Chapter 4

739 31 0
                                    

Fallen

Pag-iwas. Iyan lang naman ang madalas na akala natin ay pwedeng maging solusyon para mawala ang nararamdaman natin sa isang tao. Iiwas ka para masanay ang sarili mo na hindi mo siya nakikita para kapag nakita mo na ulit siya at masabi mo sa sarili mo na wala ka nang nararamdaman para sa kanya ay makakausap mo na siya tulad ng dati. Iyon tipong parang hindi mo siya nagustuhan.

Iyan ang buong pag-aakala ng iba. Kapag iniwasan mo na siya maaring mawala na ang feelings mo para sa kanya? Kalokohan! Once na nahulog ka, wala ka nang magagawa kundi tanggapin na lamang iyon. Isa lang naman ang paraan para mawala ang nararamdaman mo para sa isang tao, iyon ay kapag nahanap mo na ang taong mas mamahalin mo higit pa sa una.

"Belle."

Napalingon ako at napahinto sa paghinga nang makita kung gaano kalapit ang mukha ni Xiv sa akin. Akala ko ay umuwi na rin siya.

"Ano na naman ba, Katorse?!" inis na sabi ko sa kanya at ibinalik nalang ang atensyon ko sa pagsusulat ng kung anu-ano. Wala na akong pake kung mabasa niya. Hindi naman niya malalaman na siya ang tinutukoy ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya sa akin.

Napabuntong hininga ako at isinara ang notebook ko na puno na ng mga drawing at mga sulat-sulat na hindi ko alam kung saan ko nahuhugot. Hinarap ko siya.

"Bakit naman kita iiwasan?" tanong ko sa kanya at kinuha nalang ang phone ko. Kailangan kong masabihan si Alexa na hindi muna ulit ako sasabay sa kanya pag-uwi dahil nag-aya si Andrew na kumain kami sa baba.

"Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko sayo. Oo o hindi lang. Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya ulit. Ibinaba ko ang phone ko at tumingin sa kanya nang diretso.

"Kailangan ba nating magpansinan? In the first place hindi naman tayo magkaibigan. Tamang magkaklase lang tayo kahit noon at nagkakaasaran diba? May konpetisyon sa pagitan nating dalawa pero hindi ba at matanda na tayo para magpagalingan pa? Tanggap ko nang mas magaling ka sa akin kaya naman bakit kailangan pa nating magpansinan?"

Inayos ko na ang mga gamit ko para makauwi na. Kaming dalawa nalang dito sa room dahil kanina pa nadismiss ang klase. Nagpaiwan lang ako dito dahil gusto ko muna makapag-isip ng maayos. Hindi kasi ako makapag-isip ng maayos sa bahay dahil lagi lang naman akong inaasar at kinukulit ng kapatid ko. Kaya nasira ang pag-iisip ko dahil sa lalaking ito.

"Tanggap mo ng talo ka?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin at walang pag-aalinlangan ko namang sinagot.

"Oo."

Totoo naman. Matagal na akong talo sa kanya. Hindi ko lang maamin sa sarili ko dahil umaasa ako na mawawala rin ang nararamdaman ko para sa kanya pero lalo lamang palang tumindi iyon ng bigla na lamang siyang mawala.

Tinitigan niya ako ng matagal. Iyong tipo ng titig na nakakalusaw kaya naman napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya dahil baka bigla nalang akong maatake sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Gameover na? So let's start a new game then. A chasing game," nakangising sabi niya.

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo na. Aalis na sana ako pero agad niyang hinawakan ang braso ko kaya naman tamad ko siyang hinarap.

"I told you, Xiv. Hindi na tayo bata. Ayoko na makipaglaro sa'yo. Gusto ko nalang mag-focus sa pangarap ko at iyon ay ang makagraduate bilang suma cumlaude at maging isang magaling na attorney."

Ngumisi lang siya sa akin pero nagulat nalang ako nang hatakin niya ako payakap sa kanya at hinalikan ng mariin sa labi. I can't move. Nanigas na lamang ako sa aking kinatatayuan. Naramdaman ko pa ang pag-ngiti nito at mas hinapit pa ako palapit sa kanya at mas naging mapangahas ang halik niya. Kung hindi ko pa narinig ang pagtunog ng phone ko ay hindi ako matatauhan kaya naman tinulak ko siya ng malakas dahilan para mapaupo siya sa sahig.

Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon