Chapter 13

4 1 0
                                    


"Wala ka pa ring kupas Dark!",sigaw ni Zandro sabay gulo ng buhok ko, nasa likod nito ang heaven couple. Hindi siya nakontento, isang malagkit na halik ang ipinansalubong niya sa akin. Hindi man lang niya ako hinintay makababa ng sasakyan bago niya naisipang pagsamantalahan ako sa harap ng maraming tao.

"Nakakadiri ka naman Zandro. Yuck!", sagot ko at bumaba ng sasakyan. Napapalibutan kami ng maraming tao dahil kakatapos lang ang pinakahihintay na paghaharap muli namin ni Nigel sa larangan ng drag racing.

"Bro, wala na talaga akong masasabi sa iyo. Wala ka pang practice niyan huh",salubong ni Cloud at pinakita sa akin ang hawak hawak nitong ipad. Makikita sa nasabing gadget ang isang video na pinapakita kung ano ang ginawa kong technic para maungusan sa isang blind curve ang kalaban ko.

"Magaling lang talaga ako",sagot ko sabay yakap kay Cloud.

"So? Saan na tayo nito? Share mo naman ang napanalunan mo Dark! Gutom na ako, hindi man lang ako pinakain ni Cloud!",singit ni Blue sa tabi namin. Napakaganda talagang tignan ni Blue sa maong shorts at black sando na tinernohan ng black knee boots. She looks like a bad girl today.

"Sure Blue! Your place or mine?", sabi ko dahilan para pingutin ni Cloud ang tenga ko.

"Biro lang pare,nasobrahan ata ako sa kasiyahan",dahilan ko sabay tapik sa braso ni Cloud na nagsasabing suko na ako.

"Don't do that again Dark, baka gasgasin ko itong pinakamamahal mong si Anastasia",pananakot muli ng kaibigan ko. Inaamin ko pero bigla akong nakaramdam ng takot, iba talaga si Cloud kapag napikon mo siya.

"Huwag naman pare, mas mahal ko pa iyan kaysa sa lolo ko eh!", pagmamakaawa ko. Sa hindi inaasahan,bigla na lang tumawa si Cloud, Zandro at Blue. Heck! Sinabi ko ba talagang mas mahal ko si Anastasia kaysa sa matandang iyon? Kapag nalaman niya ito, baka itakwil na talaga niya ako.

Nawala ang tawanan namin ng mamataan ko ang papalapit na grupo ng aking nakalaban. Siguro naman tanggap na niya na mas magaling talaga ako sa kanya.

"Alvarez",saad ko habang nakikipag-titigan sa kanya. Makikita sa mga mata nito ang matinding panghihinayang.

"Minsan ko lang sasabihin ito Kingsley kaya makinig ka!"

"Napatunayan mo sa akin ngayong gabi na hindi lang suwerte ang dahilan ng pagkakapanalo mo nung una tayong nagkaharap"

"Magaling at talentado ka talaga",medyo pabulong na sabi nito. Halata naman na napipilitan lang ito pero hindi ikaiilang parang lumipad ako sa kalangitan.

"Nakakataba naman ng puso na galing ito mismo sa iyo Alvarez"

Si Nigel Alvarez ang tinaguriang hari ng drag racing noon. Siya ang laging nangunguna at pinakasikat dito sa Race Wars. Maraming nagulat na ang isang baguhan na katulad ko ay lakas loob na hinamon siya, pero mas maraming nagulat nang ako ang unang taong nakatalo sa kanya anim na buwan ng nakakalipas.

Pero heto at naipamukha ko nanaman sa kanya na tapos na ang maliligayang araw niya. Ako na ang tinaguriang hari ng drag racing. Pinatunayan ko nanaman ito ngayong gabi.

"Sa susunod na paghaharap natin sisiguraduhin kong babawiin ko ang mga sinabi ko ngayong gabi", tugon nito.

"Sa susunod na paghaharap natin papatunayan ko sa iyong hindi ka nagkamali sa pagpuri sa akin ngayong gabi",sagot ko.

What the hell is wrong with me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon