Home
I want to tell him that I feel the same way. I want to ask him why didn't he follow me. And I want to run to him, hug him, kiss him and tell him that I still love him. But I held myself. I keep my composure and told to myself that if he's still inlove with me, he will not hold himself and claim me as his.
Pumasok na ako sa loob. Not minding him even if he's calling me. Nasa may pintuan palang ako naririnig ko na ang tawa ni Cali at ni Dad na siyang ipinagtaka ko.
Paano naging malapit si Dad kay Xiv lalo na sa anak nito?
Kaya naman pagpasok ko ay hindi na ako nagulat pa na makita si Dad at Cali na naghahabulan sa sala. Si Mommy naman ay nasa kusina at inihahanda na ang pagkain namin.
Lumapit ako kay Mommy at niyakap siya mula sa likod. Now I can say that I'm finally home.
"Welcome back, Mae," sabi niya sa akin at hinaplos ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya.
"What is he doing here, Mom?" tanong ko sa kanya.
Inalis naman niya ang pagkakayakap ko sa kanya at humarap sa akin.
"You'll know why," nakangiting sabi niya bago bumalik sa pagluluto. Sinabihan niya rin ako na umakyat muna sa kwarto ko para iwan muna ang mga gamit ko na ginawa ko naman.
Nagulat pa ako nang pagbukas ng kwarto ko ay nandoon si Xiv at inilalagay ang mga maleta ko sa tabi ng kama.
"Your Father told me to put these here," sabi niya kahit wala pa man akong sinasabi. Tumango nalang ako at inilagay ang backpack na hawak ko sa loob ng cabinet. Mamaya ko nalang aayusin ang mga gamit ko.
Ramdam ko na hindi pa rin siya umaalis kaya naman hinarap ko na siya.
"What are you sti-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang mabilis siyang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit.
"You don't know how much I miss you. How much I wanted to follow you but I can't."
He can't? Why? Dahil kay Emily? Natutunan na niya ba itong mahalin sa loob ng pitong taon?
Humiwalay ako sa kanya.
"Bumaba na tayo at baka handa na ang pagkain," sabi ko na lamang.
Hell, kakadating ko lang! And I'm not expecting our confrontation to be this soon! Hindi pa ako handa. I don't even know what to say to him after he hugged me that tight. Paano ka ba naman makakapag-isip ng dapat sabihin kung ganoon kahigpit ang yakap sa'yo ng taong mahal mo na para bang ayaw ka na nitong pakawalan pa.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at mabilis nang bumaba.
Ang kaninang naghahabulan na si Cali at Dad, ngayon ay nakaupo sila sa couch habang nakatingin sa gawi ko. Si Mom naman ay nasa may pinto ng kusina at nakatingin din sa gawi ko. Para bang may kung ano silang hinihintay at nang makita nila ako na mag-isang bumababa ay napabuntong-hininga nalang sila.
"Pitong taon ang lumipas ganoon pa rin ang Daddy mo," narinig kong sabi ni Dad kay Cali na nakapagpakunot-noo ng bata. Hindi ko naman na sila pinansin at nagtuloy sa kusina para tulungan si Mommy.
Akmang magsasalita palang si Mommy ay pinigilan ko na siya.
"Stop it, Mom. Ayoko munang pag-usapan. Kakadating ko lang and I'm not expecting na ganito pala ang uuwian ko. I'm not yet ready to talk to him."
"Eh kailan ka magiging handa? Hihintayin mo nanaman bang lumipas ang pitong taon bago niyo pag-usapan ang sa inyong dalawa?" napatigil ako sa sinabi ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Loving My Enemy
RomanceMae Isabella Alcaire had always been the best of the bests in Adam State University. She's always confident that she will be the first from all the things that she will do. But then her mortal enemy came back. Xairill Ivan Valdez or Xiv according to...
