Chapter 3

849 35 0
                                        

Reason

Isang nakakapagod na araw. Kaninang umaga ay nagulat nalang ako na nasa amin sina Xiv at Alexa. Ang sabi ni Alexa ay mas mabuti daw kung sabay-sabay na kaming tatlo na pumasok.

Dahil sa iba ang building ni Alexa sa amin, kaming dalawa lang ang magkasama ni Xiv papunta sa room namin. Walang sino man ang nagsalita sa amin. Para bang pinakikiramdaman pa namin ang isa't isa.

Pagkasimula ng klase ay madalas akong tawagin ng prof para sa recitation pero katulad ng dati ay laging sumisingit si Xiv sa explanation ko. O di kaya'y makikipag-unahan siyang sumagot sa akin. Parang noong grade school at highschool lang. Magkalaban nanaman kami.

Ngayon naman ay sabay-sabay kaming kumakain ng lunch. Silang dalawa lang ni Alexa ang nag-uusap habang ako ay tahimik na kumakain. Minsan ay isasali nila ako pero tipid lamang akong sumasagot.

"May problema ba?" tanong sa akin ni Alexa. Nakatingin din sa akin si Xiv na para bang gusto rin malaman kung anong problema.

"Wala. Hindi ko lang gusto ang pagkain."

Napatingin sila sa kinakain ko. Fish fillet at menudo. Alam nilang paborito ko ang menudo pero hindi ako kumakain ng atay kaya naman inaalis ko pa. Kaya lang ay halos atay ang naiserve sa akin kaya naman halos fish fillet lang ang kinakain ko.

Nagulat ako ng biglang may kumuha ng pagkain ko tapos ay naglagay ng iba. Parehong menudo din pero chicken fillet at puro laman na ang sahog ng menudo.

"Dapat kasi hindi ka na nag-order nito kung hindi mo naman kakainin ang kalahati. Yung kaldereta nalang sana inorder mo," sabi ni Xiv.

Gusto kong bawiin ang pagkain pero sinimulan nang kainin ni Xiv iyon kaya naman kinain ko nalang din ang pagkain na ibinigay niya sa akin. Napatingin lang ulit ako kay Xiv ng tumunog ang phone niya at sinagot ito.

"I told you not to call me when I'm in school," sabi niya sa kausap. Nakita ko pang napakunot siya ng noo.

"You left him? Alam mo namang nasa school ako tapos iiwan mo? Nasaan ka ba?" sabi niya na tila nagpipigil sumigaw.

"Tangina naman, Emily! Dahil lang sa lintik na celebration na yan iniwan mo?! Nasaan si Cali ngayon?!" bago pa kami makapag-react ni Alexa ay bigla na lamang umalis si Xiv na halatang nagmamadali.

Nagkatinginan kami ni Alexa na halata ding naguguluhan sa nangyayari.

"Sino si Emily at Cali?" tanong sa akin ni Alexa na hindi ko naman nasagot dahil maging ako hindi ko alam kung sino ang babaeng iyon. Kung sino man siya, alam kong malaki ang parte niya sa buhay ni Xiv.

"Bakit mo ba ako sinusundan?" tanong ko kay Xiv. Simula kasi nang makita niya na kinakausap ako ni Aaron ay hindi na niya ako nilubayan.

"Nililigawan ka ba ni Aaron?" biglang tanong niya. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Bakit nagseselos ka? Nagkakagusto ka na sa akin no?" pang-aasar ko sa kanya pero tinignan niya lang ako ng masama bago naglakad palayo. Hindi ko naman mapigilan ang pagngiti ko. Madalang ko lang kasing mapikon si Xiv at isa na ang araw na ito sa madalang na iyon.

"Pagbalik ko ng classroom ay nagulat nalang ako na magkaharap si Xiv at Aaron at seryosong nag-uusap. Base sa reaksyon sa mukha ni Xiv ay halatang napipikon na siya kay Aaron habang si Aaron naman ay mukhang nang-aasar pa.

"Aaron," pagtawag ko sa kanya. Lalo namang lumawak ang ngisi nito ng makita niya ako. Nilampasan niya si Xiv para malapitan ako.

"Ano? May sagot ka na ba?" tanong niya sa akin.

Sa totoo lang, ng makita kami ni Xiv na magkausap ni Aaron ay nagtapat sa akin si Aaron. Tinanong niya ako kung pwedi niya akong ligawan pero sabi ko ayoko. Ang sabi naman niya ay baka nabigla niya lang daw ako kaya naman hihintayin nalang niya kung ano talaga ang sagot.

"Tulad ng sabi ko kanina, ayoko. Wala akong oras para diyan. Ano bang pinag-uusapan niyo ni Xiv at mukhang napipikon na siya sa'yo?" tanong ko sa kanya. Nagkamot lang siya ng batok na parang nahihiya siya sa akin.

"Sinabi ko kasi sa kanya na liligawan kita. Tinanong ko rin siya kung ayos lang ba sa kanya na ligawan ka."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napatingin ako kay Xiv at nakakunot noo lang siyang nakatingin sa amin ni Aaron.

"Bakit mo ginawa yun? Ano naman pake ni Xiv kung ligawan mo ako? Tsaka sinabi ko naman sa'yo na ayoko!" naiinis na sabi ko sa kanya at nagtungo na sa upuan ko which is sa tabi ni Xiv.

"Nagseselos ako, Belle pero hindi dahil sa nagugustuhan na kita. Baka kasi hindi mo na ako pansinin kapag may nanligaw na sa'yo. Baka hindi ka na mag-effort na matalo ako at ayoko noon. Gusto ko kapag nakikita kong naiinis ka sa akin dahil hindi mo ako matalo. Nakakatuwa kasi parang sasabog ka sa sobrang inis sa akin."

Tinignan ko siya ng masama. Okay na sana e. Maaasar ko na sana siya kaso bigla agad akong nabara.

"Nakakainis ka talaga, Xiv!"

Napangiti nalang ako ng maalala iyon. Noong sinabi ko kay Alexa iyon ay halos mabingi na ako sa kakatili niya. Sabi pa niya ay gusto daw ako ni Xiv kaya naman lagi niya akong iniinis at ayaw niya magpatalo sa akin. Tinawanan ko nalang siya ng sinabi niya iyon.

"Iniisip mo pa rin ba kung sino si Emily at Cali?" tanong sa akin ni Alexa.

Naglalakad na kami ngayon pauwi. Pagkatapos umalis ni Xiv kaninang break hindi na siya pumasok pa. Siguro sadyang mahalaga kung ano man ang pinuntahan niya.

"Hindi no. Iniisip ko lang kung ano ang gagawin ko bukas. May quiz kasi kami at sigurado na mas mataas nanaman sa akin si Xiv," nakasimangot na sabi ko sa kanya.

Napailing nalang si Alexa sa akin. Hindi na kasi bago sa kanya ang reklamo kong ito. Kahit naman kasi dati pa kapag may paparating kaming quiz ay nafufrustrate ako kung paanong review style ang gagawin ko para lang mas mataasan ko si Xiv pero nagawa ko na lahat wala pa rin. Ang masakit, hindi man ata nagrereview si Xiv.

"Hanggang ngayon ba naman gusto mo pa rin siyang matalo? College na tayo, Mae. Mag-graduate na nga e. Di ka pa rin makamove-on na mas magaling siya sa'yo? Dinaig mo pa ang traffic sa edsa sa bagal mong makamove-on!"

Pabiro ko naman siyang sinabunutan at tinawanan niya lang ako.

"Bakit ba gustong gusto mo siyang matalo?" biglang tanong niya

"Huh?!" Hindi ko alam kung bakit nagulat pa ako sa tanong niyang iyan samantalang ilang beses na niyang itinanong iyan at ilang beses ko na ring sinagot.

"Ano ba siya sayo?" napatitig ako sa kanya.

Hindi ako makasagot. Simple lang naman ang sagot sa tanong ni Alexa. Si Xiv ay isang kaaway. Buong buhay ko ang turing ko sa kanya ay isang kaaway pero bakit hindi ko masabi iyon kay Alexa? Siguro dahil sa nakalipas na taon marami na ang nagbago. Nagmature na ako at bukod doon, malaki na ang ipinagbago ni Xiv.

"Mae, sa palagay ko hindi mo na talaga siya matatalo," seryosong sabi pa ni Alexa.

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin pero nakatingin lang siya sa akin na para bang tinitignan ang reaksyon ko kung dapat niya pa bang ituloy ang sasabihin nya.

"B-bakit?" tanong ko ng sa wakas ay mahanap ko rin ang boses ko.

"Dahil nahulog ka na sa kanya. Mahal mo na siya at eto ang tatandaan mo. Ang taong nagmamahal, kahit gaano pa katalino, nagiging bobo. Kahit gaano pa kalakas, nagiging mahina. Ang taong nagmamahal, sa huli, siya ang talo."

Napatulala ako sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya kaya naman napahawak ako dito.

Marami na nga ang nagbago sa nakalipas na taon pero ang nararamdaman ko para kay Xiv, mukhang wala namang nagbago. Mahal ko siya? Kung ganoon pala simula palang talong-talo na ako sa kanya dahil minahal ko ang kaaway ko.

--

Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon