Red na pagtripan siya ni Olivia. Kayang-kaya naman niyang ipagtanggol ang sarili niya gamit lang ang kamao nito. Hindi man lang siya naawa sa mukha niya?

What the hell is wrong with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon