Chapter 18

3 1 0
                                    


Crowd is cheering tremendously. Trying to boost our rivals cracking self-esteem to never loose hope. To awake their sleeping defense and offense. To catch up with the big difference of their score compared to us. But that is a complete waste of time. Not in my watch.

"Iba ang pitik ng mga daliri natin ngayon Dark ah! Kakatapos lang ang first half pero naka thirty pionts ka na. Anong meron?",tanong ni Zandro. Sampong minuto muna ang gugugilin bago ang second half.

"Nasa good mood lang ako ngayon. Kaya ipasa mo lang sa akin ang bola"

"Hindi porket good mood ka kamo pwede mo nang angkinin ang bola Dark. Kailan ka pa naging buwakaw?",singit ni Cloud at inabutan ako ng gatorade. Buwakaw na ako agad? Hindi ba pwedeng magaling lang talaga ako?

"Wala ng maraming reklamo basta pasa lang ng pasa sa akin ang bola",ngiti ko at napatingin sa partikular na pwesto. Naaninag ko na sinundan din ni Zandro ang tingin ko kaya agad akong bumawi. Pero huli na ang lahat, nakita niya kung sino ang tinitignan ko.

"Eh kaya naman pala walang kapalya-palya ang isang ito. Gustong madagdagan ang pogi-pionts niya kay Red",sutil ni Zandro sabay turo sa babaeng pula ang buhok na nilingon din ni Cloud.

"Ahhh! Nagpapapansin",komento ni Cloud sabay apir kay Zandro.

"Mga siraulo!"

Napatingin akong muli sa pwesto ni Red na kasalukuyang pinapanood ang kapatid nitong nagpeperform sa floor. Sa pagkakaalam ko, ito ang unang pagkakataon na nanood siya ng game namin.

Naramdaman siguro ni Red ang mga titig ko kaya bigla siyang napalingon sa akin. Hinihintay ko na siya itong unang bumawi pero hindi nangyari. Sa halip ay kinawayan niya ako at ngumiti.

So she's not mad at me huh!

-

Hindi na kataka-taka kung bakit kami nanalo laban sa Arkingston School of Medicine.Anong silbi ng pagiging champion namin for three consecutive years kung matatalo lang kami ng isang baguhang team. Pero ang mas nakakapagtaka ay ang makita si Red na nakahiga at nagbabasa ng magazine sa hood ng kotse ni Blue. Akala niya siguro kama niya ang hood ng kotse at ginawa niyang unan ang windshield. Hindi na nahiya! Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao eh dayo lang naman kami dito. Baka isipin nila may takas sa mental na estudyante ang Kingsley. Naka-uniform pa man din ito.

"Red! Umalis ka nga sa ibabaw ng kotse ko!",reklamo ni Blue. Imbis na umalis agad si Red dahil sa sindak sa kanya ng nakakabatang kapatid, nakuha pa nitong mapangiti.

"Congrats little sister. You didn't stumble today.Is that the power of a jellyfish stung?",pangsusutil nito. Na-dikya kasi si Blue nung nandoon pala sila sa Bali kaya hindi maayos ang performance nito sa kanilang practice. Mabuti at hindi naman nakakamatay ang dikya na dumikit sa paa nito pero nakukuha pa rin ni Red gawing biro ang lahat.

"Don't try to be funny Red. You don't have a sense of humor",sabi ng nakakabatang Forbes sabay hila sa damit ni Red na pilit inahatak pababa sa kotse.

"Who said I'm trying to be funny?",sagot nito at kusang bumaba.

"Red buti nakanood ka",tanong ni Zandro.

"I need to be here because Blue actually begged me",she stated cooly.

"Liar! You are here because basketball game is your amusement park",Blue smirked suspiciously. Basketball game is her amusement park? What is that suppose to mean?

"Sister stop being funny. You don't have a sense of humor either",Red mimicked and gaze at my direction smirkily. My feet leap a bit when her eyes gawk on my lips. Ano kayang iniisip ng babaeng ito.

What the hell is wrong with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon