Chapter 9

9 0 0
                                    


Dalawang araw ng usap usapan sa Kingsley ang nangyaring pagtangkang pagdamput ng mga pulis kay Red. Maraming mga kuro-kuro ang mga kapwa namin na estudyante kung bakit bigla na lang iniurong ni Mr. Madrigal ang kaso ng ganun ganun na lang. Nag-public apology pa si Mr. Madrigal para humingi ng dispensa at linisin ang pangalan ni Red. Pero kasabay ng mga araw na iyon, dalawang araw din na hindi siya pumapasok.

Sabi ni Blue, hindi daw niya makausap ng maayos ang ate niya dahil nagkukulong ito sa loob ng kwarto niya. Kumbinsido kaming malaking epekto kay Red ang nangyaring paghaharap nila ni Mr. Madrigal. Pero bakit? Diba si Red pa itong parang sinamba ng tigasin at mayabang na si Mr. Madrigal? Bakit ang labas parang si Red pa ang napahiya, nalungkot at nagtatago?

Bilang mga bagong kaibigan, gumawa kami ng paraan nina Zandro at Cloud para aliwin si Red. Kaya naman inimbitahan namin siya na mag-dinner ngayong gabi at pagkatapos ay pupunta kami sa isa sa mga pinagkakaabalahan namin tuwing Sabado ng gabi. Ang pakikipag-karerahan. Ayon kay Blue, siguradong sasama si Red dahil isa ito sa mga hobby niya sa Japan. Pero laking dismaya na lang namin dahil nag-iisa lamang si Blue na papunta ngayon sa pinareserve na mesa para sa amin.

"Bad news,Red is not home so she can't be with us tonight. Tinawagan ko siya pero sabi niya may aasikasuhin daw siyang importanteng bagay",malungkot na bungad sa amin ni Blue. Tumayo si Cloud para yakapin ang girlfriend niya at pagkatapos ay pinag-hila niya ito ng upuan. Halatang nanghihinayang si Blue.

"Baka hindi pa ito ang tamang oras para makasama natin siya",sabi ni Zandro.

"Tama. Dahil kapag pilitin natin siya ngayong makipag-kita. Hindi natin alam kung nasa anong mood siya. Baka mas lalong lumala kung ano man ang nangyayari sa kanya",pagpapatuloy ko. Sayang, ang dami ko pa man ding inorder na pagkain. Alam ko kasing halimaw kung kumain si Red. Baka kasi madaan sa pagkain ang lungkot o depresyon na nararamdaman niya.

"Hindi ko na maintindihan ang ate ko. Pakiramdam ko minsan, hindi si Red ang kaharap ko. Ngayon lang nangyari na may mas importante pang bagay kaysa sa akin. Ni hindi ko alam na nakalabas siya ng mansyon. She's frustrating, I don't know her anymore!",Blue complained. What is going on with Red? Bakit bigla bigla na lang siyang hindi nagpapakita kay Blue matapos niyang sabihing hindi niya iiwan ang kapatid niya. May ugali siyang sumusulpot na lang kung saan pero minsan bigla na lang siyang nawawalang parang bula.

She's so damn complicated!

"Don't give up on your sister Blue. Baka naman para sa iyo rin kung ano man ang inaasikaso niya. Alam naman nating lahat na mahal na mahal ka ni Red kahit pa anong pagdaanan niyo",paalala ni Cloud kay Blue. Hindi na ipinakita pa ni Blue ang kalungkutan niya ng dumating ang sandamakmak na pagkain namin. Pipilitin naming ubusin ito lahat dahil may wasted food issue si Blue. Ayaw na ayaw niyang nagsasayang kami ng pagkain.

Habang pinaguusapan namin ang magaganap na karerahan mamaya, bigla na lang nabilaukan si Zandro at naibugso ang laman ng kanyang bunganga sa plato nito. Inabutan ko siya agad ng tubig dahil namumula na ito samantalang todo pagpag si Cloud sa likod niya. Nang makabawi si Zandro, bigla siyang natulala.

"Am I seeing what I'm seeing right now?",hirap na hirap na sabi ni Zandro sabay turo sa pintuan ng restaurant. Tinignan namin kung ano ang tinuturo niya at nang mamataan namin kung sino ang paparating, parang gusto ko na ring mawala na parang bula.

"Shit!",I burst out, unbelievably gawking at the new costumers who's leisurely arriving. I clenched my hands at my side as my heart is like being clasped uncomfortably.

"I'm hallucinating right?",Blue remarked cynically. Her face was twisted with absolute dismay.

"Why is this happening? Red and Chase? Are they dating?",Cloud confirmed what our eyes is witnessing right now. What my mind doesn't want to believe.

What the hell is wrong with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon