Chapter 6

673 34 1
                                        

Loving him

"Because I like you"

Nagpagulong-gulong ako sa kama at sinampal-sampal ang sarili. Bakit ba hindi ko makalimutan ang sinabi niya?! Nakakainis na! Simula nang iniwan ko siya hanggang sa makauwi ako hindi na nawala sa isip ko ang mga sinabi niya!

"Lubayan mo na ang isip ko, Xiv," pagkausap ko sa sarili ko habang pagod na nakatingin sa kisame.

Gusto niya ako? Eh bakit pumayag siya na pumunta ng US nang ipadala siya doon ng Daddy niya? Pwedi naman siyang umayaw pero hindi niya ginawa. Sana sinabi nalang din niya ang nararamdaman niya sa akin.

On the second thought, tama lang pala na hindi niya sinabi dahil siguradong irereject ko rin siya noon dahil sobrang taas ng pride ko. Pero paano naman ngayon? Hindi na niya ako gusto.

Humigpit ang yakap ko sa unan sa isiping iyon. Bakit ba kasi ngayon ko lang naisip na mahal ko na siya? Kung sigurong dati pa at pareho kami ng nararamdaman edi kami pa rin siguro hanggang ngayon?

"Argh! Ayoko nang mag-isip!"

"Belle."

Mabilis akong umiwas nang makita ko siya. Not now, Xiv. Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari kahapon kaya hindi ko pa siya kayang harapin. Isa pa, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Nagtapat lang naman siya tungkol sa nararadaman niya sa akin noon. Noon iyon pero hindi na ngayon.

Nilingon ko siya at nakita ko lang na nakayuko siya habang umiiling na para bang sinusuway niya ang sarili. Nagpatuloy nalang ako papunta sa room namin. Nang makita ko si Alexa sa tapat ng room namin, tipid na ngiti lang ang binigay ko pero sa totoo lang ay gusto ko nang takbuhin ang distansya namin para yakapin siya at sabihin lahat ng nangyari. Alexa is my comfort zone.

"Birthday ni Aaron! Nag-aya siya na pumunta daw tayo. Punta tayo ah!" pakiusap niya sa akin. Sumang-ayon nalang ako dahil alam ko na kukulitin niya ako nang kukulitin para pumunta kami.

Nang mawala si Xiv ay patuloy pa rin si Aaron sa pangungulit sa akin hanggang siguro ay magsawa siya at nakahanap ng katapat niya which is si Alexa. Mukhang tinamaan talaga ang loko sa kaibigan ko dahil sobrang tagal na niyang nanliligaw dito pero hindi pa rin siya sinasagot. Habang si Alexa naman, inamin niya sa akin na gusto na rin naman daw niya si Aaron kaya lang ay nag-aalangan pa ito na sagutin siya dahil baka daw nachachallenge lang sa kanya.

Umalis na rin siya nang mapagkasunduan namin na sa bahay nalang nila magbihis since sa isang bar gaganapin ang party. Pagpasok ko sa room ay nakita kong hindi pa bumabalik si Xiv. Gusto kong malaman kung saan siya pupunta kanina at bakit siya umalis kung malapit nang mag-start ang klase.

Lumipas ang maghapon ay hindi na pumasok pa si Xiv. Nag-aalala ba ako? Oo naman. Kahit na may ilangan sa amin, nag-aalala pa rin naman ako sa kanya. Mahal ko eh.

There, I said it. Mahal ko siya. I just hate to admit that matagal na akong talo sa laban naming dalawa at ayoko rin aminin ang nararamdaman ko sa kanya dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka masaktan lang ako sa oras na malaman niya kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Gad! Ang sexy mo! Baka mamaya bumalik ang feelings sa'yo ni Aaron!" sabi ni Alexa. Napailing nalang ako. I know her too well. Alam ko na partly, she really meant what she said. Alam kong nagseselos siya kapag nakikita niya ang closeness namin ni Aaron. I can't blame her though.

"Sira ka. Alam mo namang head over heels sayo ang tao! Isa pa, alam mo naman na hindi ako magkakagusto sa kanya," sabi ko nalang. Ngumiti lang siya sa akin at inakbayan ako.

"Kase inlove ka na sa archenemy mo. You fell inlove with your enemy."

Hindi ako sumagot. Nanahimik lang ako at inayos nalang ang buhok ko. Napili kong kulutin nalang iyon para hindi ko na kailangan pang ibraid o lagyan ng kung ano mang kolorete. Pagkatapos ay naglagay nalang din ako ng red lipstick.

Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon