Chapter 9

543 27 0
                                    

Frightened

Napadilat ako nang maramdaman kong may umupo sa kama.

"You're awake?" tanong ni Xiv at muling tumayo para makalapit sa akin.

Hindi ko namalayan na makatulog na pala ako. Siguro dahil na rin sa sobrang pagod. Nakangiti sa akin si Xiv ngayon pero kita sa mga mata niya ang pag-aalinlangan.

Bumangon ako kaya naman umupo siya at tumabi sa akin. Walang nagsasalita sa amin at para bang hinihintay niya na ako ang unang magsalita sa aming dalawa kaya naman binasag ko na ang katahimikan.

"Kailangan ko nang umuwi," sabi ko. Hindi ko na rin kayang magtagal pa sa tabi niya lalo na at bumabalik sa isip ko ang mga pinag-usapan namin kanina.

Kinasal siya. At kahit pa sabihin na wala na sila ni Emily, ito pa rin ang una niyang asawa. Hiwalay man sila sa batas ng tao pero sa mata ng Diyos, mag-asawa pa rin sila. Isa pa, may anak sila. Kawawa ang bata kapag tuluyan nang nasira ang pagsasama nila.

"Belle."

"Please, Xiv. Gusto ko nang umuwi," sabi ko at tumayo na sa kama pero agad niyang hinawakan ang braso ko upang pigilan ako sa pag-alis. Ipiniksi ko ang kamay ko pero sa halip ay tumayo siya at niyakap ako mula sa likod.

"Why does it have to be this way? Wala na kami ni Emily, Belle."

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa bewang ko at pilit inalis iyon pero lalo lamang humigpit ang yakap niya sa akin.

"Pero may anak kayo, Xiv. Hindi na tayo pwede. Cali needs a family."

"We can be his family."

Napapikit ako ng mariin at hinayaan nalang siyang yakapin ako. Pakiramdam ko nanghihina ako.

"No. His family is you and Emily."

Pilit niya akong hinarap sa kanya at pinagdikit ang noo naming dalawa. Napapikit na lamang ako nang maramdaman kung gaano siya kalapit sa akin. Being this close to him feels so good yet it hurts so much.

"Ikaw ang mahal ko, Belle. Noon pa man, ikaw lang ang babaeng minahal ko."

Umiling-iling ako. Ayokong maniwala sa mga sinasabi niya. Pilit ko siya tinutulak pero ayaw niya akong pakawalan.

"Let me go, Xiv. Sana naisip mo yang pagmamahal na sinasabi mo habang ginagawa niyo ni Emily iyon. Sana naisip mo yan noong pinakasalan mo siya."

"Kailanman hindi ka nawala sa isip ko. Kahit sinong babae ang kasama ko, ikaw ang nakikita ko. When I was with Emily that night, mukha mo ang nakikita ko pero bigla akong nagising sa katotohanan so I left her. Oo gago ako dahil iniwan ko siya pagkatapos ng nangyari sa amin pero mas nakakagago ang tadhana dahil nagbunga ang pagkakamali namin.

"I was so scared when she told me she's pregnant. So I ran away. I came back here in the Philippines. I just want to see you. Its you all I needed back then. And then I saw you with Andrew. You're so happy. I followed you for weeks. Para akong tanga na hinihintay ka na lumabas sa bahay mo tapos nakasunod sayo papasok sa school. Hihintayin ka na matapos ang klase mo pero magtatago kapag nakita na palabas ka na. Isang buwan. Isang buwan na ganon ang ginagawa ko hanggang sa makatanggap ako ng tawag kay Daddy."

Hinawakan niyanang kamay ko at tinignan ako sa mata. Kita ko ang pamamasa ng mga iyon.

"I learned from him na sa loob ng isang buwan ay pabalik-balik si Emily sa bahay. Pinalayas siya ng mga magulang niya dahil sa nangyari sa kanya. He asked me to come back. He asked me to marry her. I could've said no but when I looked at you again, smiling widely while you look at Andrew, I realize, I never saw you smile at me like that. It was so genuine. From there, I realize, we're really not meant for each other so I came back and marry her.

"At ng lumabas si Cali? My heart beats for him. When I first hold him? Pakiramdam ko natunaw ang puso ko. Akala ko dahil dumating na si Cali magiging maayos na ang lahat. May rason na para magwork ang marriage namin. Pero mali ako. Having a child won't keep a marriage intact.

"So now here I am. Kung hindi tayo para sa isa't isa, wala na akong pakialam. If I have to fight destiny just to be with you then fuck destiny! I will fight for you because I love you!"

Muli niya akong hinaplos sa mukha upang punasan ang mga luha ko at hinalikan ako sa noo.

"Natatakot ako, Xiv," pag-amin ko sa kanya.

"Minsan ka nang nawala na parang bula noon. Natatakot ako na mawala ka nanaman sa akin dahil narealize mo na natutunan mo nang mahalin si Emily."

Kumunot ang noo niya.

"Ikaw ang mahal ko, Belle."

"Noon. Pero paano kung si Emily na pala? Nagpakasal kayo, Xiv. Siya ang ina ng anak mo. Paano kung naguguluhan ka lang? Paano kung nalito ka lang nung makita mo ulit ako pero si Emily na pala?"

Tinignan ko ang mga mata niya. Nakatingin lang din siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. Pero iyon ang totoo. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Takot. Takot na muli nanaman siyang mawala.

"Saan ba nagmumula ang mga tanong na iyan?"

"But there's a big possibility!"

Nagulat ako nang hapitin niya ako at mariin na hinalikan sa labi.

"When I saw you on that stage in our debate, I said to myself that you'll be mine. I know we were so young back then pero wala namang pinipiling edad ang love diba? And then on our graduation day, I kept asking you kung saan ka magha-highschool because I wanted to be with you. I just can't help myself kaya naman nahuli pa ako ni Daddy na nagnanakaw ng halik sayo.

"While I was in States, I kept thinking, where are you? What are you doing? Do you miss me like I miss you? When I married Emily, I still can't get you off my mind. Are you with Andrew? Are you happy? Do you miss me? Because Gad knows how much I miss you. And then I'll tell myself, 'Xai, stop it. She's happy now. You need to move on and be happy with your family.'

"Sad thing is, I can't be happy if its not you. Whenever I see Cali, I always wish that it was you who gave birth to him. I wish you were his mother but then it will be unfair to Emily. I've always been unfair to her so I did my best to fall inlove with her. But, Belle, you can't dictate your heart to love someone when in the first place you are madly inlove with someone else.

"I love Emily but only as a friend and as a mother of Cali but I love you because you are you. Now tell me, if it was really Emily, why am I not anguish of our divorce yet I'm suffering for leaving you before? Why am I not regreting the moment I walk away from her yet I'm regretting each step I took when I walk away from you?"

Hinawakan niya ang kamay ko at idinala iyon sa dibdib niya, sa tapat ng puso niya kaya naman ramdam na ramdam ko kung gaano kabilis sng tibok niyon.

"Why does my heart beats so fast when you're around?"

"Xiv."

"I love you," wika niya na nakapagpalunok sa akin. Ilang beses akong lumunok dahil pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko.

"I...I..."

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Naikuyom ko ang kamay ko na nakapatong pa rin sa dibdib niya.

"Hanggang kailan ka ba matatakot?"

Muli akong napatingin sa kanya.

"Ano bang dapat kong gawin para maniwala ka sa akin?"

Ibinaling ko ang ulo upang mag-iwas ng tingin pero hinawakan niya ako sa baba at muling hinarap sa kanya.

"Look at me, Belle."

Wala akong magawa kaya naman tinignan ko ang mga mata niya.

"You are my life, my home, my safe haven. And I chose to stay with you. To be with you. I will never leave you again. Hindi na kita iiwan dahil hindi ko na kakayanin."

--
Hope you like this chapter :)
Leave your comments and don't forget to vote for this chapter.
If you have any questions or query, feel free to leave a message :)
Also, don't forget to like my page https://www.facebook.com/Lovevender-WP-765950920097347/?ref=hl

Follow me on twitter @lovevender10

Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon