Chapter 4

12 0 0
                                    


It's been a busy two weeks for me. Busy sa project kong bagong design para sa building ng College of Architecture pati na rin sa paghahanap ng mga bagong manlalaro ng Kingsley Basketball team. Idagdag mo pa ang pangungulit ng lolo ko na sumama sa kanya sa isang charity ball ngayong gabi para daw magkaroon na siya ng apo. Lintek na lolo ko, gusto niya akong maging batang ama sa edad na disinuwebe anyos.

Buti na lang, nagkaroon ng party dito sa bahay ng mga Forbes. May dahilan ako para maging busy ngayong gabi at huwag alalahanin ang nakakatindig balahibong pantasya sa buhay ng aking lolo. Isa itong welcome party para sa mga bagong recruit na basketball player at cheerleaders. Inogarnisa ito ng magnobya na sina Cloud at Blue dahil sila ang kasalukuyang team captain and team leader ng basketball team at cheering squad.

Naguumpisang mag-init ang gabi dahil marami sa mga tao dito ay nagkakasiyahan na dala ng tama ng alak at malakas na tunog na nanggagaling sa mga naglalakihang amplifiers. Ganito palagi ang nangyayari kapag dito sa Forbes nagaganap ang isang pribadong party para sa mga taga Kingsley. Akala mo nagpapa-disco si Blue.

"Blue nasaan si Red?",tanong ni Zandro. Nandito kaming apat sa loob ng bahay. Masyado na kasing maraming tao sa garden kung saan talaga nandoon ang party. Mamaya na ako makikisalamuha sa mga ka-teammate ko pagkatapos kong  makipagmabutihan sa babaeng nakaupo sa kandungan ko ngayon. Sigurado akong Niña ang pangalan niya, bagong recruit na cheerleader.

"May pinuntahan daw siya. Mamaya nandito na iyon",sagot ni Blue na alam kong natamaan na ng alak at kasalukuyang nagpapahimasmas sa balikat ni Cloud. Hindi mataas ang alcohol tolerance ni Blue kaya naman nandito kaming tatlo, malayo sa party para alalayan siya. It's actually our Bro code. Kailangan naming alalayan ang isa't isa sa tuwing may inuman, kasama na si Blue doon dahil girlfriend siya ni Cloud.

"Speaking of the devil",saad ni Cloud habang nakatingin sa bukana ng pinto ng sala. Nandoon at paikot-ikot ng ulo si Red dahil napapalibutan siya ng iba't ibang klaseng taong hindi niya kilala. Hindi balanse ang lakad nito at medyo natumba dahil nabangga siya ng isang teammate ko na si Macky. Inalalayan siya nitong tumayo at hindi man lang nagmagandang loob na magpasalamat dahil patuloy pa rin sa paglakad si Red na animo'y may hinahanap ito.

"Sister!",sigaw ni Blue. Napadako ang tingin ni Red sa amin. Agad siyang lumapit at nahalata ko kaagad ang pamumula ng kanyang pisngi at ang paniningkit ng kanyang mga mata.

"Blue who are this people?",she pursed her lips lightly. Her head pointed to Blue and Cloud, next is Zandro and me. Sa tingin ko nakainom si Red dahil himalang hindi masama ang tingin niya sa amin.

"They are my people. I have a freaking squad. Don't you know I'm like the Taylor Swift of Kingsley?",sagot ng isa. Lasing na nga si Blue dahil sa putol putol na pagkwekwento niya.

"Is that so? Good for you little sister. But do you know I am the Katy Perry of Kingsley?",Red contested unbelievably. Katy Perry daw siya ng Kingsley? Ano siya singer?

"How would you say that? Is it because you're a dark horse? Or you kissed a girl and you like it?",her younger sister teased, making our shoulders vibrate because of our silent laughters. Kung ako ang tatanungin,sa tingin ko isa siyang ET. Out of this planet ang katauhan niya.

Napadako ang palad ko sa hita ni Niña. Pinilit ko si Blue na ipasok sa squad si Niña dahil napakaganda ng mga legs nito. Iyong tipong mae-enganyo kang manood kapag sumayaw siya kasi hindi maalis ang tingin mo sa hita niyang napakakinis. Nagustuhan ni Niña ang pagpisil ko kaya naman hinalikan niya ako ng puno ng kagutuman.

I know baby! I know! Hindi na rin ako makapag-hintay na dalhin ka sa isa sa mga kwarto. Antayin ko lang makatulog si Blue para makatakas ako at magamit ang mga kwartong ipinagbabawal na buksan ayon sa kanya. Walang makakapigil sa akin kapag nasa good mood din ako.

What the hell is wrong with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon