Chapter 7

562 27 2
                                    

Suicide

"Xiv"

Pilit akong kumawala sa hawak niya pero lalo lamang niyang hinigpitan iyon dahilan para mapangiwi ako.

Huminto siya sa tapat ng isang kotse at binuksan ang pintuan sa may passanger seat. Pinapapasok niya ako pero nanatili lamang akong nakatayo doon. Kaya naman pinagpilitan niya akong pumasok doon at siya pa ang nagkagay ng seatbelt ko.

"Xiv," tawag ko ulit sa kanya nang makasakay na siya sa driver's seat. Hindi naman niya pinaandar ang kotse so baka gusto niya na dito nalang kami mag-usap.

"Why are you avoiding me?" basag niya sa katahimikan pakatapos ng ilang minuto.

"Tinatanong mo talaga sa akin iyan?" Inis na sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako ng masama.

"What do you think, Xiv? Sabi mo gusto mo ako pero noon iyon dahil nakalimutan mo na ang nararamdaman mo sa akin. Then why did you kiss me?! Alam mo kung ano ang sa tingin ko ang ginagawa mo? Ha, Xiv?! Pakiramdam ko pinaglalaruan mo ang nararamdaman ko!"

Marahas kong pinunasan ang luhang pumatak sa mata ko.

"Ano ba ang nararamdaman mo?" tanong niya sa akin pero umiling lang ako sa kanya.

"Hindi na mahalaga iyon. Pero kung pinaglalaruan mo lang ako, please, Xiv. Huwag ako dahil wala akong panahon makipaglaro sa'yo."

"Palagay mo ba pinaglalaruan lang kita, ha? That's the least thing I would do to you!"

"Pero iyon ang ginagawa mo ngayon!" sigaw ko sa kanya. Inalis ko ang seatbelt ko at akmang bubuksan ang kotse pero naka-lock iyon. "Let me go, Xiv."

Pero imbes na buksan ang kotse ay sinimulan niyang paandarin iyon at nagmaneho papunta sa kung saan mang destination.

"I can't. And I'm not playing with you, Belle. Kailanman hindi kita pinaglaruan."

Napabuntong hininga nalang ako. Nakakapagod. Nakakapagod makipag-usap sa isang taong hindi ko na makilala. Sa isang taong ayaw naman buksan ang sarili para sa'yo.

"I told you na gusto kita noon at nakalimutan ko na ang nararamdaman ko sa'yo. That's true. Pero akala ko lang pala. Akala ko nakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa'yo iyon pala nakalimutan ko lang kung ano ang pakiramdam ng gusto ka lang."

Napakunot noo ako. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Hindi ko siya maintindihan.

"When I saw your grumpy face again after so many years, I realized how much I missed you. Doon pumasok sa isip ko lahat ng 'what if' pati na rin mga pagsisisi. I just can't control myself when it comes to you. Parang ngayon. I'm starting to lose my grip again."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Nanatili lamang ang tingin niya sa daan hanggang sa huminto ang kotse niya sa harap ng bahay namin.

"Ang labo mo, Xiv. Simula noon hindi kita maintindihan. Lahat ng ipinapakita mo, kasalungat sa mga sinabi mo. Kapag tinatanong kita, idadaan mo nalang sa pang-aasar sa akin para makaiwas. Kailan mo ba sasagutin ang mga tanong ko?"

Pero wala akong nakuhang sagot sa kanya hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay namin ng hindi ko namamalayan kung hindi pa siya bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Get inside. Para naman makapagpalit ka na. I don't want to see you on that dress again. Para kang naghahanap ng lalaki."

Naikuyom ko ang kamao ko at sa sobrang inis ko sa kanya ay nasampal ko na lamang siya. Tinignan lamang niya ulit ako sa mga mata.

"Good night, Belle," pormal na sabi niya na parang hindi ko siya sinampal. Na para bang hindi namumula ang pisngi niya at para bang iyon na ang dapat gawin pagkatapos ko siyang saktan.

"I hate you, Xiv, so much," tiim bagang kong sabi. Ngumisi lang siya sa akin.

"That's right, Belle. Like I told you earlier, I can't let you go kaya ikaw nalang ang gumawa noon sa atin. Hate me. Hate me all you want because its the rightest thing for you to feel for me."

Mabilis niyang pinaharurot ang kotse niya habang naiwan lang ako doon na punong puno ng katanungan ang isipan.

Halos lumabas ang puso ko sa sobrang gulat nang makita ko si Xiv sa labas ng bahay namin. Nakahalukipkip lang ito habang nakasandal sa kotse. Isang ngiti din ang pinakawalan nito nang makita ang gulat na mukha ko.

"Ready?" tanong nito sa akin pero hindi ko siya pinansin at nilampasan na lamang ito pero mabilis nitong nahawakan ang braso ko.

"Where are you going?" tanong nito. Pinilit kong alisin ang hawak niya sa akin pero humigpit lamang iyon.

"Bitiwan ko ako, Xiv. Malelate ako sa klase."

"That's why I'm here. Sabay na tayong pumasok," sabi nito at pinaharap ako pero nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya.

"Ayoko. Bitiwan mo na ako."

Nagulat nalang ako nang hilain niya ako at isinandal sa kotse. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya at sinalubong ang mga mata nito na bakas ang iritasyon.

"Pag-aawayan ba natin to?" naiiritang tanong niya.

Hindi ko na napigil ang sarili ko at malakas ko siyang tinulak. Punong-puno na ako. Gusto ko na lamanh makuha lahat ng sagot sa mga tanong na gumugulo sa isip ko dahilan para hindi ako makatulog sa gabi.

"Tama na, Xiv! Lubayan mo na ako! Simula ng bumalik ka gumulo lang ulit ang mundo ko! Masaya ako noong wala ka e! Pero bakit kailangan mong bumalik at guluhin nanaman ako?!" sigaw ko sa kanya.

"Belle," tawag niya at halata ang gulat sa mukha.

"Stop calling me that way! Ang labo mo! Ano ba talaga? Sabi mo wala ka ng nararamdaman pero hindi naman iyon ang kinikilos mo e! Ano ba talaga?! Alam mo minsan iniisip ko sana hindi ka na bumalik. Sana hindi ka na ulit nagpakita sa akin. We're better off as enemies, no, it's better if I've never met y-"

"I love you!"

Nanlaki ang mata ko sa gulat sa sinabi nito. I didn't see that coming.

"I fucking love you. I love you. I love you so much, my Belle. Pero hindi dapat. Loving you this much is so wrong. Yet, I can't help my self to feel this way towards you."

Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya alam ang gagawin kaya naman ginawa niya ang pinakanakakabaliw na gagawin ng isang babae kapag may isang lalaking ang nagtapat dito. Ang tumakbo.

"Belle!"

Pero bigo siyang makalayo dito dahil naabutan pa rin siya nito at hinarap sa kanya.

"Stop running away!"

"But it's the best I can do at this moment!" sigaw niya pabalik dito. Pakiramdam niya mababaliw na siya. Kung isang roller coster ang buhay niya, si Xiv ang bawat kurba at loop noon.

"The best you can do, huh? Let me tell you this, Belle. Running away? It's the most stupid thing you will do. Believe me. I've been there, I've done that. For years, I've been running away from the feelings I have for you pero lalo lang tumindi. Until now, I'm running away pero hindi ko na kaya. This love is slowly exploding and I can't help it. That's why I'm doing things for you to hate me para wala ka ng ibang maramdaman para sa akin kundi inis. Hate is a reminder that were enemies and we shouldn't feel something for each other. But I don't want you to runaway from me!"

Eto nanaman siya. Hindi komnanaman siya maintindihan. Xiv and his riddles frustrates me!

"Do you really want me to hate you?" tanong ko pero hindi niya iyon sinagot. Nakatitig lamang ito sa akin.

"Because I hate you right now that's why I wanted to runaway from you. I hate you to the point I don't want to see you anymore because seeing you means suicide."

Suicide dahil nasasaktan siya. Mahal siya nito? Pero bakit gusto nito na kamuhian niya ito? Kung mahal naman pala siya nito, bakit hindi nalang nito hayaan na mahalin niya rin ito? Mahal nila ang isa't isa pero bakit kailangan maging ganito kakumplikado ang lahat?

--

Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon