Ang pag-ibig eh walang perpektong depenisyon. Kaya madalas ito mahambing sa mga paniniwala mo sa isang bagay. Naihambing na ang pag-ibig kahit saan. Sa switch ng ilaw, sa bulok na prutas, sa produkto ng Coca Cola na ang pagibig daw ay parang ganoon na SAKTO o kaya naman eh Zero. Naging bulaklak na rin ang pag-ibig kapag pinitas mo daw ito eh hindi mo na maibabalik sa dati at mabubuhay muli dahil daw inalis mo na ang tangkay.
Sa rami na ng depenisyon, lalong gumugulo kung ano nga ba ang tunay na ibig sabihin nito. Hindi bat napakasimple kung ang sasabihin lang natin eh ang pag-ibig eh pagbibigay ng tiwala at pagmamahal sa isang tao? Basta alam ko magkakaroon ng pag-ibig sayo at sa kanya. Ganun ka simple.
Pero paano kung hindi ka rin marunong magmahal? Ganito na lang ata talaga ang mangyayari dito. Ibat-ibang depenisyon, ibat-ibang paniniwala. Dahil hindi naman lahat ng taong ating nakikilala at minamahal eh pare-pareho.
Source: matabangutak
-------------------------------------
Ang Tunay na Pag-ibig ay isang napahalagang nararamdaman ng tao.Ito ay ang masidhing damdamin ng pagmamahal. ito ay hindi Lamang pinaka makapangyarihang lakas sa mundo kundi ito ay susi ng Buhay. Kung walang pag-ibigang buhay ay Malamlam at malungkot..
Ang ating kakayahang Umibig ay isang natatanging regalo ng Diyos, na marapat nating ipamahagi. Ang kahanga-hangang himala pa nito ay ang pantay-pantay na kakayahan ng mayaman at mahirap na bumahagi ng pag-ibig sa kapwa at ang pangangailangan na mabahaginan din.
Ang pag-ibig ay maaring ipahayag sa libu-libong pamamaraan, kaya bakit tayo mag0iisip ng kung anu-anong maihahandog, samantalang andyan naman ang pag-ibig, ang pagmamahal na taimtim sa ating pusopuso. kapag nadarama natin ang katotohanang anak tayo ng Diyos, Pagsisikapan nating ang mga kabutihan ay maisaloob, ikaliligaya natin kahit munting tulong ay ating maiihandog sa dapat tulungan, dahil tayo ay may magandang layon ng puso’t kalooban.
Ang pag-ibig ang pinakamagandang maiaalay natin sa mundo,ngunit bago nating magawang ibigin ang kapwa tao, dapat nating mahalin ang ating mga sarili.Kung hindi natin alam ang katuturan niyon at ang ibig sabihin. paano natin maisasalin ang diwa’t buhay nito?
Ang tunay na pag-ibig ay kabutihang loob, hindi mapanibugho, di mayabang di mapagsubokdi mapang-lait, di mapanuri at hindi mapagmalabis. ito ay maunawain, may tiwala,matiisin, matiyaga at laging may pag-asa.
Ang pag-ibig sa kapwa kapag ating naibigay, naipakalat at naipadama sa lahat sa sandaigdigan, tiyak ang maghahari ang katahimikan sa sansinukuban at ang buong pusong pagmamahal sa kapwa.
Source: gawang kanto
BINABASA MO ANG
Mga Boyfriend Ko Sa Panaginip (Slow Update)
RomanceNaranasan niyo na bang magkaboyfriend sa panaginip? Yun bang iba't ibang mukha at iba't ibang istilo ng mga lalake ang makikilala mo sa panaginip mo. . . Pipiliin mo bang matulog habang buhay kung nahanap mo si Mr. Right sa panaginip? O gigising ka...