Nakatingin lamang ako sa mga mata niyang nangangako. Isang pangako na hindi ko alam kung kaya niya bang tuparin. Gusto kong maniwala sa kanya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero hindi ko magawa. Nalipat ang tingin ko sa may side table niya.
Doon nakita ko ang picture ng isang batang lalaki na nasa isa o dalawang taon na sa tingin ko ay si Cali. May isa siyang solo. May isa naman na kasama niya si Xiv habang nakakarga ito sa mga balikat niya at meron ding silang tatlo kasama si Emily.
Sinundan ni Xiv ang titig ko at nang makita niya na sa picture nila ni Emily ako nakatitig ay itinaob niya iyon.
"Belle," tawag niya.
"Tama na, Xiv. Gusto ko na munang umuwi at nang makapagpahinga na."
Tumayo na ako at nang akmang bubuksan ko na ang pintuan ay naramdaman ko ang pagpalupot ng braso ni Xiv sa bewang ko mula sa likod. Napapikit na lamang ako nang naramdaman ko ang init ng katawan niya.
"Don't go," pakiusap niya. Hinawakan ko ang kamay niya para alisin iyon pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang yakap sa akin at ibinaon ang mukha sa leeg ko.
"All this years, I've been inlove with you. I never stop. I tried pero hindi ko talaga mapigilan. And right now, Belle, I'm tired. Pagod na akong ipagtulakan ka. Pagod na akong panuorin ka lang sa malayo at pagod na akong mahalin ka nang palihim. So please, huwag ka naman nang matakot. Hindi na kita iiwan. Hindi ko na kakayanin. Please, Belle," pagsusumamo niya.
Pumatak na ang mga luha ko sa mga kamay niya kaya naman iniharap niya ako sa kanya at pinunasan ang mga iyon pero balewala lang dahil ayaw naman tumigil sa pagtulo ang mga luha ko.
"I realized that I loved you back then when you're still my archenemy. It was you who made it possible to hate someone, to look at them and wish you weren't aware of their every move, and to want them more than you've ever wanted anything in your life. And you know what? I still love you even when you just left without a single word. And when you came back, I still love you.
"I loved you when I was 10 and I still love you seven years after. Even yesterday, I still love you!"
"How about today? Do you love me today?"
Yes! Pero hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. Nakatingin lamang ako sakanya. Nang hindi ako sumagot, nakita ko na lamang ang paglandas ng luha niya sa pisngi at yumuko upang hindi ko na iyon makita.
Tumalikod siya sa akin at marahas na pinunasan ang mga luha niya bago siya muling humarap sa akin.
"No matter what happens, hinding-hindi kita susukuan," mariin na sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Napaawang naman ang labi ko dahil sa gulat at ginamit niya ang pagkakataon na iyon lumapit siya sa akin at halikan ako ng mariin.
Humaplos ang palad niya sa likod ko at lalong pinaglalim ang halik niya. Pinalupot ko na lamang ang mga braso ko sa leeg niya upang hindi tuluyang mapaupo dahil nakakapanlambot ng tuhod ang halik niya.
Gusto kong mahiya nang marinig ko ang sarili kong ungol o ungol niya? Hindi ko na alam basta ang alam ko, naramdaman ko na lamang na humaplos na pababa mula sa likod ko papunta sa mga hita ko ang palad niya.
"Xiv," tawag ko sa pangalan niya nang bumaba ang halik niya sa leeg ko pababa pa sa ibabaw ng dibdib ko. Hindi ko na alam kung bakit ko siya tinawag.
"Xiv!" halos pasigaw na tawag ko ng maramdaman ko na lamang ang kamay niya sa akin.
Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko nang bumalik ang mga labi niya sa leeg ko pabalik sa labi ko. Kinagat niya ang pang-ibabang labi ko na naging dahil upang mapaungol ako. He slid his tongue into my mouth at mas hinapit pa ako palapit dahilan para maramdaman ko ang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Loving My Enemy
RomanceMae Isabella Alcaire had always been the best of the bests in Adam State University. She's always confident that she will be the first from all the things that she will do. But then her mortal enemy came back. Xairill Ivan Valdez or Xiv according to...