"Oh anak, kamusta naman ang date ninyo ni Bob?" tanong ni Mommy.
"Ayos lang mommy.. nag-eenjoy ako kasama siya. Binilhan nga po niya ako ng earings at necklace. pati itong cute na teddy bear. *^__^*" sabi ko.
"Ang sweet naman nun. Hehe pero paano na si MJ at JAYVEE?" tanong ni Daddy.
"Dad, what do you mean?" tanong ko. O_o
"Nanliligaw rin sila sayo diba..?? Akala mo hindi namin alam noh.." sabay na sabi ng momsi at dadsi ko.
"Weeeew.. Ewan.. Ano ba.. Hehe Ayaw ko pa magkaboyfriend. Sapat na saken ang makipagdate at makipagkaibigan.." sabi ko (OnO)
"Nako anak.. pinag-aagawan ka na yata...Ang hirap niyan.." sabi ni Mommy.
"Asus, basta ako..ayoko muna isugal puso ko noh..Sige Momsi, Dadsi..sa kwarto na ako.. pagod na talaga ako eh.. Good night.! I love you both..!" sabi ko sa kanila.
Oo nga, muntik ko na makalimutan si MJ at si Jayvee.. T__T Ay ewan.. Hehe si Bob crush ko.. Crush lang ha.. Di ko pa masasabi na mahal.. Iba ang pagmamahal sa crush.. Tandaan niyo yan..Pero pagod na talaga ako.. Diretso nakong pumunta sa CR para magsipilyo.. Tapos nagbihis na ako para matulog..
Ilang minuto na ang nakakaraan kahit pinipikit ko mga mata ko, hindi parin ako makatulog.. Shockss.. Di kasi maalis alis sa isip ko ang ginawa namin ni Bob..Hayyy.. Bakit hinahanap hanap na siya ng labi ko.. Adik na ba ako??? Pakiexplain nga.. Labyu. XD
Shocks naman.. Tumatawag si Bob..
*Bob Calling*
*Answer or Reject?*
*Press Answer*
"Hello Bob?"
- "hello love, matutulog ka na ba..?"
"Hindi pa.. bakit ka tumawag..?"
-"Wala..namiss lang po kita.."
"Ay haha ganun..agad2x.?"
"Naman..hehe nga pala.. yung kanina...yung paghahalikan natin..ano ibig sabihin nun..tayo na ba?"
"Hmm..Hindi.."
"Eh, ano tawag mo dun sa halik na yun love?Hinalikan mo rin ako eh.."
"Gusto ko lang makaranas ng kiss.. Comfortable ako na sayo ko subukan.."
-"Di ko alam kung madidismaya ako dahil gusto mo lang subukan..Pero masaya ako..masaya ako na nahalikan na kita finally.."
"Bob..may tanong ako.."
-"Ano yun Steph..?"
"Gusto mo talaga ako diba?"
-"Oo..hindi lang gusto..mahal na mahal pa."
"Paano kung nakikipaghalikan ako sa iba at nakikipagdate ako sa iba..MASASAKTAN KA BA?"
-"Oo, masasaktan ako..Pero wala pa akong karapatan sa iyo dahil hindi naman tayo..Pero huwag ka mag-alala..Ayos lang sa akin..mamahalin mo rin ako..Matutunan mo rin akong mahalin..Gagawin ko lahat.."
"Bakit ba kasi ang bakit mo saken Bob.. :("
-"Kasi nga Steph..MAHAL KITA.. AT DI AKO MAGSASAWA NA SABIHAN KA."
BINABASA MO ANG
Mga Boyfriend Ko Sa Panaginip (Slow Update)
RomanceNaranasan niyo na bang magkaboyfriend sa panaginip? Yun bang iba't ibang mukha at iba't ibang istilo ng mga lalake ang makikilala mo sa panaginip mo. . . Pipiliin mo bang matulog habang buhay kung nahanap mo si Mr. Right sa panaginip? O gigising ka...