Chapter 25

5 1 0
                                    


Pinipilit ko ang mga mata kong manatiling nakabukas pero sadyang hindi ko kaya. Umiikot kasi ang aking paningin at pakiramdam ko konting galaw lang, maduduwal ako. Hindi ko rin maigalaw ang hita ko dahil may nakadagan. Madilim pa ang paligid kaya napagdesisyunan kong manatili muna sa ganitong pwesto, nakakaramdam din kasi ako ng sakit ng katawan at parang nanghihina ako.

Labinlimang minuto ang lumipas bago nabawasan ang pagkahilo ko. Nagkaroon na rin ako ng konting lakas dahil naibangon ko ang katawan ko gamit ang aking magkabilaang siko. Pero laking panlulumo na lang ang naramdaman ko nung maanigan kong may katabi akong mga babae.....dalawang babaeng hubo't hubad. Pagtingin ko sa sarili ko, wala rin pala akong saplot.

Fucking shit! Something is not right!

Napabalikwas ako. Wala akong pakialam kung magising man ang dalawang babaeng katabi ko.Basta ang unang pumasok sa ulo ko ay ang makaalis sa kwartong ito. Nahirapan akong hanapin ang mga damit ko. Hindi ko rin mahagilap ang pares ng sapatos ko. Mabuti na lang sama-sama na nakapatong sa puting mesa ang wallet, relo,cellphone at susi ng aking kotse.

Mabilis akong umalis. Wala akong pakialam kung hawak hawak ko pa ang sapatos ko at pinagtitinginan ako ng dalawang guard.Mas importante sa akin ang makaalis at iwasang makita at makausap ang dalawang babaeng nakatabi ko. Hindi ko matandaan ang mga pangalan nila pero alam ko kung anong klaseng impyerno ako pumasok.Alam ko kung ano ang ginawa at nagawa ko. Alam ko kung gaano ako kagago.

Pagdating ko sa lugar kung saan pinarada ang aking kotse.Doon ko lang naharap na ayusin ang pagkakatali ng mga sapatos ko.Mabilis kong binuksan ang kotse para uminom ng tubig, nakagawian ko na kasing laging maglagay ng tubig sa dashboard ko. Nagising lang ako sa ulirat nang akmang isusuot ko ang aking relo. Alas tres na pala ng madaling araw.

Pinipilit ko ang sarili kong umayos at mag-concentrate lang sa pagdra-drive pero kahit na anong gawin ko, nakokonsensya ako, nanlulumo ako. Napakabigat sa pakiramdam na maraming tumatakbo sa utak ko. Hindi ako nakatiis, kinabig ko ang kotse ko at tinahak ang kabilang daan. Hindi ko matiis na magsawalang bahala na lang, na umaktong okay lang ang lahat,na wala akong ginagawang masama. Dahil sa totoo lang, ito na ata ang pinakamabigat na kasalanan ko sa tanang ng aking buhay.

Ang talikuran ang ipinangako ko kay Red.

Wala pang isang oras ang biyahe ko papunta sa kanila. Pinatay ko ang makina ng kotse ko at lumabas. Nagpakawala ako ng isang malutong na mura sa aking sarili. Kitang kita ko kasi kung paano pinaghandaan ni Red ang sana ay date namin.

Wala ng ilaw sa loob ng bahay pero napapalibutan pa rin ng liwanag ang paligid ng bahay nila. Nakapwesto sa gitna ang isang katamtamang mesa. Paglapit ko dito, nakita ko ang halos hindi man lang nagalaw na mga pagkain. Alam kong nasa loob lang si Red dahil nandiyan pa ang kotse niya. Hindi lang niya siguro kinayang mag-ayos pa ng hapag-kainan matapos ang ginawa ko sa kanya.

Gaano katagal kaya niya ako hinintay?

Napaupo na lang ako. Hindi ko lubos maisip na ginawa ito para sa akin ni Red. Hindi ko rin lubos maisip kung bakit nagawa kong hindi siputin si Red. Napakalaki kong tanga. Bakit mas ginusto kong magpakalasing. Bakit ginusto kong sumama sa dalawang babae kaysa ang makasama si Red.

Inaamin ko, sinadya ko ang hindi pagsiput sa usapan namin. Sinadya kong hindi dumating. Pero paano ako magpapaliwanag  kay Red na hindi siya masasaktan. Paano ako haharap sa kanya gayung alam kong makita palang siya, nanghihinayang na ako. Ano bang pumasok sa utak ko para paasahin si Red. Bakit bigla na lang akong naduwag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What the hell is wrong with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon