matapos kong maligo, ay agad akong nagbihis, sinuot ko ang paborito kong damit na bigay sa akin ng katrabaho kong bading,. sakto lang ang damit sa akin di masyadong masikip, di din naman masyadong maluwag, kaya bagay na bagay sa katawan kong payat,. pagtapos kong mag bihis, nag lagay ako ng konting pabango at pulbos,. ito ang unang date namin ni sab, kaya kailangan ko mag-pagwapo,. sa tingin ko ay handa na ko humarap kay sab,. kaya bumaba ako at kinatok ko na ang pinto ni sab,.
tok! tok! tok!
ako: sab? tapos na ko, ready ka na?
sab: wait lang jheff!! matatapos na din ako,.
ako: kala ko ba di ka tulad ng ibang. . . . (bago ako makatapos)
(bumukas ang pinto)
sab: ito oh!! okei na ako,. tara!!
ako: bilis aahh!! tara,.
naglakad kaming sabay ni sab palabas, papuntang sakayan,. nadaanan namin ang tindero ng fishball na madalas kong bilhan,. inaya ko si sab kumain bago kami umalis,.
ako: sab! gusto mo? tara kain muna tayo,.
sab: sige! gusto ko din yan,.
matapos naming kumain, ay dumiretso na kami sa MOA seaside,. doon kami naupo kung saan kokonti lang ang tao,. doon din namin inilabas ang sama ng mga loob namin,.
sab: (pasigaw nyang sabi) gago kah!! magsama kaung dalawa,. wala naman akong pagkukulang sayo!! hindi ko alam ba't mo ko niloko!!
ako: (pasigaw ko ding tugon) malandi ka! di ka na nahiya! kababae mong tao kaw pa tong nanloko sakin! at ikaw naman lalaki ka! mamatay ka na! mangaagaw ka! dami ng babae jan ba't ung may boyfriend pa!! kupal ka!
sab: ayoko na sayo!! mamatay ka na hayop ka!! maputi lang sya pero di maganda!
ako: sayong sayo na sya!! wala na kong pake sa nararamdaman ko!! okei na ko kay SAB!!
(nagulat ako sa nasabi ko, di ko inaasahang madadala ako ng emosyon ko) sheeett!! pano ko ipapaliwanag kay sab toh!? napatingin sya sakin, habang ako patay malisya lang sa sinabi ko,.
ako: (sumisigaw pa din ako habang nakatingin sakin si sab) gago ka talaga!! dahil sayo nadulas ako,.!!
sab: jheff?? (pigil nya sakin)
ako: huh? bakit sab?
sab: ano ung sinabi mo kanina??
ako: haa?! ee, sabi ko sakanyang sakanya na sya, wala na kong pake sa nararamdaman ko,. bakit sab? may mali ba sa nasabi ko??
sab: hindi yan, may sinabi ka pa sa huli ee,.
ako: ahh, ee ung ano? uhmm,. (shiiitt! di ko alam sasabihin ko)
ako: sabi ko okei na ko sayo,. kasi may bagong friend na ko,.
sab: yan ung sinabi mo jheff,. yun lang ba ibig sabihin mo don??
ako: ahh ee,. hindi sab,. (di ko na mapigilan sarili ko, kaya sinabi ko na lahat ng nararamdaman ko kay sab)
ako: ang totoo nean sab ee, nung una pa lang kitang nakita, humanga na ako agad sayo,. bukod sa maganda ka na, ee mabait ka din pala,. kaya lalo mo akong napahanga,. gusto kita sab!
sab: huh? ee kelan lang tau nagkakilala ee,. hindi pa kita kilalang lubusan,. atsaka kakahiwalay lang namin ng boyfriend ko, kahit alam kong di na kami magkakabalikan, di ko pa din maiwasan maalala lahat ng mga pinagsamahan namin,.
ako: hindi naman ako nagmamadali sab,. wag mo lang sana ko bastedin agad, ayoko na kasi masaktan, pagbigyan mo sana kong ipakilala ang buong pagkatao ko, hayaan mo sana akong ligawan ka,. seryoso ko sa nararamdaman ko sab! gusto talaga kita,.
BINABASA MO ANG
PANTASYA HANGGANG KATOTOHANAN
Fantastikisang kwento hango sa aking sariling karanasan,. sana'y subaybayan nyo ang aking kwento,.