Chapter 3

9 0 0
                                    


Hinihintay naming magbabarkada ang pagdating ng kotse ni Blue dito sa parking lot ng Kingsley. Nakaugalian na kasing hintayin ni Cloud and girlfriend niya bago ito pumasok sa klase. Nakaugalian na rin naming maging chaperone ni Zandro sa dalawa. Iyon kasi ang bagong papel namin sa buhay ni Cloud. Nakaugalian na rin ng mga babae sa Kingsley ang tumambay dito sa parking lot kapag nandito kami.

"Gusto ko pang matulog. Inaantok pa ako",sabi ni Zandro pagkatapos ng kanyang mapanirang hikab. Humiga pa siya sa hood ng kotse niya. Himala at wala siyang ibang pinapansing tao maliban sa amin ni Cloud. Sa mga ganitong pagkakataon kasi, dalawang babae agad ang nakapulupot sa kanya.

"Bakit parang nagrereklamo ka diyan? Sino bang may kasalanan? Diba ikaw?",sumbat ko. Hindi ko naman masisisi si Zandro, alas dos na ng madaling araw kaming nakauwi. Hindi kami agad naka-alis sa munting tahanan ng mga Forbes kagabi dahil sa madilim na plano ni Zandro na kaibiganin si Red. Pagkatapos naming mag-dinner, nag-suggest si Zandro na maglaro ng pambatang Pinoy Henyo. Nagkataong nakagiliwan ito ni Red kaya naman halos ayaw na kaming paalisin ng naturang babae sa bahay nila. Kung hindi pa pina-alala sa kanya ni Blue na nasa Pilipinas siya, hindi pa ata titigil si Red sa pakikipag-laro at pakikipag-kwentuhan.

"Hindi ako nagrereklamo. Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko",agad na pagtanggol sa sarili ni Zandro.

"So bakit ka nandito? Pwede ka namang mag-absent kung inaantok ka pa diyan",giit din ni Cloud.

"Gusto ko kasing makita si Blue",nakakalokong sagot ni Zandro. Uumbagin sana siya ni Cloud pero agad niyang pinigilan ito sabay sabing "I mean si Red"

Kagabi, hindi ko inaasahang magiging maganda ang kalalabasan ng pakikisalamuha namin kay Red. Masasabi kong hindi naman ganon kasuplada at katuso si Red. She's actually kind,jolly and goofy around us just like her younger sister. She's very nice and sweet to the piont I possitively convince myself that I might actually like her. I think Red is much more nicer than Blue. I witnessed that last night.

Sa mga sandaling nakikipagbiruan, nakikipagkwentuhan at nakikipag-laro sa amin si Red, nakita ko kung gaano siya kasimple at kahanga-hanga. Nakalimutan kong isa siyang gangster, na hindi ordinaryo ang pamumuhay niya, na pula ang buhok niya. Nawala lahat ng alinlangan at takot namin sa kanya dahil parang kadugo ang turing niya sa amin. Sabi pa niya, kami daw ang mga kapatid niya sa ibang nanay.

I don't know why but Red seems to whipped me. She's a stranger to me but I have a feeling that we've been friends before. I am now more comfortable when she's around. Maybe because of her bad jokes? Or her adventurous weird ideas? I can't elaborate exactly but those little flaws about her was suprisingly managed to erase my inhibitions and fear about her motives and secret agenda.

For me, Red is not a bad person. She is just a normal 20 year old girl who happened to be a gang leader in the near future. She is a victim of this worlds cruelty. She is a mother,father and sister to Blue. She is an ordinary woman with extraordinary abilities and skills. Red is not what I think she is. That red-headed woman is unexpectedly adorable and lovable. Just like what the younger Forbes said, expect the unexpected, that Red is a bit weird.

Makalipas ang lima pang minutong paghihintay, natanaw namin ang white Range Rover ni Blue. Pinarada niya ito sa harap namin. Ang mga babae sa paligid namin ay nagsipag-layuan, alam kasi nilang hindi na namin sila papansinin dahil nandiyan na ang tunay na prinsesa.

But the question is, what am I doing here? Nandiyan na si Blue at sampung minuto na lang ay maguumpisa na ang klase. So ano pa ang tinatayo-tayo ko dito. It is simple, I want to see the older Forbes. We're sort of friends, you know.

What the hell is wrong with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon