Dedicated to @GANGKUFIASINPAE88
The Truth"Mahal niyo naman pala ang isa't isa. Ano ang problema? Anong inaarte niyo? Wala naman akong nakikitang mali roon," sabi ni Alexa.
Agad kong pinara ang taxi na nakita ko kaya naman natakasan ko si Xiv kanina. Hindi nga ako nagkamali at nalate ako kaya naman hindi ko tuloy napasukan ang first subject ko. Kaya naman agad kong tinawagan si Alexa para magkita kami dahil alam ko naman na mamaya pa ang unang subject niya.
"Hindi ko alam. Gulong-gulo na ako. He said that his love for me is slowly exploding and he can't help it. Pero hindi ko maintindihan kung bakit gusto niya na kamuhian ko siya."
Pinahid ko ang luhang muli nanamang naglandas sa pisngi ko. Simula kanina ay hindi na tumigil sa pagtulo ang luha ko. Pakiramdam ko hinang-hina na ako.
"Maybe he has reasons. Hindi ba at sinabi niya na kaya nawala siya noon ay dahil ipinadala siya sa US ng Dad niya at iyon ay dahil nalaman nito na may gusto siya sa'yo? Malay mo, tutol pa rin ang Daddy niya sa'yo."
"I don't know."
Nagpaalam na siya dahil oras na para sa first subject niya kaya naman naiwan akong mag-isa doon sa canteen. Iniisip kung ano ang susunod na mangyayari sa aming dalawa at kung bakit niya ginagawa ang mga ito. Tama naman si Alexa. Mahal naman namin ang isa't isa pero bakit ganito ang sitwasyon namin? May mali ba?
I was kind of expecting na katulad kahapon ay makikita ko siya sa harap ng bahay namin at naghihintay. Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulu gkot dahil wala siya ngayon. Tinignan ko ang wrist watch ko at nakitang malapit na ang oras kaya naman nagmadali na akong sumakay ng taxi patungo sa school.
Muli kong tinignan ang relo ko. Sampung minuto nalang at malelate nanaman ako. Saktong kakalabas palang ng sasakyan sa subdivising namin. Sa mga nakaraang araw ay lagi nalang akong nalelate dahil hindi ako agad nagigising. Hindi rin naman kasi ako agad na nakakatulog dahil sa kakaisip.
Muli kong tinignan ang relo ko at tumingin sa labas pero sana hindi ko nalang ginawa.
"Manong pakihinto po sandali," sabi ko sa driver.
Wala na akong pake kung malate pa ako. Lumabas ako sa sasakyan at tinanaw siya mula sa malayo. Lumampas na ng kaunti ang taxi sa bahay nila kaya naman hindi niya na ako makikita na nakatingin pero kitang-kita ko siya dito.
Kitang-kita ko kung paano siya tumawa habang karga ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa limang taong gulang habang nasa harapan naman niya ang isang babae at nakangiti sa kanila. Kitang kita ko rin kung paano niya titigan ang babae at kung paano niya inilapit amg mukha niya dito upang halikan siya.
"Sasakay ka pa, Miss?" tanong ng driver. Iniabot ko nalang ang bayad ko sa kanya at hinayaan siyang umalis. Wala na akong lakas oras pumasok pa. Babalik nalang ako sa bahay.
Muli kong nilingon ang bahay nila Xiv pero laking gulat ko ng magtama ang mata namin. Agad akong tumalikod at nagsimula ng maglakad pabalik sa subdivision namin.
Hindi pa ako handang makita siya at makausap. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin nang nakita ko.
Mas binilisan ko ang paglalakad pero napasinghap ako ng may kamay na humila sa braso ko at pinaharap ako dito. Nakita ko si Xiv na habol ang hininga at marahil at tumakbo para maabutan ako dito.
"Belle," tawag niya. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang paghikbi. Yumuko rin ako para hindi niya makita ang mukha kong basang basa na ng luha.
"What you saw..."
"Is a happy family," putol ko sa sasabihin niya. "Hindi naman ako tanga, Xiv. Genius nga tayo diba?"
"I can explain," sabi niya pero umiling ako.

BINABASA MO ANG
Loving My Enemy
RomanceMae Isabella Alcaire had always been the best of the bests in Adam State University. She's always confident that she will be the first from all the things that she will do. But then her mortal enemy came back. Xairill Ivan Valdez or Xiv according to...