Chapter 16

8 1 0
                                    

RED

"Goodmorning! Breakfast is ready.Come join me little sister"

Makikita sa mukha ng kapatid ko ang matinding pagod at puyat. Medyo nangingitim ang paligid ng mga mata nito pero mas kapansin-pansin ang matinding pagkairita. Dito nanaman kaya natulog si Cloud? Minsan nga pagsabihan ko ang lalaking iyon na huwag masyadong pagudin ang kapatid ko. Baka magkasawaan sila agad.

"Saan ka galing kagabi? Anong oras ka dumating? Sinong kasama mo? Magkamali ka lang ng sagot Red puputulin ko iyang buhok mo!",sunod na sunod na tanong nito, muntik ko pang maibuga ang kape ko. Kaya pala mukhang nanggaling sa giyera si Blue dahil sa akin. Sigurado akong hinintay niya nanaman akong maka-uwi kagabi. Haay naku, mahaba nanamang paliwanagan ito.

"Teka nga muna Blue. Ang aga aga niraratrat mo ako. Pwede bang magsuklay ka muna. Mukha kang si Lion King",biro ko pero hindi umepekto. Lalo pa atang umusok ang ilong ng kapatid ko.

"Sagutin mo na lang ako Red.Magkasama ba kayo ni Chase kahapon?",diretchong tanong nito at umupo sa tabi ko.Sinasabi ko na nga ba, mangyayari ito. Walang pinapalagpas si Blue pagdating sa mga lalaking nakakasalamuha ko.

"Oo",pag-amin ko. Hindi agad naka-react si Blue. Hindi niya siguro inaasahan na mabilis akong aamin. Kaya naman kinuha ko ang pagkakataong ito na lagyan ng blue berry pancake ang plato niya.

"Ano bang pumasok diyan sa utak mo para-". Bago pa ako makarinig ng kung ano ano, marahas kong tinusok ng tinidor ang pancake ni Blue na ako pa mismo ang nagluto para sa kanya. Gusto kong bigyan siya ng signal na itigil niya kung ano mang masamang ideya ang naglalaro sa utak niya. Ako parin ang mas matanda sa kanya kaya bawas bawasan niya ang pagsita sa akin. Alam ko ang ginagawa ko.

"Subukan mong mag-isip ng masama pipira-pirasuhin ko ticket niyo ni Cloud papuntang Bali",saad ko. Doon lang nabawasan ang kulubot sa noo nito at payapang sumubo ng pang-umagahan. Nagkaroon ng konting katahimikan pero pagdating kay Blue, hindi niya kayang manahimik ng matagal. Kaya naman bago siya magsalita ulit, inunahan ko na siya.

"Oo magkasama kami ni Chase kagabi dahil sinamahan ko siyang maghanap ng damit niya sa ball pero hindi kami magkasama magdamag. Hindi ako nakauwi dahil nagpalipas ako ng gabi sa bahay dahil pumunta akong orphanage at binisita si Mother Liza. Nasagot ko ba tanong mo....ate?",paliwanang ko at diniinan ko ang salitang ate. Mahahalata ang sarkasmo sa tinig ko. Kung umasta kasi si Blue parang siya ang mas nakakatandang kapatid.

"Gusto lang kitang intindihin Red. Nitong mga nakaraang linggo kasi napaka-unpredictable mo. Lagi kang wala, lulubog lilitaw ka, minsan ang sweet at ang cool mo pero pagkatapos may mga aksyon ka na hindi ko maintindihan. Okay ka lang ba ate?",puno ng pag-aalala na sagot nito. Sa pagkakataong ito, aaminin kong tama si Blue.

"Oo naman. Medyo iwas lang ako ng konti sa grupo mo dahil alam mo na, mainit ulo sa akin ni Dylan",rason ko.

Hindi ko lubos maisip ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi maintindihan ni Blue ang sitwasyon. Alang naman na lagi kong ipakita ang mukha ko kung lagi silang magkakasama nila Dylan? Alang naman na makisabay akong kumain sa kanila kung pakiramdam ko isusuka ni Dark ang kinain niya sa mukha ko dahil sa kulay palang ng buhok ko? Ano ako manhid?

Sinubukan kong naging manhid pero hindi maganda ang kinalabasan. Tanging pag-iwas lang ang nakikita kong solusyon. Iyon lang ang pwede kong gawin sa ngayon.

"So dahil galit sa iyo si Dark kaya si Chase na lang ang inalok mo sa ball? Ang ganda naman ng mga ideya mo ate"

Tignan mo nga naman. Bakit parang mali nanaman ako? Siya nga itong nagpumilit sa akin na maghanap ng partner, ngayong nakahanap ako bakit parang isang malaking kasalanan nanaman? Naiirita ako sa inaakto ni Blue, nagtitimpi lang ako ngayon dahil ayokong umalis sila mamayang madaling araw ni Cloud papuntang Indonesia na meron kaming hindi pagkakaintindihan. Pero ayoko din namang ganito mag-isip ang kapatid ko.

What the hell is wrong with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon