Chapter 11

457 23 2
                                        

Hindi ko magawang tignan si Cali habang si Xiv naman ay bumitaw sa akin at binigyan ng pansin ang anak.

"Hey. I thought you're already gone for bed. Why are you still awake?" tanong niya sa anak.

Binuhat naman siya ni Xiv at ipinasok muli sa kwarto. Sinundan ko naman sila pero hanggang sa may pintuan lang ako.

"Because I can't sleep. I want you beside me, Daddy," nanlalambing na sabi ni Cali. And just like a while ago, he run his fingers down Xiv's nose.

"Okay. I will sleep let me talk to your Tita Mae home first, okay? It will just be 3 minutes."

"Promise, 3 minutes lang?"

Nakangiting tumango si Xiv at ginaya ang ginawa ng anak sa ilong nito bago siya bumaling sa akin.

Bumalik kami sa sala para doon na mag-usap.

"Dito ka na matulog. Madilim na sa labas. Baka mapano ka pa kapag hinayaan kitang umuwig mag-isa."

"Hindi na. Malapit lang naman," sagot ko sa kanya.

Napa-tsk naman siya sa sagot at umalis doon para pumasok sa kwarto niya. Tumayo na rin ako at akmang aalis na pero nakita ko siyang bumalik.

"Tsk. Nawala lang ako saglit aalis ka na agad?" tanong niya sa akin.

"Xiv..."

"Stay, Belle. Please," pakiusap niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi mag-stay doon.

Itinext ko nalang din sina Mama na kina Alexa nalang muna ako matutulog. Sinabihan ko rin si Alexa ganoon ang sinabi ko kay Mama at bukas ko nalang ipapaliwanag ang sitwasyon ko.

"Here," inabot sa akin ni Xiv ang isang t-shirt niya at boxer na agad ko namang kinuha.

"Maligo ka na muna habang nagluluto ako ng pagkain," sabi niya sa akin. Tinignan ko naman siya ng buong pagtataka.

Ang kilala kong Xiv ay kailanman hindi pa humawak ng sadok o siyansi dahil kung may isang bagay na hindi kayang gawin si Xiv, iyon ay ang pagluluto.

"Don't judge me. Kaya ko ng magluto ng scramble egg," sabi niya kaya naman napangiti ako. Ano to? Breakfast lang?

Ibinaba ko ang damit na ipinahiram niya sa aki at nagtungo sa kusina nila.

"Mauna ka nang maligo sa akin at ako nalang ang magluluto ng hapunan natin," sabi ko na binibigyang diin ang hapunan.

Napasimangot naman siya pero sinunod din ang sinabi ko.

Nagsimula akong magkalkal sa ref nila. May manok pa doon kaya naman naisipan ko na mag-adobo nalang.

Habang nagluluto ako ay bumalik ang isipan ko sa mga nangyari ngayong araw na ito. Simula pa kaninang umaga nandito na ako sa bahay nila Xiv at wala kaming ginawa kundi mag-usap lamang.

"...sisiguraduhin kong magiging akin ka na pagkatapos noon."

Napabuntong hininga nalang ako nang maalala ag sinabi niya kanina. Kung ganoon lang sana kadali. Matatanggap ko pa na ikinasal siya sa iba dahil hiwalay na rin naman sila pero ang katotohanan na may bata ng involve ay ibang usapan na iyon.

Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod.

"Hmmm, ang bango naman niyan," bulong ni Xiv sa tenga ko bago ako hinalikan sa pisngi.

Agad ko namang inalis ang mga braso niya at pinatay na ang kalan. Nagsandok na rin ako ng ulam at kanin at inilagak sa mesa. Nakaupo lamang siya doon at pinagmamasdan ang bawat kilos ko.

"It would be nice if it's like this everyday," narinig kong sabi niya.

"Xiv," tawag ko sa kanya na parang sinasabing itigil niya kung ano man ang tumatakbo sa isip niya.

"I just can't help it. It's my dream for you to become my wife," sabi niya.

Tinignan ko siya sa mata.

"But you married someone else," kusa na lamang iyon lumabas sa bibig ko. Hindi ko na mababawi pa kaya naman nag-iwas nalang ako ng tiningin at nilagyan siya ng kanin sa plato.

"Hindi pala uuwi ang parents mo?" tanong ko sa kanya para naman maiba ang usapan.

"No. They said they had an emergency call in Singapore kaya naman nagpunta sila agad doon,"

Natapos kaming kumain ng tahimik lang at wala na muling nagsalita pa. Nararamdaman kong nakatingin siya sa akin pero hindi na ako nag-angat pa ulit ng tingin.

"Goodnight," tipid na sabi ko at ngumiti. Akmang isasara ko na ang pintuan ng guest room nila na pansamantala kong tutulugan ng pigilan niya ito gamit ang paa niya.

"Belle," tawag niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kaniya. Kita sa mga mata niya na para bang nakikiusap siya sa akin.

"I begging you, give us a chance. Please?" pakiusap niya sa akin.

"Xiv," tawag ko sa kanya.

"Please naman, Belle. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin para lang maging akin ka na."

Hindi ko na rin alam kung ano ang dapat kong gawin. Lumapit ako sa kanya at ipinalupot ang braso ko sa leeg niya. Bakas sa mukha niya ang gulat sa ikinilos ko pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Kahit na kinakabahan ay iniangat ko ang mukha ko at inilapit ang labi ko sa labi niya hanggang sa maglapat ang mga iyon. Hindi ko iyon iginalaw at nanatili lamang nakalapat pero hinapit niya pa ako sa bewang para mas mapalapit sa kanya at isinandal sa pader na katabi ng pintuan.

Napaungol nalang ako ng kagatin niya ang labi ko. Tumigil lamang siya nang maubusan na kami ng hininga.

"I'll give us a chance. Let's try to work this out. Alam ko na masasaktan at masasaktan ako sa relasyon nating ito but please, don't ever leave me again," ako naman ang nakiusap sa kanya.

Nakita ko ang kislap sa mga mata niya habang nakangiti sa akin at tumago kaya naman napangiti na rin ako. Mabilis niya akong niyakap at bumulong sa tenga ko.

"I promise. I love you, my Belle."

Ngumiti lamang ako habang nakayakap sa kanya.

--

Hope you like this chapter :)
Leave your comments and don't forget to vote for this chapter.
If you have any questions or query, feel free to leave a message :)
Also, don't forget to like my page https://www.facebook.com/Lovevender-WP-765950920097347/?ref=hl

Follow me on twitter @lovevender10

Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon