Chapter 5

9 0 0
                                    


"Ikaw! Anong ginagawa mo dito?"

Lahat ng tao dito sa cafeteria ay nakatingin sa nagaalburutong Olivia. Kasama niya sa kanyang likuran sina Mildred at Sofia na kanyang pinaka-loyal na dakilang alalay. Makikita sa mukha niya ang sobrang galit dahil nagkatagpo na sila sa wakas ni Red na hindi man lang ata naaapektuhan dahil tuloy tuloy lamang ito na kumakain. Saglit lamang niyang nilingon si Olivia at balik nanaman ito sa pagsubo na akala mo hindi siya kumain ng isang taon.

"Hindi mo ba ako kilala? Ako lang naman ang babaeng sinuntok mo sa Crescent Moon",bagsik muli ni Olivia. Hindi na ba siya natakot na baka maospital ulit siya sa ginagawa niyang pagpapahiya kay Red? Kadadating lang niya pero heto at naghahanap nanaman siya ng gulo.

"Zandro bakit kasama mo nanaman ang babaeng ito? Nakalimutan mo bang siya ang dahilan kung bakit nasa ospital ako ng tatlong linggo?",bugso niya kay Zandro na napataas ng kilay. Ganun din sina Blue at Cloud.

"Tumigil ka nga Olivia. Kasalanan mo rin naman. Kung hindi mo sinugod at pinukpok ng bote ang ulo ni Red hindi sana mangyayari sayo yun",pagtanggol niya kay Red. Tama nga naman.

"Red? Her name is Red? How pathetic. Wala man lang bang naisip na ibang pangalan ang mga magulang mo?",sagot ni Olivia. Tinitignan ko si Red na ngayo'y pinaglalaruan na lamang ang kanyang pagkain. Mukha man siyang kalmado ngayon, alam kong pinapahaba lamang nito ang kanyang pasensya dahil ayaw niyang gumawa ng gulo gaya ng ipinangako niya kay Blue noon. Pero malakas ang kutob kong mapupunta nanaman sa sakitan ito kung hindi tumigil si Olivia sa pagdamay sa magulang nito.

"Shut up Olivia. If you don't want to be comatose again for the rest of your desperate life, stay away from Red. You don't know my sister",the younger Forbes interjected with venomous eyes. She was also annoyed by Olivia's dramatic entrance.

"Sister? You're siblings?",sabi ni Olivia at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang magkapatid. Pagkatapos pumasok sa utak niya na tama ang narinig niya patungkol kay Red at Blue, napatingin siya sa mga kasama niya sa likod at sabay sabay na nagtawanan. Nakakairita ang mga boses nila.

"Huh! No wonder both of you have this poisonous atmosphere and toxic color names. I bet your mother was too exhausted in gaving birth to both of you to think for other names. That's a pity thing,isn't it?",she persisted and laugh diabolically together with her backup dancers. She deliberately insult not just the Forbes sister but also their mother. I can feel an upcoming World War III between the campus sweethearts. Olivia has no idea who is she bullying.

Dahil sa pambabatikos na ginawa ni Olivia at mga kasama nito. Padabog na binitawan ni Red ang kanyang kutsara na umalingangaw ang ingay. Huminga siya ng napakalalim at sinalubong niya si Olivia gamit ang mga mata nitong kalmado pero pamatay. Mga matang parang binubutas ang kaluluwa ni Olivia.

"You know what's pity honey? Your enormous hunger for attention",Red bounced back with extreme formidable vibes. Walang naibanat si Olivia kundi ibuka ang kanyang bunganga dahil sa insultong natamasa niya. Pati sina Mildred at Sofia ay hindi rin maipinta ang mukha. Napakalawak tuloy ng ngisi ni Blue.

"Look at you! Look at how you dress and how you talk. No wonder boys are objectifying you. That's a pretty distressing,isn't it?",pagpapatuloy ni Red habang pinapasadahan niya ang damit ni Olivia na may kasamang pagmamalaki. Binigyang diin niya rin ang salitang objectifying.

Kumurap-kurap ang mga pilikmata ni Olivia at parang sasabog na ang kanyang mukha sa sobrang galit. Imbes na ipagtanggol siya ng kanyang mga kasama, yumuko lamang ang mga ito na parang may hinahanap. Nakakatawa silang tignan dahil walang naiprosesong magandang banat ang mga utak nilang kinakalawang. Ang mas nakakatawa pa, kalmado lamang si Red sa kanyang kinauupuan samantalang parang magwawala na si Olivia.

What the hell is wrong with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon