Chapter 22

5 1 0
                                    


"Martin nasaan ang lolo ko? Alas siyete na ng gabi pero bakit hindi mo pa siya pinapauwi?",ratrat ko sa assistant slash driver slash taga-masahe slash taga-gawa ng kalokohan ng lolo ko. Kanina ko pa tinatawagan ang lolo ko pero hindi ko ito makontak. Tanging si Martin lang ang alam kong makakapagsabi sa akin kung nasaan ang matandang iyon. Nakakainis lang dahil halos isang oras akong pinaghintay bago sagutin ni Martin ang tawag ko.

"Wala dito sa opisina ang lolo mo. Hindi ba niya sinabi sa iyo na lumipad siya papuntang Japan?",komportableng sagot nito dahilan para umusok ang butas ng ilong ko. Nasa Japan ang lolo ko? Doon siya pumunta para pumirma lang ng dokyumento? Uulitin ko, Japan!?

"Ano?"

"Bukas ng gabi pa ang balik niya"

Pakiramdam ko ay bumaliktad ang tiyan ko. Bukas pa babalik ang lolo ko dito sa Pilipinas? Sinasadya talaga ng matandang iyon ang ipitin ako. Hindi ko naisip na gagawin niya ito.

"Plinano niyo ba ito ng lolo ko?",tanong ko kay Martin. Magkamali lang siya ng sagot babawiin ko talaga ang regalo ko sa kanya na Iphone 7 last week.

"Plinano ang alin?",balik na tanong nito.

Naisipan kong lumabas sa garden saglit. Medyo malamig ang panahon dahil maghapon na umulan. Lumingon muna ako sa paligid bago nagsalita.

"Na pagsamahin kami ni Red dito sa mansyon",ngitngit ko.

"May kasama kang babae diyan? Red ang pangalan niya?",tanong nanaman nito. Tignan mo nga naman, tama ako ng hinala, may kinalaman nanaman si Martin sa mga nangyayari. Paano niya nalamang babae si Red? Kung tutuusin hindi mo sigurado kung pangbabae o panglalaki ang pangalang Red kaya sigurado akong kasabwat nanaman ng lolo ko si Martin sa pangrereto sa akin.

"Martin huwag mo nga akong pinaglololoko. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko!",gigil ko. Kahit mas matanda sa akin si Martin ng dalawampung taon at para ko na siyang tatay sa tagal naming magkasama, hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong murahin ito. Kabisado ko kung may tinatago sa akin si Martin,bumibilis itong magsalita.

"Basta ang alam ko lang binubugaw ka ng lolo mo sa Red na iyan. Bakit ba parang ayaw mo? Hindi ba pasado sa standards mo? Panget ba? Maliit ba ang hinaharap?Walang puwet? Kung sabagay pangalan pa lang ayaw mo na talaga",sunod sunod na saad nito. Parang gusto kong sumigaw sa sobrang inis. Plinano talaga ito ng lolo ko. Una tinawag niya si Red at ako dito sa mansyon. Pangalawa, kunyari may emergency meeting ito o contract signing kuno. Pangatlo naman, pati mga kasambahay at security guard namin, pinagday-off niya lahat. Hindi rin naman halata na sinadya lahat ito ano?

"Pakisabi kay lolo, pagbalik niya kakalbuhin ko siya. He set me up!"

Ibababa ko na sana ang telepono ko pero may pahabol pang komento si Martin.

"Gusto mo samahan kita diyan? Libre naman ako. Ako na lang ang magpapabugaw. Gusto mo?"

"Magsama kayo ng lolo ko!",sigaw ko at agad na binabaan ito ng telepono.

Huminga ako ng malalim para mai-relax ang kanina ko pang kinakabahan na puso. Kahit ilan pang mura ang sabihin ko, wala na akong magagawa pa sa ginawang kagaguhan ng lolo ko. Pumasok akong muli para puntahan si Red. Nadatnan ko pa rin itong nakaidlip at nakasandal sa mesa.

Wala namang masama kung dito muna magpalipas ng gabi si Red. Wala namang masama kung dalawa lang kami dito sa mansyon. Ang problema ko lang naman talaga, bakit lahat ng kwarto sa mansyong ito ay nakasarado maliban sa akin. Kaya pala binigyan ng lolo ko si Red ng susi dahil may binabalak itong kabalbalan. Yun ay ang pagsamahan kaming dalawa sa iisang kuwarto.

Parang bata talaga mag-isip ang lolo ko.

Lumapit ako sa pwesto ni Red para gisingin ito,mukha kasi siyang nahihirapan sa pwesto niya. Bilang isang Kingsley, dapat lang naman na ibigay ang pangangailangan ng iyong bisita diba? Wala akong ibang ibig sabihin sa gagawin ko.

What the hell is wrong with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon